XXXIV

6.9K 162 9
                                    


ALEC

Sa pagmulat ng mga mata ko, akala ko, doon na matatapos ang bangungot ko. Pero talaga nga yatang nabubuhay na ako sa isang masamang panaginip na ako mismo ang may likha.

Nagising ako sa isang kamang ubod ng laki at malambot na comforter. Nasa loob ako ng isang kwartong puting puti at malamig. Wala ako sa hospital, di naman nangangamoy hospital eh.

Nakaupo sa paahan ko si Luke na nagbabasa ng dyaryo. Himala ah...

"Luke..." Ibinalanse ko ang mabigat kong katawan para makaupo.

"Oh. Alec." Itinuklip na niya ang papel at itinabi. "Ano? May masakit ba? Do you need anything?"

Umiling ako. "Ayos lang ako." Natutuwa ako't maalaga siya. Mahirap humanap ng mga taong ganito ka-caring sa oras ng pangangailangan. Maswerte ako at nagkasalubong ang mga landas namin. "Nasaan pala tayo?"

"This Astro Hotel. Hidden hotel na tinatakbuhan ng mga teenager na gustong makalimot sa mga problema nila. Dito muna tayo magpapalipas ng mga araw." aniya.

Napansin ko ang mga susing nasa may belt niya. "Eh yung van?"

"Nasa parking area sa basement ng building. If iniisip mo na baka makita at mamukhaan 'yun ni Kuya Alfred, no need to worry. Nasa dulo tayo ng city at mahirap mahanap itong hotel na ito sa dinami dami ng mga buildings sa areang ito." mahaba niyang paliwanag.

Nabasa niya ang ekspresyon ko. Mahirap na't baka makita pa kami ni Kuya Alfred... Kamusta na kaya sila Ate Vanessa at Kuya Marvin ngayon? Huwag sana silang pagmalupitan ni Kuya Alfred kahit hindi imposibleng mangyari iyon...

"Oh... What's with the face? Bakit naka simangot ka nanaman?" pansin ni Luke. Hinawakan niya ako sa baba at inangat ang mukha. Ngumiti siya na parang sinasabing magiging maayos din ang lahat.

Sana nga...

"Alam ko na! Sakto malapit na maglunch..." Hinawakan niya ang isa kong kamay at hinila ako palabas ng kwarto.

Naka-red carpet ang mga daanan pero halos kamukha lang mga ibang mga tipikal na hotel ang kabuuan ng building. Maliban lang sa mga kabataan na naghahalikan sa mga sulok sulok at halos doon na gumawa.

Nakailang liko din kami at lumagpas sa pwesto ng costumer service sa floor na ito. Naghintay kami sa harap ng bukasan ng elevator. Salamin ang mga pinto niya kaya't kitang kita ko ang repleksyon namin.

Ang tamlay kong tignan. Maputla. May maiitim na mga bilog sa paligid ng mga mata. Hindi sinusuklay ang buhok na mayabong na rin. Madaling mahalata ang mga pasa ko sa mga braso. Gaano katagal na ba akong hindi nag-aayos ng sarili?

Pinanood kong ang pagpalit palit ng numero katabi ng isang pulang arrow na nakaturo pataas sa maliit na screen sa itaas ng bukasan. 11... 12... 13... 14...

May maikling tunog ng bell na senyales ng paglapag ng elevator. Ako lang ba o nasa tuktok na ata kami ng gusali?

"14th floor?" mahina kong mungkahi. Narinig pa ako ni Luke sa lagay na iyon.

Bumungisngis siya. "Taas noh? May anim na floor pa..."

Ha?! Ganun kataas itong hotel? Malulula ako kapag tumingin ako sa ilalim!

Tumabi kami sa daanan. Iniluwa ng elevator ang dalawang babaeng naghahalikan kahit naglalakad. Bago yun sa akin ah... Kailangan na ata nila...

Sinarili ko na lang ang gulat at sumunod kay Luke pagpasok sa elevator.

"Di mo inaasahan yung nakita mo kanina noh? Masanay ka na. Dito, walang matatandang magbabawal ng mga kagustuhan mo. Lahat pwede at malaya kang gawin." bigkas niya nang makasara na ang mga bakal na pinto. Pinindot nia ang numerong 20 imbes na yung buton na may letrang L.

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon