LUKE
Type. Bura. Type. Bura.
Hindi ko alam kung anong itetext ko kay Alec para mapatawad niya ako. Buong araw, kama ko lang ang kasama ko. Hangga kailan ba ako tutunganga sa kwarto ko. What should I do to win his heart again?
Pinagsabihan na ako ni Ate Mandeng kahapon. Kung anu-ano nang advice ang naibigay niya. Wala parin akong idea kung papaano kami magbabati ni Alec!
Kailangan ko makausap ang mga taong dumaan na sa ganitong mga situation. Iba pa rin kapag ang nag-advice ay yung mga taong nakaranas na talaga ng mismong pangyayari. Kailangan ko sina Bobby at Cathleen.
Nagpalit ako ng damit at naghilamos. Nasa store kaya sila ng ganitong araw?
Nagmartsa na ako patungo sa BobCath. Pinagbuksan ako ng guard at tinungo ko ang counter. Ibang tao ang nag-aasikaso sa may cash register. Yung kapatid na lalaki ni Cath. He looks younger for my age.
Naupo ako sa isang upuan sa harap ng counter. "Nandyan ba sina Cathleen?" tanong ko sa bata.
"Wala po Kuya. Kakaalis lang po nila ni Kuya Bobby. Mamaya pa pong gabi ang balik..." sagot nito. "May gusto po ba kayong ihabilin?"
"Wala naman... Pa-order nalang ng isang Blue Lagoon soda." I said. Ibinigay ko na ang bayad at naghintay.
May isang lalaking naka-strips na long sleeves ang lumapit din sa counter para mag-order. Nakutuban sigurong pinagmamasdan ko kaya lumingon. Pamilyar ang mukha. Inaral ko ng mabuti ang itsura niya hangga sa maalala ko.
"Lucas?!" bigkas niya sa pangalan ko.
"Aba, gagong ito!" 'Yan ang unang lumabas sa bibig ko nang maalala ko. "Brent!" Nakipag-man hug ako sa kanya at knamayan ang loko. "Musta? Kailan ka pa nakabalik? Bakit bumalik ka pa?!"
"Sama mo, 'tol! Iilang araw palang ang lumipas ng makauwi ako galing California."
Dumating na ang mga order namin sa counter. Kanya kanyang kuha at inom.
"Taena, pare! Daming babae sa CaliPORNia! Busog palagi. Dapat ma-try niyo ni pareng Bobby!" suggest ng ulupong.
Matalik naming kabarkada ni Bobby at Cathleen ang shokoy na ito. Darati, bago pa siya lumipad pa-ibang bansa, sabay sabay kaming tatlo nagji-gym. Singka-laki kami nang katawan. Eh kaso, clumsy kumilos ang loko. Napag-iwanan. Pero ngayon mukhang nakabawi.
"Gago! May syota na si Bobby... Saka 4 months akong mas matanda sa iyo, nakalimutan mo ata? Kaya mas marami akong napakain!" pagmamalaki ko.
"Sira! Not counted yung mga lalaki saka mga kasama mo sa mga videos mo! Madaya ka, ulupong!" aniya sabay subo ng fries. Oo. Alam niyang bisexual ako. Tunay na kaibigan eh...
"Edi may imported ka nang syota? Gwapo ka na ngayon eh." sabi ko at tinusok siya sa tagiliran.
"Pa-hard to get muna ako, ma men. Nilalasap ko pa ang buhay binata. Sayang nga at mukhang si Bobby, natalian na sa leeg." Nag-ayos daw ng kilay ang sira at pinungayan ang mga mata. "Saka gwapo na ako, dati pa..."
Binatukan ko ang sira. "Ulol! Mag-kape ka kaya nang matauhan ka!"
Kinatawa niya ang sinabi ko. "Di mo lang tanggap dahil mas bata ang itsura ko sa inyong dalawa ni Bob. Sino nga pa lang syota niya?"
"Hindi pa ba kayo nagkikita? Huli ka na sa balita. Ang tagal na kaya nilang mag-on ni Cath. Obvious ba, kaya BobCath pangalan nitong store nila..." paliwanag ko.
"Woah!" Bilog na bilog ang bibig ni Brent sa gulat. "I didn't see that coming! I thought something random lang ang name nitong store at iba ang may-ari. Pero sila talaga? Really?"

BINABASA MO ANG
Bait Bus
Teen Fiction[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...