XXIII

7.6K 206 13
                                    

ALEC

Huli kaming umalis ni Luke sa plaza. Pagod ang lahat at nagliligpit na. Nakauwi't nagpapahinga na si Nanay Roti. Malalim na rin ang gabi.

Tinawag kami ng tropa. Nagyayayang makipag-inuman sa labas ng bahay ni Nanay Roti. Ayos lang naman. Inaalalayan ni George si Carlo na napasobra na sa inom. Isa pang baso at tutumba na siya.

Tahimik lang sa dulo si Cardong at seryoso. Matutunaw pa ang baso sa titig niya.

Lumugar kaming dalawa sa kabilang dulo ng mesa katapat sina Cardong at yung mga love birds. Nakagitna si Luke sa amin ni Tootsie.

Naglagay na si Toosiebelle ng laman sa mga baso namin. "Itey na yung celebration natin para sa pagkapanalo kahapon. Itaas ang mga lambanogers! Cheers!"

Itinaas namin ang kanya kanyang baso at nagcheers. Unang beses ko lang ito iinom. Hindi pa ako kailan man sumubok. Minsanang lagok lang ang ginawa nilang lahat. Kinopya ko lang ang ginawa nila. Mapaklang mapait. Gumuguhit sa lalamunan. Ayaw ko na...

"Umiinom ka?" pabulong na tanong ni Luke.

"Hindi eh... Pangit pala yung lasa..." sagot ko.

Umusog siya sa tabi ko. "Wag ka na. Baka kung saan ka pa pulutin."

Nilantakan ko na lang ang isang platitong mani. Gawing kanin ba ang pulutan? Hahaha!

Tumayo si Carlo, nakaposturang magtutula. Inaawat siya ni George pero hindi mapigil.

"Alam niyo bang lahat... Kay tigas ng puuuuso kong tumitibok tibok noon." pagsisimula niya. "Biro lang ang lahat para sa puuuuso ko! Pero ngayon gabi... May kakaiba akong naramdaman... Sa isang sandali, nabago lahat... Mahal ko na ata si Georgette, mga kaibigan!" Nakuha pang magbow ng lasing.

Pulang pula naman si George sa hiya. "Wag niyo siya pansinin... Wala na sa katinuan eh..."

Nagsitawa na lang kami sa kanya. Eh bakit memoryadong memoryado niya ang mga linyang iyon at matagal na sanang gustong ipabatid?

Naiinip naman ako. Nakakangawit sa puwet ang matagalang pag-upo. "Magbabanyo lang ako." paalam ko sa kanila.

Ipinagpatuloy lang nila ang inuman at kwentuhan. Madalas si Carlo ang puntirya at pinagtitripan. Aliw na aliw si Luke sa kanya.

"Alec!" Si George pala ang nakabuntot sa akin.

Kumuha ako ng isang baso ng tubig at nagmumog. Nalalasahan ko pa rin yung lambanog.

"Nakalimutan kitang pinasalamatan sa pagtulong mo sa akin..." wika niya. "Kung hindi dahil sa iyo, nasa bahay nanaman ako nito at nagmumukmok..."

Inilagay ko na sa labado ang baso at naghugas ako ng kamay. "Wala yun. Maganda ka naman talaga e... Paturo ka lang mag-ayos kay Tootsiebelle... Edi kinikilig ka niyan?"

"Huh? S-saan naman?" nauutal niyang pagtatanong.

Umikot ako. "Kunwari pang hindi alam eh... Yung sinabi ni Carlo. Na mahal ka na ata niya..."

"Na. Ata. Ngayon niya lang ako natutunang mahalin? Ganun ba? Saka lasing siya noh... Hindi niya alam ang mga sinasabi niya..." paliwanag niya sa akin.

"E di ba ang mga umiinom ng alak, kapag nalasing, naibubuhos at naipapahiwatig nila lahat ng mga bagay na tumatakbo sa puso't isip nila?" diin ko.

"Bahala ka kung anong gusto mong isipin, Alec! Tara na nga!" aya niya at lumakad na kami.

Malapit kami sa may labasan nang mag-ingay ang mga kasama namin sa labas.

"Sige pa! Sige pa!" ani Carlo.

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon