ALEC
Kahit na naka-jacket na ako, nararamdaman ko pa rin ang lamig ng gabi. Halos wala nang tao sa paligid. Gaya ng dati, madidilim na mga kanto... Mga nakakakilabot na biglang pagtahol at pag-alulol ng mga aso... Walang pinagkaiba sa gabing nagahasa ako sa eskinitang madilim.
Gayun pa man, wala pa rin akong dinalang kahit anong panangga na magagamit sa oras ng panganib. Lakas loob kong tinungo ang Central Park sa kalagitnaan ng gabi.
Natatanaw ko na ang matataas na bakod ng park. Nakapatay rin ang mga ilaw. Walang ibang ingay maliban sa tunog na likha ng mga kuliglig. Walang kahit isang guard na nagbabantay.
May malapad na sign na nakaharang sa pasukan sa park. Park is CLOSED.
Nagpamulsa ako. Sinigurado kong walang nanonood sa akin. Dumaan ako sa ilalim ng sign papasok sa park.
Ganito pala ang itsura rito kapag gabi. Medyo nakakatindig balahibo.
May kung anong kumaluskos sa mga halaman sa gilid. Hindi ako gumalaw. Hinintay kong lumabas ang naroroon. May bote ng soft drinks akong natamaan sa ibaba. Mabilis kong pinulot at pinakahawak. Baka rapist nanaman ito.
Malakas ang pagdagundong na nagaganap sa aking dibdib.
Tumalon palabas ang gumawa ng kaluskos. Naibato ko ng mas malayo ang bote sa kaba. Nadinig ko pa ang mahinang tunog ng pagkabasag nito.
Pinantakip ko nalang sa mga mata ko ang aking kamay na parang isang paslit na ayaw makita ang nakakatakot na mukha ng isang halimaw.
Wala akong naramdaman na kahit anong paghawak. Walang boses na nagsalita. Walang tunog ng mga paang naglalakad. Niluwagan ko ang espasyo sa pagitan ng mga daliri ko at sumilip.
"Meow." ang sabi ng halimaw na tumakot sa akin at halos patayin na ako sa gulat. Isang maliit na pusang itim lang pala.
Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang paglalakad hangga sa may parte na play ground.
Maaliwalas ang kalangitan. Walang ulap at kitang kita ang bilog na bilog na buwan at mga di mabilang na bitwing nagbigay buhay sa langit nitong malamig na gabi.
Natunghayan ko kung paano pagmasdan ni Luke ang mga ito. Nakaupo siya sa isang swing, tila nililibang ang sarili habang hinihintay ako.
Tahimik akong lumapit at naupo sa isa pang swing sa tabi niya. Tumingala din ako at nabighani sa kagandahan ng langit.
"Akala ko hindi mo ako sisiputin..." pagsisimula niya.
Kinilabutan ako sa lamig ng ihip ng hangin. Itinaas ko ang zipper ng jacket hangga sa may banda leeg ko na. Nilingon ko si Luke. Puting t-shirt. Jogging pants. Sandals.
"Hindi ka ba nilalamig?" tanong ko.
Pinilit niyang ngumiti. "Nilalamig. Kaya nga pinipilit kong ibalik ang nawala... Yung init ng pagmamahalan..."
Nagpanggap akong hindi ko narinig ang huli niyang sinabi. "Gusto mo pahiramin kita ng jacket ko?" alok ko.
Hinarap niya ako ng tuluyan. Mas maayos kong nakita ang mga mugto niyang mga mata at malalaking eye bags. Kahit paanong pilit niyang ipakitang masaya siya, nangingibabaw pa rin ang kalungkutan na kanyang tinitiis.
"Gusto ko... Ikaw. Gusto kong bumalik ka sa akin..."
Iniwan niya ang inuupuan niya't kinuha ang mga kamay ko. Lumuhod siya sa aking harap. Nagsalubong ang aming mga tingin. Pati mga mata niya, nagsasalita at tila nagmamakaawa. Gumilid na ang mga luha sa mata niya.
BINABASA MO ANG
Bait Bus
Teen Fiction[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...
