If gusto niyo pong magpadedicate sa kahit anong chapter na nagustohan niyo, pa-PM na lang ako, okies? Salamat!
Nagfast forward na pala ako sa part na toh ah... Hehehe.
----------
ALEC
Patapos na ako sa pagsisintas ng mga sapatos ko. Si Luke naman, ang tagal kung maligo! Halos di ako makatulog kahapon maski kumain kaninang umaga. Excited ako sa pageant ni Tootsie ngayong gabi. Sabi sa akin ni Carlo kanina, masaya daw sa mga gay beauty pageant. Sasakit tiyan mo kakatawa.
Pinuntahan ko ang banyo at kinatok si Luke. Nakabukas nanaman. Bakit ba hirap na hirap maglock ng pinto ang lalaking ito?
"Buhay ka pa ba? Dalian mo. Tapos na ako eh..."
"Di mo alam kung gaano kabusisi ang pag-aayos para magstand out ka sa public." sabi niya.
"Ikaw ba makikipagcontest?! Bilisan mo na lang kaya diyan!" sita ko. Nakaka-stress siya kahit kailan!
"Maghintay ka." ani Luke.
Walang time management itong isang 'to oh! Pinasok ko na siya sa loob. Nakatapis lang siya sa ibaba at naghuhugas ng kamay sa lababo. May sabon pa siya sa baba. Di pala, shaving cream...
"Napano ka ba? Bakit di mo pa tanggalin yang nasa mukha mo???" tanong ko at nagpamewang.
Wala siyang imik. Seryoso ang mukha at piga ng piga sa kamay. Kakaiba ang kulay ng tubig. Kulay pula. Nilapitan ko na siya para alamin kung napano ba talaga.
"Lumayo ka." awat niya. May mahabang hiwa sa palad niya. Dumudugo ng sobra.
"Anong nangyare? Sabihin mo yung totoo!" pag-aalala ko.
"Wala akong pangshave na nadala. Sakto may blade akong nakita sa may kusina. Nung gamitin ko na, dumulas sa kamay ko..." Namamalipit na ang mukha niya sa sakit.
"Sige, sige... Hintayin mo ako dito..."
Pinuntahan ko si Cardong sa kwarto niya, umaasang may medical kit siya o kung ano man. Sana palang nagdala kasi ako eh...
Wala nang katok katok pa, pumasok na ako sa silid niya. At mali palang ginawa ko iyon.
Walang saplot si Cardong. Magsusuot pa lang ng pang-ibaba. Nakita ko ng buong buo ang katawan niya. Walang labis, walang kulang...
"Pasensya na... Dapat kumatok ako..." paumanhin ko. "Sorry..."
"Ayos lang. Nakalimot akong maglock eh..." aniya. Lumikod siya't agarang nagbihis. "Anong maitutulong ko?"
"May medical kit ka ba? O kaya kahit anong panggamot na lang sa sugat?"
Tinungo niya ang kanyang tukador at nangalkal. Ipinasa niya ang isang kahon ng panglinis ng sugat. "Kumpleto na yan. Sino bang nasugat? Ikaw ba? Halika, ako nang gagamot."
Tumanggi ako. "Hindi, hindi... Si Luke. Siya yung nasugat. Kaya o na ito... Salamat ha?"
Iniwan ko din siya. Dismayaso siya sa sinabi ko e. Ano ba ang totoo? Ayos na ba sila ni Lucas?
Inalalayan ko papunta si Luke sa kusina. Tinatakpan niya ng isang kamay ang sugat. Masusugat pa ata labi niya sa lakas ng kagat niya eh...
"Relax..." sabi ko. Inalis ko ang kamay niya at pinunas ang dugo para malinisan ang sugat.
Ngumiwi siya. Malalim ata ang hiwa... At hindi nakakatulong ang sobra niyang kaba. Takot siya sa dugo???
"Kumalma ka! Hindi yan gagaling kung papairalin mo kaduwagan mo..." sambit ko. Wa epek. Mas ninerbiyos.
BINABASA MO ANG
Bait Bus
Novela Juvenil[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...
