ALEC
"Luke, konti nalang..." Buong lakas kong inalalayan si Luke hangga sa makarating kami sa suite. Nasa harapan na kami ng pinto at mahihirapan pa ako buksan ang lock nito.
Pawis na pawis si Luke na nakaakbay sa akin para makapagbalanse. "Alec. Malayo pa ba tayo? Uhmf. Gusto ko na mahiga..."
"Heto na... Nandito na tayo. Saan yung susi?" Kinapa kapa ko sa mga bulsa ng pantalon niya yung mga susi. Hindi ko na kakayanin ang bigat niya.
Humagikgik ng mahina ang lasing. "Alec naman... Wag diyan! Nakikiliti ako..." Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.
Ipinagpatuloy ko lang paghahanap. "Wag ka malikot, Lucas. Ano ba?!"
"Hihi. May kiliti nga sabi ako diyan... Magigising si Junior." bulong niya nang nakangisi. "Ayan na. Lagot ka... Galit na siya!... Hik."
Kay bilis naman libugan ng isang ito oh! Hindi ako natinag sa sinabi niya. Nabigla ako sa sa susunod niyang ginawa. Dinilaan ng loko ang pisngi ko. Kinuha niya ang pinangkakapa kong kamay at ipinatong sa kumakawala niyang alaga.
"Ang sarap mo... Gusto ko na, babes..." sabi niya at humalakhak pa. Bastos! Tignan ko lang kung di ka mahimasmasan sa gagawin ko!
Agad kong binawi ang kamay ko. Inalis ko ang braso niya sa paligid ng balikat ko. Nawalan ng balanse ang unggoy at bumagsak sa sahig, una ang puwet. Ngumiwi siya sa sakit at hinimas himas ang puwet.
"Masakit ba? Babes pala, ha?! Tumayo ka mag-isa mo diyan!" singhal ko.
Inabot ko ang welcome mat sa tapat ng pinto at pinulot ang nakatagong susi sa ilalim nito. Bakit hindi ko agad naisip na gawin 'yun? Tanga eh noh?
"Alec... Uhm... Higaan na..." ungol niya sa likuran. Parang batang maliit siyang naghihintay buhatin ng nanay niya.
Binuksan ko na ang pintuan at pinakabukaka. Hinila ko naman patayo si Luke at inakap ang isang braso sa paligid ng bewang habang ang isang braso niya nasa balikat ko. Iika ika siya kung lumakad. Madadapa pa kami sa lagay na ito eh!
Tawa siya ng tawa ng walang rason at kumanta pa ng Tatlong Bibe. May sarili pang remix at nagbeat box pa kasunod. Nakakaaliw lang siya pakinggan.
Ihiniga ko siya sa kama. Ini-lock ko na ang pinto ng kwarto saka binalikan sa kama si Luke para mapalitan ng suot. Daig pa niya ang 1 year old na bata kung asikasuhin. Lakas kasi ng loob kaninang hamunin si Vinyl uminom. Ikatlong bote pa lang, tinamaan na. Sus.
Inalisan ko siya ng sapatos at mga medyas. Kusa naman siyang naghubad ng t-shirt habang niluluwagan ko ang belt niya. Hinila ko pahubad ang pantalon nya. Boxers na lamang ang saplot niya sa ngayon.
Dumiretso ako sa banyo dala ang pinagbihisan niyang amoy alak at ikinabit sa basket ng maruruming damit. Lumabas ako ng CR bitbit ang maliit na palangganang may tubig at isang towel.
Umupo ako sa gilid ni Luke at sinimulan na siyang hilamusan. Huminga siya ng malalim nang madikit ang malamig na pamunas sa nag-iinit niyang balat, naginhawahan kumbaga.
Sa bawat pagpunas sa katawan niya, sinusundan ko ang mga guhit ng mga muscles niya. Dinampi ko ang panyo sa pisngi nya saka sa noo.
Ganito pala kagwapo si Luke kahit na tulog. Nakapikit na siya pero malakas pa rin ang sex appeal. Lalo na kapag napagmasdan ang mapupula niya't kissable na mga labi. Pinadaanan ko ng mga daliri ko ang mga labi niya.
Kung ibang bisexual, bakla, o babae man ang iwan mo rito sa kwarto ngayong natutulog siya, magagawa siyang pagsamantalahan...
Ibinaba ko ang ulo ko at dahan dahang inilapit ang mukha sa kanya. Tumatama na sa ilong ko ang mainit niyang hininga. Sobrang lapit na namin sa isa't isa hangga sa maglapat na ang aming mga labi. Mahina ko lang siyang hinalikan at mabilis ring pinutol ang halikan.
BINABASA MO ANG
Bait Bus
Teen Fiction[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...
