ALEC
Nagcelebrate buong gabi sina Kuya Alfred, Kuya Marvin at Ate Vanessa. Buong akala ko, kainan lang ang magaganap. Nag-order din pala ng alak si Kuya Alfred kaya heto silang tatlo ngayon, tumba pa rin.
Parang dinaanan ng bagyo ang loob ng bahay. Grabe sila kapag lasing. Maglalunch na at hindi pa rin nakapaghanda si Ate Vanessa. Tulog na tulog e, parang lalaki kasi kung tumagay...
Kinuha ko ang kahon ng cellphone sa kwarto ko. Sa labas na lang ako kakain pero may isasama ako ngayon.
May free text messages at 30 minute credit ang bagong SIM na binili ko. Niyaya ko si Luke at sinabing magkita nalang kami sa harap ng bahay namin.
Naligo ako't sinuot yung bagong t-shirt ko na binili namin ni Ate nung araw na nakita ko si Luke sa fitting room.
"Alec?" pabulong na tawag ng kung sino. Nandito na siya? Ang bilis naman!
Lumabas ako ng kwarto at sinenyasan siya na sumunod sa akin sa loob.
Humanap ako ng papel at ballpen at nagsulat ng maikling note para sa kanila. Baka hanapin ako bigla eh...
Nasa may pinto si Luke. Sinarado niya at ini-lock.
"Anong ginagawa mo? Lalabas ako." mahina kong sabi.
Inilagay niya ang mga kamay niya sa bewang ko at isinubsob ang katawan sa akin.
"Luke, ano ba?"
Hinalikan niya ako bigla ng madiin. Mula labi lumipat ang kanyang halik papunta sa leeg ko.
"L-Luke... Tama na..." Nagsisimula na akong makaramdam ng kakaibang sensasyon. Bumibilis na ang paghinga namin at nagpapawis na.
Gumapang ang mga kamay niya papunta sa likorang bahagi ko at hinipo ang puwetan ko.
Tinulak ko siya ng bahagya palayo. "Luke, tama na please... Wala namang shoot kaya di tayo pwede gumawa ng ganyan."
Natawa siya. "Gusto lang kita batiin ng good morning eh." Umupo siya sa kama at pinagmasdan ako.
"Sana sinabi mo na lang..." Lalabas na sana ako ng pinto, nakakailang pero pakiramdam ko pinapanood niya pa rin ang kilos ko. Sige na nga! Isa pa, di ko matiis!
Bumalik ako sa kanya at hinalikan siya ng matagal sa labi na ikinagulat niya. "Good morning, Luke!" bati ko pagkatapos at pinuntahan na ang refrigerator para idikit ang sulat ko.
Hinala ko siya palabas ng walang ingay at tumakbo palayo. Delikado na! Unang beses akong tatakas, gusto ko naman makaramdam ng thrill kahit papaano.
"Saan tayo pupunta?" pagtataka niya.
Nagkibit balikat ako. "Di ko din alam e. Gusto kong kumain. Ikaw? May alam ka bang kainan?"
Lumingon lingon siya at lumapit sa akin para bumulong. "Ako? Ayaw mo ba ako kainin?"
Hinampas ko siya sa braso. "Tirik yung araw oh. Bakit libog na libog ka ba ha?"
"Biro lang! Meron akong alam. Sigurado akong magugustuhan mo doon." Ginalaw niya ng taas baba ang mga kilay niya.
Nakakaloko ang isang toh. "Seryoso ka ba? Gutom na talaga ako e..."
"Oo nga! Tara kasi!" aya niya.
Hinawakan niya ang kamay ko at lumakad kami papunta sa isang cafe na punong puno ng mga naniniwala sa forever. Mala 80's ang set-up at nangangamoy pag-ibig ang hangin sa loob.
"Welcome to BobCath!" bati ng gurad pagpasok namin.
"BobCath?" ulit ko habang humahanapkami ng malulugaran sa counter ni Luke.

BINABASA MO ANG
Bait Bus
Подростковая литература[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...