XIV

10.1K 250 6
                                    

ALEC

Binalot na ng dilim ang langit at nagsilabasan na ang mga nagniningningang mga bitwin. Ibinaba kami ng bus sa isang likuan papasok sa masukal na gubat. Iniabot na ng kunduktor ang mga bagahe namin mula sa lagayan.

"Sigurado ka bang dito tayo?" tanong ko. Napaliligiran kami ng mga nagtataasang puno. Maliban sa sementadong daan at isang palakang patawid ng kalsada, wala ka nang ibang makikita.

"Natatakot ka ba?" pag-aalala niya.

Ngumiti ako. "Hindi. Nawi-weirdo-han lang ako. Ngayon lang ako nakapunta dito ehh... Nakakapanibago..."

Sinubukan niyang makipaghawakan sa akin. Kumalas ako at itinuklip ang mga kamay sa tapat ng dibdib.

"Nagpapaka-boyfriend material ka ba?" tanong ko.

"Boyfriend material?" Napakamot siya. Kumagat labi pa ang sira.

Ang sarap siguro niya halikan ngayon sa ilalim ng buwan... Ay hindi! Hindi! Bakit ba nagkakaganito ako?! Wag mo nga ako akitin Luke!!!

"Aa-ah... S-saan ba y-yung pupuntahan n-natin?" Nauutal ako, shit...

Inilalapit ni Luke ang mukha niya sa akin. Wooh! Bakit uminit bigla dito? Pinawisan ako ng mabilis...

"Mm-mmmh... Gab-bi n-na..."

"Oo nga..." Tumatama na sa akin ang init ng hininga niya. "Sakto lang din ang lamig para magpainit..."

Hahalikan niya talaga ako tapos dito kami sa labas gagawa? Kung sakali ito ang first time ko sa ganitong tipo ng pagtatalik. Outdoor sex...

"Gawin na natin..." bulong ko at hinuhubad na ang pang-itaas niya.

Sinakmal niya ang puwit ko at ikinikiskis ang bukol niya sa ibabang bahagi ng katawan ko. Bagal bagal ang pagtigas ng alaga ko. Dulot na siguro ng pinaghalong pananabik at kaba.

Naglapat na ang aming mga bibig. Iginapang ko ang mga kamay ko sa katawan niya na parang mga ahas na lumilingkis sa kanilang magiging hapunan.

Saksi ang buwan at mga bitwin sa sarap na natatamasa ko ngayon. Saglit lang ay nawala din ang kabang gumugulo sa isip ko at nakisabay na lang sa agos ng kaganapan.

"Oh Panginoon ko! Mga hijo! Anong ginagawa niyo sa inyong mga sarili!" gulantang na iwinika ng isang boses sa gilid.

Napalingon kami sa isang babaeng nakabistidang puti at may dalang lampara. Halos lumuwa na ang mga mata niya sa kanyang natutunghayan. Kanina pa ba siya nanonood? Ang akala ko ba ang buwan at mga bitwin lang ang saksi?!

Napipe kami ni Luke at nag-ala mga bato sa sobrang steady ng pagkakatayo. Wala sa aming nagtangkang magsalita o magpaliwanag sa nasaksihan ng ale. Ingay lang na gawa ng mga kuliglig ang madirinig.

Awkward.

Nagpalipat lipat ng tingin ang ale. Kay Luke tapos sa akin tapos sa kanya ulit tapos sa akin nanaman. Gayun pa rin ang hawak namin sa isa't isa – kung ano ang huling posisyon namin. Ang mga kamay niya, nakapaloob sa likurang bahagi ng pantalon ko. Nakapalupot naman ang aking mga braso sa batok niya.

At ayun nanaman ang ingay ng kuliglig.

Anong gagawin namin? Paano namin ito ipapaliwanag?!

Patago kong kinurot si Luke. Pinigil niyang lumikha ng kahit anong tunog. Mas diniin ko ang kurot. Napahiyaw na siya ng tuluyan sa sakit at kinailangan ko pang apakan ang isa niyang paa upang manahimik.

"Aa-aah... Hi po, Lola..." Hinugot niya ang mga kamay niya at kumaway.

Tinanggal ko ang pagkakagusot ng damit ko at pinulot ang t-shirt niya sa lupa. Pagkatapos pagpagan ay madaliang isinuot niya rin iyon. Ngumiti ngiti na lang kami sa kahihiyan. Humabol ako ng isang pagsiko sa tagiliran ng malibog kong kasama. Nagpupumigil siyang mapangiwi.

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon