ALEC
Naging makulay ang plaza gawa ng mga banderitas na isinabit sa mga poste. Ang mga ilaw sumasayaw sa agos ng musika. Sigawan na ang mga tao sa paligid. Kanya kanyang cheer sa mga kalahok na pambato nila dala ang kanya kanyang pampaingay mula sa mga kawali, kaldero, hangga sa mga timba at tabo.
Nasa pinakaharap ako mag-isa. Naghihitay na lang magsimula ang pageant. May mga lalaking umupo sa tabi ko at nang tignan ko naman ay sina Carlo at Cardong pala.
Naiilang ako. Yung awkwardness nang dahil sa nangyari kanina, hindi pa naaalis.
"Alec! Bakit ikaw lang mag-isa?" tanong ni Carlo at umakbay. "Asan yung mokong mong boyfriend?"
Pinisil ko ang ilong niya hangga sa mamula. "Ilang beses ko bang uulitin?! Hindi ko nga siya boyfriend!" Sinubuan niyang tanggalin pero hinigpitan ko lang lalo.
"Araaay! Tama na! Ayaw na..." awat niya. Kasing pula ng kamatis ang ilong niya nang bitawan ko.
Napaisip tuloy ako kung ano nang ginagawa ni Luke sa back stage. Kailangan kong aliwin sa ibang bagay ang sarili ko ngayong narito si Cardong.
"Lec? Bakit parang tahimik ka?" ato ni Carlo.
Umiling lang ako't nginitian siya. Minatyagan niya ako lalo sa reaksyon ko.
"Pare, may alam ka ba?" tanong niya kay Cardong. "Nag-away ba kanina yung dalawa? May di napagkasunduan?"
Kibit balikat lang ang naging kasagutan niya sa tanong ng kaibigan niya.
"Nakakahalata na ako ah... Bat hindi kayo nagpapansinan?!" pagtataka niya.
Bahala sila. Wala akong balak magsabi tungkol sa mga pinagsasabi ni Cardong sa akin. Na-friend zone na siya noon pa man, masama naman kung paaasahin ko...
Pansamantalang pinatay ang mga ilaw sa buong lugar. Sa stage lang may liwanag. Isang lalaking may salamin at naka-tuxedo ang lumabas.
"Magandang gabi sa iyong lahat!" bati nito sa mikropono. "Sabik na ba kayong matunghayan ang naggagandahan at naggagwapuhan nating mga kalahok?"
Nagsigawan ng ubod ng lakas ang mga manonood.
"Kung gayon, simulan na natin ang kompetisyon!" anunsiyo ng emcee.
Nagsilabasan na ang mga kalahok at rumampa sa stage. Pabonggahan ng suot. Pa-sexy-han at pa-macho-han. Mga head dress at back dress na naglalakihan. Babaeng babae sa paningin ang mga bakla. Samantalang pamatay naman ang mga katawan ng lalaki nang pumasok sila. Nagpakilala sila isa isa bago bumalik sa backstage.
Tulo laway ang mga manonood. Nagsipalit ng kanilang pambato. Traydoran kung traydoran na dahil sa mga nakabibighaning itsura ng mga contestants.
Sina Tootsiebelle at Luke na ang rumampa.
Dinesenyuhan ng mga puting bulaklak at mga bitwin ang bra't panty ni Tootsiebelle. Kutis at katawang babae siya. Isang nakapormang ngiti na buwan ang nagsilbing palamuti sa ulo niya. Sinuotan siya ng wig na kinulot ang dulo. Halos mahirap na siyang kilalanin sa ayos niya.
Huminto siya sa harap at nag-pose. Sandamakmak na paru-parong kulay puti ang lumabas mula sa kanyang likod.
"Magandang gabi sa inyong lahat! Nakatayo po sa inyong harapan ngayon ang pinaka magandang diyosang nagbibigay buhay sa inyong mga gabi gamit ng buwan at mga bitwin. Ako po si Tuesday Isabelle Lovenfieldt. Labing pitong taong gulang. Naniniwala sa kasabihang 'Kapag madami ang hadlang sa landas na gusto mong tahakin, kapag ang lahat ay nakakabangga mo at kumokontra sa ýo, wag kang makulit! Exit yan! Doon ka sa entrance!'."
BINABASA MO ANG
Bait Bus
Roman pour Adolescents[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...
