XXXIX

6.7K 178 5
                                    

ALEC

Nakalanghap ako ng amoy ng usok, alikabok at gasolina. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at natagpuang nabangga na pala ang van sa isang malaking puno. Basag basag na ang harapang salamin nito at may mga dahon pang nakapasok na sa loob.

Walang malay sa tabi ko si Luke. Nakapatong ang ulo niya sa may manibela. Niyugyog ko siya sa balikat hangga sa magising. Mabagal niyang binuksan ang kanyang mata at napaharap sa akin.

"Alec." bigas niya. Pinigil ko siyang magsalita sa pagpatong ng hintuturo sa kanyang mga labi.

Bakas ang kanyang panghihina. May sugat rin siyang dinudugo sa may noo. Humanap ako sa paligid ng bagay na magagamit pamputol. Dinakma ko ang isang basag na bahagi ng salamin at ipinangputol sa dulo ng tshirt ko.

Mahapdi ang dulot nitong hiwa sa aking palad pero hinayaan ko na lamang ang sakit. Pumunit ako ng mahabang parte at ibinalot sa noo ni Luke para matakpan ang sugat. Ngumiti siya ng kay tamis at mabilis akong nagnakaw ng halik.

Nilingon namin ang mga tao sa likod ng van kung ayos lang sila. Naghahabol ng hangin si Ate Vanessa. Ibinebenda niya ang braso niyang may tama ng baril. Gamit ang natitira kong lakas, pinuntahan ko siya sa likod at tumulong.

Agad ding natapos at nakahinga na siya ng maluwag. Si Kuya Marvin naman ay wala paring malay. Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan sa pisngi.

Isang sasakyan sa likod ang huminto. Nag-iba ang mga mukha nila Luke at Ate.

Itinulak ako agad ni Ate Vanessa sa pinto ng van. "Tumakas ka na. Iwan mo na kami!" pabulong niyang sigaw.

"Pero Ate—"

"Wala nang pero pero!" pagputol nito sa sasabihin ko. "Baba na, Alec!"

Maingat kong binuksan ang pinto ng van at gumapang pababa sa damuhan. Nagtago ako sa likod ng isang puno sa di kalayuan. Mabigat man sa loob ko ay iniwan ko sila doon.

Sumilip ako sa gilid ng puno. Bumaba sa kanyang sasakyan si Kuya Alfred na pinupunasan ang baril nito. Nakatawa siya ng malaki.

Dumungaw siya sa loob ng van at natagpuan ang tatlo. "Baba, dalian niyo!" sigaw nito ng pinagpapalit palit ang tinututukan ng baril.

Unang bumaba si Luke ng nakataas ang mga kamay. Sunod ay si Ate Vanessa na hirap sa pagbabalanse kay Kuya Alfred. Di naglaon ay iniupo na lamang niya siya sa kalsada.

"Parang may kulang... Nasaan si Alec?!" pagtataka ni Kuya Alfred. Inikot niya ang paligid ng van at nadismaya ng hindi natagpuan ang katawan ko. "Nasaan siya?"

"Hindi namin alam." sagot ni Luke.

"NASAAN SIYA?!" Idinikit nito ang nguso ng baril sa noo ni Ate Vanessa. "Labas na Alec... Kung away mong paputukin ko itong noo ng pinaka mamahal mong Ate."

Bumuhos ang mga luha ni Ate at kita sa tinataguan ko ang panginginig ng buo niyang katawan.

"Isa..." bilang ni Kuya Alfred.

Napalunok si Luke na parang kahit anong pag-iisip ay walang planong malikha sa utak.

"Dalawa..." Ngumiti ng mas malawak si Kuya Alfred at hinigpitan ang kapit sa baril. Walang halong biro. Kakalabitin niya nga ang baril.

"Tatlo!"

"Nandito ako!" malakas kong bungkahi at lumakad na palapit sa kinaluluguran nila.

Tinignan ako ng masama ni Luke. "Sorry." bigkas ko ng walang boses. Nagigising na rin sa ibaba si Kuya Marvin pero nanatili lang ito sa pwesto.

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon