XXI

7.7K 206 4
                                        

LUKE

I am Lucas Aguilar – the hottest dude alive – and my heart's about to explode this very moment.

Sabi ni Alec, susuportahan niya ako hangga sa matapos itong pageant. Kanina ko pa siya hinahanap sa audience, wala akong Alec na nakita. But that won't stop me from winning the title.

Dumaan ang casual wear, national wear, swim wear (Oooh. Bukol ko ang nagdala nung portion na iyon!), Q&A portion (Ehem. I speak English. Ehem.), at kakatapos lang ng formal wear. Buti at walang talent portion, kung meron, nga nga.

Kinakabahan ako't ano mang oras ay tatawagin na kaming mga contestants para sa pag-aaward.

"Tinatawagan ang lahat ng kalahok para sa pagbibigay ng mga awards." bigkas nung speaker.

Sabi ko sa inyo e. Ano mang oras...

Pumila na kami bawat pares at umakyat sa stage. Inalalayan ko si Tootsiebelle sa pag-akyat.

"Luke?" tawag niya.

"Oh?"

"Ano mang maging resulta sa huli, happy lang tayo ah?" paalala niya. "Wag tayong pikon ha?"

"Ako? Hindi ako pikon ha?" dipensa ko. "Besides, competion ito... Talagang may nananalo, meron ding natatalo..." At hindi ako sanay matalo...

Puputok ang mga eardrums ko sa lakas ng cheer ng mga audience. Nangingibabaw ang pagsigaw ng number namin ni Tootsiebelle. Number 7. Audience Impact, check!

"Ito na ang oras para gawaran ng parangal ang mga nagwagi sa patimpalak ngayong gabi... Mga hurado, inaanyayahan ko po kayong umakyat dito sa entablado para sa paggawad ng mga parangal..."

Inabutan ng mga bulaklak, mga sash, mga trophy, at isang koronang pinuno ng mga gems at mamahaling bato ang apat na judges. Kinuha ng speaker sa isang organizer ang isang card na itim.

"Hawak ko na ngayon sa aking kamay ang resulta sa patimpalak na ito... Sinong palagay niyong magiging kampyon?"

Hindi magkanda humayaw ang mga audience. Patapos na ang pagtawag sa mga runner-ups. Parehas pa kaming hindi natatawag ni Tootsiebelle.

"Ang nanalo para first runner-up sa mga lalaki ay walang iba kung hindi si... Oo! Si Number 7! Lucas Aguilar!"

Sigawan ang lahat. May iilang nanghinayang, mas marami naman ang natuwa. Nakakuha ako ng isang trophy at sash. Okay na ito... Better luck next time.

Nakangiting kumakaway lang sa likod si Tootsiebelle. Relax lang siya't calmado though mag-isa. On the other hand, may nagaganap na earthquake sa loob ko't nagiging unsteady na rin ang mga legs ko sa kaba para sa kanya. Champions na ang mga iaanunsyo.

"Unahin na natin ang winner para sa mga dyosa ng Barrio Puswan... Ang nanalo... Walang iba... Kundi... Si..." Natahimik ang mga audience habang hinihintay sabihin ng speaker ang pangalan. "Tama kayo! Si Binibining Tuesday Isabelle Lovenfieldt!"

Rumampa papunta sa gitna si Tootsiebelle, kung saan binigan siya ng sash, isang bouquet ng bulaklak, at ang inaasam asam ng lahat na korona. Naka-smile lang siya. Sanay na atang manalo ito eh...

Nagwawala na sa harapan si George at Carlo. Halos masira na nga yung mga upuang ginagamit nila. Si Cardong? Who cares of where he is now?

Mala-new year sa ingay ng marinig ng lahat ang pangalan ni Tootsiebelle. Pagkatapos ang pangalan ng nanalo sa mga kalahok na lalaki. The audience look like they were in a concert in Manila. Masaya kung masaya!

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon