ALEC
Nasa may dalampasigan kaming dalawa ni Luke, gumuguhit ng isang pusong na-pana na may initials naming dalawa sa buhangin.
Abala nanaman ang mga tao sa paligid sa pag-aayos. Todo banderitas at pailaw nanaman. May mga malalaking speakers at music player na mula pa sa mga kalapit na baryo at ipinadala rito.
"May alam ka ba kung anong meron ngayon?" lingon ko kay Luke.
Nagkibit balikat siya at humanap ng matatanungan. Isang lalaking nagbubuhat ng mga bangko ang tinawag niya para magtanong.
"Kuya? Anong ganap? May papageant uli?"
Umiling yung lalaki. "Wala, hijo. Kaugalian na ng Barrio Puswan na pagkatapos ng pageant, kinabukasan ay may pasayaw sa plaza. Itinuloy tuloy na namin. Marami kasing magkasintahan ang doon nagkakakilala... Mamayang alas nueve na iyon. Dumalo kayo." Umalis na siya dala ang mga upuan.
"Maya maya na 'yun. Punta tayo! Baka maraming pagkain!" Mukhang gutom nanaman ang isang ito.
"Katatapos lang natin kumain kanina sa bahay! Ikaw nga nakaubos doon sa kalahating bilao ng halayang ube ni Nanay Roti!" sambit ko. "Nawawala na abs mo tuloy..."
Itinaas niya ang t-shirt niya at siniguradong naroon pa ang asset niya. "Ito ba? Namiss mo noh?" tukso niya. Palapit siya ng palapit sa akin, susubukang idikit ang abs sa katawan ko.
"Nahawakan ko na kagabi, tama na!" sabi ko.
"Baka bitin ka!" aniya.
Kumaripas na ako ng takbo saka siya humabol. Nakasalubong namin si George na hindi maipinta ang itsura ng mukha.
Umakbay si Luke sa akin bago magsalita. "Oh. Mukha kang nalugi ah? Napano ka?"
Sinamaan lang siya ng tingin ni George at naglakad palayo. Hinampas ko siya ng marahan sa braso.
"Umuwi ka na nga't mag-ayos kung pupunta tayo sa plaza mamaya. Ako nang kakausap kay George." sabi ko. Nagkanya kanyang direksiyon na kami. Sinundan ko naman si George hangga sa bahay nila. "George?"
"Ikaw pala, Alec. Tuloy ka. Asan yung asong sunod ng sunod sayo?" pansin niya.
Tumuloy na ako sa bahay nila. Normal lang ang laki gaya ng sabi ni Nanay Roti.
"Ayun, binugaw ko na." sagot ko. "Bakit ba parang problemado ka?" Sinundan ko siya hangga sa kwarto niyang puno ng mga damit na nakakalat.
"May sayawan sa plaza mamaya. Hirap ako mamili ng susuotin..." Pinulot niya ang isang pulang pang-itaas at ipinatong sa sarili sa harap ng isang salamin.
"Hindi ka pa ba dumalo sa ganyan noon?"
Bumuntong hininga siya. "Nahihiya ako sa mga tao. Akala kasi nila tomboy ako... Wala tuloy akong lakas ng loob sumama sa mga ganyang ganap... Gusto ko maging perpekto... Kahit isang gabi man lang..."
Naawa ako sa kanya. May nangangailangan ng tulong ko. Sanay na ako sa mga ganitong bagay kakamasid kung paano gumayak si Ate Vanessa. "Ako bahala sa iyo. May make-up ka ba? Saka pangulot, plantsa ng buhok?"
Itinuro niya yung isang make-up kit sa ilalim ng kama. "Nagmamadali kahapon si Mama Tey, naiwan niya iyan."
"Wala ba sina Mama at Papa mo?"
"Tumutulong sila mag-ayos ng plaza... Bakit?"
Nangalkal na ako sa bundok bundok niyang mga damit at humanap ng ipasusuot sa kanya. Isang dress na itim na hapit sa katawan niya. Open pa sa likod kaya siguradong maaakit niya ang mga lalaki mamaya.

BINABASA MO ANG
Bait Bus
Ficção Adolescente[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...