ALEC
Kumikirot pa rin ang ulo ko sa sakit. Pata ang ibabang parte ng aking katawan. Parang bahaging banda sa ulo lang nga ang nagagalaw ko.
Nagising ako sa tuloy tuloy na pagngala ng isang lalaki sa loob ng aking kwarto. Liningon ko ang pinanggagalingan ng ingay at natagpuan sa ibaba ng kama si Kuya Marvin na nakahiga sa isang foam mattress na may matsa na ng dugo.
Sariwa pa ang sugat sa kanyang likuran. Malalim ang naidulot na hiwa ng paglatigo ni Kuya Alfred. Problemado tuloy si Ate Vanessa sa pagtatahi. Nasa lagpas kalahati na siya't patapos na.
"Malapit na sa dulo, Kuya! Konting tiis na lang..." Ibinuhol niya ang huling pisi at ginupit ang sobra.
May kung anu-anong pampahilom daw na nilagay si Ate sa sugat pagkatapos ay binalutan niya ng benda ang katawan ni Kuya Marvin.
Natapos na rin ang paghihirap ni Kuya. Naghahabol siya ng hininga at pinagpawisan. Muli nang natahimik ang kwarto – ang buong bahay.
Napalingon sa akin si Ate habang inaayos ang mga kasangkapan sa medical kit. Nginitian niya lang ako na parang walang nangyari kanina.
"Tinahi ko na din yung sa 'yo habang tulog ka..." aniya at nagpatuloy sa pagliligpit.
Kinapa ko naman ang natahing parte sa noo ko. Tinakpan niya pala ng gasa.
Lutang ako sa oras na ito. Parang galing akong natulog at biglang nagising nang dahil sa isang bangungot. Ang sa akin nga lang, ang bangungot ko, nagtutuloy tuloy pa rin kahit sa aking paggising.
"Ate, ano nang oras?" tanong ko.
Pinanonood ko sa kisame kung paano kainin ng isang gagamba ang maliit na insektong dumikit sa sapot niya. Binalot niya iyon ng binalot hangga sa hindi mo na mamalayang insekto pala ang ngayo'y isang kumpol ng sapot.
Kinuha ni Ate ang phone niya satabi at tinignan ang oras. "9 o' clock na pala... Gutom ka na ba? Pag-iinit kita ng ulam, gusto mo?"
"VANESSA! KANINA PA KUMAKALAM TIYAN KO! YUNG PAGKAIN!" sigaw ni Kuya Alfred sa labas.
Hindina ako nilingon pa ni Ate at nagmadali na lang siya lumabas ng kwarto. Naupo ako at tinignan si Kuya Marvin. Mahimbing na ata siyang nagpapahinga.
Nagring ang cellphone ko sa itaas ng drawer. Inabot ko't inalam kung sino ang nagko-call. Sino pa nga ba?
Ilang araw na ang lumipas at mukhang ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para tawagan ako? Naaalala ko pa ang sakit at nag-iwan pa ng bakas sa alaala ko!
Wala akong balak sagutin. Mamatay siya sa pag-asang sasagutin ko ang tawag niya. Tuloy tuloy lang tumunog ang cellphone at naipon ang mga missed calls sa status bar sa screen.
"Hindi mo ba sasagutin?" tanong ni Kuya Marvin.
"Pasensya, Kuya. Nagising ba kita?" pag-aalala ko. Bumaba ako at nahiga sa tabi niya, hindi na alintana kung malagyan ako ng dugo.
"Kanina pa kita pasimpleng pinagmamasdan, Alec. Hinahanap hanap ko yung Alec na palaging nakangiti, tumatawa, at masayahin..." mungkahi niya.
Napangisi ako. "Malayo na atang bumalik pa iyon Kuya... Nagtuloy tuloy na ang problema ko – natin..."
"Alam ko, nasa tamang pag-iisip ka na para unawain ang mga bagay bagay pero ikumpara mo ang edad mo sa aming tatlo, mas marami ka pang oras na gugugulin para magpakasaya." Pinilit niyang ngumiti at itinago ang sakit. "May ikekwento ako, Alec."
Humiga ako pagilid nang nakaharap sa kanya, hinihintay na magsimula ang kwento niya.
"May isang batang inabandona ng nanay niya dahil sa kahirapan. Ibinigay siya ng kanyang nanay sa iba kahit na mahal na mahal niya ito. Umaasa siyang ang mga taong iyon kasi ay mapagkakalooban ang anak niya ng isang buhay na marangya at masagana.

BINABASA MO ANG
Bait Bus
Teen Fiction[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...