VII

12.7K 320 8
                                    


ALEC

Umaga na at nakakasilaw ang liwanag ng araw.

Nag-unat ako ng katawan habang nakahiga. Malambot na kama, unan... Nasa bahay na nga ako. Panaginip lang nga ang nangyari kagabi.

Pero bakit may kakaiba? Ramdam kong mahapdi pa rin ang butas ko.

Minulat ko ang aking mga mata at tumingin tingin sa paligid. Nasa kwarto ako ng ibang tao... Hmm...

Teka. NASA KWARTO AKO NG IBANG TAO?! Iba na rin ang damit na suot ko.

Umupo ako at sinampal sampal ang pisngi. Hindi na ako tulog. Nasaan ako?!

May humilik ng malakas sa sofa sa gilid. Blondie ang buhok, malaki ang katawan, maputi. Nakatalikod siyang natutulog ng mahimbing. Siya ang lalaking nanggahasa sa akin?!

Hinablot ko ang unan sa tabi ko at lumapit ng maingat sa kanya. Inipon ko ang lakas ko at bigay todo ko siyang pinaghahampas nito dahil sa sobrang galit, pandidiri, at pagkamunghi sa kanya.

Nagsimula na siyang magreklamo sa sakit at sa ginagawa ko. Wala akong pakialam! Mamatay na sana siya sa kababuyang ginawa niya sa akin. Mangiyak ngiyak akong nagpatuloy sa paghampas.

Bigla niya akong tinulak papunta sa kama at pumatong sa akin. Nagpumiglas ako pero nakakapit na siya sa mga kamay ko at ipinalupot sa aking mga binti ang kanya.

Nagsisisigaw na ako ng tulong sa abot ng makakaya ko.

"Hey! No, no. It's just me..." pag-awat niya sa akin. "It's me..."

Nagpatuloy pa rin ako sa pagwawala. Mas malakas siya sa akin, walang epekto ang mga ginagawa ko. Kakapumiglas, nakawala ang isang binti ko at tinuhod ko ang buhay niya ng malakas.

Napaurong siya at gumulong gulong sa sahig habang nagmumura sa sakit.

Tumakbo na ako papunta sa labasan habang may pagkakataon pa. Naglalaro pa rin sa ilong ko ang amoy niya. Ginugulo ang isip ko ng boses niya.

It's just me...

It's me...

Si Luke... SI LUKE?!

Bumalik ako agad agad sa kanya at inalalayan siya paupo. "Sorry... Sorry... Dapat kasi sinabi mo kaagad..." paumanhin ko.

Ipit na ipit ng mga hita niya ang kanyang gitna. Palipit na palipit na siya sa sakit. "Bakit doon pa kasi?..."

"Di ko naman talaga kasi inaasahan... Kung sanang sinabi mo nalang kaagad na gusto mong pa-service ng isa pang beses, mapagkakasunduan naman natin kahit di mo na ako tutukan ng kutsilyo. Di na sana humantong sa ganito." paliwanag ko.

"Ha?! Ano bang sinasabi mo? Wag mo sabihing iniisip mong ako ang nang-rape sa 'yo?! Kulubot na ba ang balat ko? Malusog pa naman ang alaga ko ah? Ang layo kaya ng katawan ko sa rapist na yun! Fresh pa ako ah..."

Napakamot ako. "Nyay. Hindi ba ikaw?"

"Definitely. Hindi!"

Inalalayan ko siya makalugar sa kama. "Hindi ba? Pasensya, pasensya. Eh paano ba ako nakapunta dito sa bahay mo?"

Hirap na hirap siyang gumalaw. Nangangasim pa ang mukha sa kirot. "Binuhat kita nung nag-collapse ka. Wala akong idea kung taga saan ka kaya I decided na iuwi ka muna..."

Natahimik kaming dalawa. Iba ang pagkakaintindi ko sa eksplanasyon niya.

Pero tila nabasa niya ang mukha ko kaya't dumipensa kaagad. "No,no! It's not like what you think... Di kita ginalaw kagabi. Hinilamusan at pinalitan ng damit. Pero mamatay man ako dito, walang halong pagnanasa ang ginawa ko sayo."

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon