VIII

11.9K 298 13
                                    

ALEC

Pinihit ko ang door knob at binuksan dahan dahan ang pinto. Mukha namang walang tao pero bakit hindi naka-lock ang pinto???

Tahimik... Walang ingay na madirinig... Maingat akong pumasok at isinara ang pinto. Itinuloy ko na ang paglalakad papunta sa kwarto ko nang,

"ALEXIS CORDOVA LAROZA!" pasigaw na tawag ni Ate Vanessa. Ito na yun... Ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang nagagalit.

Mabagal akong umikot. "Hi po Ate... Hehe..." Nginitian ko siya na umaasang madadaan ko pa siya sa pagpapa-cute.

Nagpout siya at umarteng naaawa. "Aw. Ang cute mo naman bunso..." Pero naging mala halimaw na ang mukha niya. "@#!*&$! SAAN KA GALING AT ANG AGA MO UMUWI?!"

Napaupo ako sa malapit na silya. Matutunaw na ako sa mga nanlilisik na titig ni Ate Vanessa.

"Di ba po, mas okay na ang umuwi ng maaga kaysa sa umuwi ng late?" biro ko, pampagaan lang ng usapan.

Nagpamewang siya. "Niloloko mo pa ako? Ha Alec?"

Umiling ako. Ngumiti ng pilit at nag-angat ng isang peace sign.

Tinungo niya ang kusina. Nagsimula nang kumalampag ang mga kasangkapan. Nangamoy bagong saing na kanin.

"ALEXIS CORDOVA LAROZA! Pumunta ka dito!" utos ni Ate Vanessa.

Mabilisan akong gumalaw at sinunod siya. Inilugar niya ang isang plato, kutsara at tinidor sa harap ko. Nilagyan niya ng kanin.

Busog na ako. Hmf. "Kumain na p—"

"Aannnooooo?" nakakatakot niyang tanong.

"S-sabi ko p-po, anong ulam?" palusot.

Naghapag siya ng isang dosenang hotdog. Patay... Napasobra na ako sa hotdog, kahapon pa... Napako ang mga mata ko sa mapupulang, makinang, at umuusok na mga hotdog.

"Alec. Di ka mabubusog sa titig lang. Kumain ka na dali..." Kalmado na ngayon si Ate at tumabi sa akin. Nilagyan niya ako ng hotdog sa plato. Grabe, di ata ako katutunawan nito...

Ipinahinga niya sa mga kamay niya ang kanyang baba. Sinimulan ko na ang pagtira sa pagkain. Bahala na.

"Alec?" panimula ni Ate. "Ano ba talagang nangyari? Sabihin mo yung totoo. Bakit inumaga ka na ng uwi. May ginawa ba kayo kagabi ni Luke?"

Muntikan na akong mabilaukan sa kanya. Kinuha niya ako ng maiinom na tubig.

"Lilinawin ko lang po Ate... Galing nga po ako kanila Luke, pero wala pong kainan ng hotdog na nangyari..."

"Ahhh... Eh ano talagang nangyari?"

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko pa. Magpapaka histerikal nanaman siya nun. Pero mas maganda nang alam nila ang tunay na nangyari kaysa sa magtago ako sa pamilya ko...

"Ate, bago ko po sabihin, mangako po kayong di kayo magfi-freak out ha?"

"Peksman. Makalbo man ako, mabungi, basta wag lang mabaog."

"Ay hindi Ate. Mabaog man?"

Nagbuntong hininga siya. "Sige na nga. Mabaog man... O dali na. Ano ba talagang nangyari?"

Nagbuntong hininga din ako, mas malalim nga lang. "MaynagrapeposaakinAteattinulunganakoniLukeparamakaligtasdunsarapist. Nawalanpoakongmalayatinuwiniyaakosaapartmentniyaperowalanamangnangyarisaakinpromise!" tuloy tuloy at mabilis kong pagpapaliwanag.

Nakanganga lang si Ate Vanessa.

Tinakpan ko ang bibig niya. "Ate, di nalang ahas o bulate papasok diyan, pati langaw na!"

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon