X

11.8K 309 17
                                    

ALEC

Nagpaalam na kaming dalawa kanila Booby at Cath pagkatapos makakain at makipagkwentuhan.

"Uwi ka na?" tanong ni Luke.

Nagpamewang ako sa isang kamay. Maaga pa saka wala naman akong gagawin sa bahay e... Pwede pa naman siguro ako magliwaliw kahit sandali pa.

"May iba ka pang lugar na alam tambayan?" tanong ko.

"Ano? Kung ginegrade lang ang paglilibot, siguro A+++ na binigay sa akin ng teacher ko." Napadalas ang paghawak niya sa mga kamay ko ah? "Cum with me."

"What the fuck?!"

Kinurot niya ako ng mahina sa pisngi. "'To naman. I was just joking! Come with me." paglinaw niya.

"Saan mo ako isasama?" pag-alam ko.

"Basta. Secret. Don't worry... Kung nagbabalak man akong gahasain ka, pinaalam ko na sayo at ginahasa na kita." pang-aasar niya.

Tinignan ko lang siya ng masama. Ang adik naman nakuha pang magpa-cute sa akin.

Tumawag siya ng taxi at nagcommute kami papunta doon sa lugar na ayaw niyang ipaalam. Mabilis naman kaming nakarating.

"Cha-rannn!" May pa-taas taas pa ng kamay na nalalaman. Grand entrance daw tawag niya doon. Hahaha!

"Maniniwala na sana ako kung wala lang tunog eh." sabi ko. "Saka mag-aamusement park tayo kahit di pa gabi???"

"Oo, bakit? May batas bang nagsasabing 'Bawal pumunta sa amusement park kapag hapon.' ha?" Tinaasan niya ako ng kilay. Sungit ah?

"Opo na po. Bahala ka." tipid kong sagot.

"Dali na kasi. My treat! Bilis." Hinila nya ako papunta sa main gate para bumili ng gate pass.

Pumila kami at naghintay hangga sa makapasok sa loob. Parang bata namang atat na atat si Luke. Mas excited pa sa akin.

"Ngayon ka lang ba pupunta dito?" tanong ko.

Umiling siya. "Hindi naman."

"Eh bakit kating kati ka na makapasok?"

"Basta."

Bumukas na ang gate. Sinama niya ako una sa may bump car. Adult version to kaya mas malaki kumpara sa kadalasan nakikita na pambata naman.

Magkaibang bump car sinakyan namin. Blue ang sakit, naunahan ko siya. Wala siya choice. Isa nalang ang natitirang pwede niyang sakyan. Pink pa! So gay! Hahaha!

Nainsulto ata kakatawa ko sa kanya. Malakas ako binunggo at napaurong ang sasakyan ko hangga sa tumama sa railings.

Walang sino man ang pwedeng gumawa nun kay Alec!

Inihanda ko na ang sasakyan ko at biglang paandar ng mabilis patama sa kanya. Mas malakas ang naging impact kaya mas mabilis din ang pag-urong niya. Tumama siya sa ibang mga nagbabump car hangga sa nagsama sama sila sa isang lugar dahil sa pagtama ni Luke.

Nagsisireklamo na ang mga tao at pulang pula na siya sa kahihiyan. Bumaba na ako ng bump car at lumabas, tawang tawa sa mukha niya. Di matanggal sa isip ko!

Sumunod si Luke. Bago pa niya ako mahuli, bilisan kong pinasok ang isang malapit na maze house. Napaka dami ng pwede kong likuan. Ang iba illusion tapos meron ding mga salamin, kaya talagang malilito ka. Di na bale, basta mataguan ko siya okay na!

"Alec..." pagtawag ni Luke. "Alec... Nasaan ka na?..."

Bahala ka. Magsawa ka kakahanap sa akin. Napunta na ako sa bahagi kung saan madilim at UV lights lang ang pampailaw. Kitang kitang nagliliwanag ang balat ko. Amputi ko kasi e! Puro salamin pa naman sa paligid.

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon