XXV

7.3K 196 1
                                    

LUKE

Mabilis pa sa kidlat ang mga pangyayari... Ang balak ko, dalhin siya sa isang lugar na makakalimot siya sa sakit at lungkot. Subalit nang dahil sa isang pagkakamaling dala ng pagpadalos dalos ko, ako pa ang naging sanhi ng kalungkutan niya. Doble sa una niyang naramdaman.

"Ay napaka-aga pa, anak. Luluwas ka na ba talaga maya maya? Eh kung mag-almusal ka muna?" suggest ni Nanay Roti sa may pintuan at pinanonood ako mag-empake. Wala nang ayos ayos pa ng gamit. Basta basta nalang.

"Hindi na po Nay. Busog pa po ako. Nagmamadali pa man din po ako. Dadaan pa po ako kay Ate Mandeng..." tanggi ko.

"Kung gayon, may ipapadala na lang ako sa iyo..." Umalis sandali si Nanay at pumunta sa sariling kwarto. Bumalik siya ng may dalang isang maliit na box. "Sayo na iyan... Si Barok ang nagmamay-ari niyan. Gamitin mo para mas lalo kang swertehin sa mga balak mong gawin..."

May puting bracelet na may conch shell na maliit. May something na na-stuck sa loob niya. Isang itim na perlas.

"Ginamit niya daw 'yan nung nililigawan niya ako at niyayang magpakasal. Ayun, nakuha niya ang puso ko ng buong buo. Sana swertehin ka sa paggamit din niyan..." paliwanang ni Nay.

Niyakap ko siya ng mahigpit. "Salamat po Nay sa lahat ng tulong na ibinigay niyo. Tatanawin ko pong utag na loob iyon sa inyo... Mauna na po ako..." Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumakad palabas.

"Mag-iingat ka palagi hijo ha? Gawin mo lahat ng makakaya mo para makuha muli si Alec!" bilin niya.

Kumaway ako pabalik kay Nanay Roti. Sa pagpatak ng bawat minuto sa orasan ko, mas pinanghihinaan ako ng loob na masuyo siya.

Nagsisibak ng kahoy si Cardong. Kakailanganin ko ang tulong niya para makapunta kay Ate Mandeng. Alanganin nga lang na tulungan niya nga ako since hindi kami magkasundo nang dahil sa nararamdaman niya kay Alec.

Napakiramdaman niya siguro na pinanonood ko siya. Hinarap niya ako at nagsalita. "Anong gusto mo?"

Baka isipin niyang talunan ako o kaya, singilin ako sa tulong na ibinigay niya... Ayaw ko naman maapakan ang pride ko at siya pa ang mang-aapak! "Wala. Kaya ko sarili ko."

"Eh bakit di ka makaalis? May kailangan ka sa akin. Alam ko 'yun." pilit niya. Itinabi niya ang palakol na pinangsisibak. "Sumama ka sa akin."

Kung ano ano pumapasok sa kokote ng taong ito. Baka kung saan niya ako dalhin... "San tayo pupunta?" pag-alam ko.

"Kay Ate Mandeng." Isinuot niya ang sando niyang madumi na ng bahagya kakatrabaho.

Hindi ko inaasahan na iyon ang isasagot niya. Anong balak nito? "Walang kapalit itong tulong mo? Baka ahasin mo sa akin lalo si Alec..."

"Tibay ng sikmura mo eh ano? Ikaw na nga tinutulungan... Saka kung aahasin at maagaw ko man siya, di ko naman siya tatryadorin gaya ng ginawa mo sa kanya." Dumura siya sa lupa at inapakan ng madiin. "Sumama ka na bago pa magbago desisyon ko."

Nagbuntong hininga ako. I have to trust him this time. "Sige."

Sinundan ko siya hangga sa dulo ng Barrio Puswan sa loob ng masukal na gubat, lagpas sa talon. Pataas ng pataas na ang nilalakaran namin. Nasa bundok na kami ata! Habang mas tumataas ang daang tinatahak namin, mas nababawasan ang bilang ng mga puno sa paligid.

Halos nasa itaas na kami ng bangin. May nag-iisang bahay na nakatayo roon.

Kumatok sa pinto ng bahay si Cardong. Tinanaw ko ang nag-iingay na dagat sa ibaba ng bangin. May mga puting ibon na nagpapahinga sa batuhan. Sa paghampas ng mga alon doon ay mapapalipad sila. Kapag natahimik na ang tubig ay mulig babalik para magpahinga...

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon