XXXVIII

5.9K 152 4
                                    

LUKE

"Itatakas mo siya, Lucas?" tanong ni Kuya Alfred. Ipinakita niya ang mga naninilaw niyang ngipin sa isang ngiting nakakatindig balahibo.

Mukhang wala na siya sa katinuan at hindi na alam ang ikinikilos.

Naghahabol ako ng hininga at sumasakit na ang mga paa sa bigat ni Alec. Literal kong nadarama ang pagtibok ng puso ko sa loob ng aking dibdib. Tinatanong ko na lang ang isip ko ngayon kung paano ko pa siya malalagpasan...

"Kuya. Pag-usapan natin ito..." Mabagal akong umaapak paurong. Palapit naman siya ng palapit sa amin.

"Nakakatawa Lucas na ang akala kong makakatulong sa amin noon ay siyang nagpapahirap sa akin ngayon." wika ni Kuya Alfred, unti unting nabubura ang ngiti sa kanyang mukha.

"Anong ibig mong sabihin?" Kailangan ko ng mapagtataguan, kung hindi naman ay kahit anong magagamit panangga sa baril niya.

"Anong ibig kong sabihin?" pag-ulit niya sa tanong. "Simple lang. Gagamitin ka sana namin noon para maging mas sikat si Alec. Subukan mong iimagine. Dalawang porn star na nag-aagawan bilang Top Porn Star of the Year ang magsasama at gagawa ng mga palabas. Di ba masaya?"

Dumikit na ang likod ni Alec sa pader. Liliko na kami pabalik sa hallway ng mga kwarto nila. Pasimple akong lumilingon sa likod at ibinabalik ang mga titig kay Kuya Alfred.

"Pero iba pa kinahinatnan ng lahat." pagpapatuloy niya. "Ang batang sunod lang ng sunod sa mga utos ko, isa isa nang sinusuway ang Ate at mga Kuya niya. Dahil iyon sa 'yo! Ikaw ang dahilang ng pag-iba ng ugali ni Alec!"

Nasa dulo na kami ng hallway at tanging ang kwarto nalang ng dating bodega ang mapapasok ko. Ayaw ko nang bumalik pa. Papaano kami makatakas sa kanya?

Iilang hakbang na lang si Kuya Alfred mula sa amin. "Ts. Bakit ko pa kinekwento sa 'yo di ba? Sayang lang ang laway. Tatapusin ko na para masaya. Dahil heto ka ngayon..."

"Heto ka ngayon, mawawalan ng malay!" pagsingit ng isang boses sa likod. Isang mabilis na hampas sa batok ni Kuya Alfred gamit ang bakal na tubo ang ginawa ni Bobby. "Wag mo pakikialaman ang tropa ko!"

Natumba siya sa sahig at nabitawan ang baril. Sinipa ko naman papasok ng dating bodega ang baril at nilagpasan na siya.

"Salamat, Bobby. Kaibigan ka nga talaga." pasalamat ko. Inalalayan niya ako hangga sa makalabas na kami ng bahay.

Nasa isang malapit na kanto ang van. Sakto lang ang pagkaka-park para hindi mamukhaan ni Kuya Alfred kung sakaling madaraanan niya.

Di ko na inalintana ang bigat ni Alec sa likod ko. Lahat ng lakas ko, ginagamit ko na. Kailangan naming bilisan. Maaaring nakabangon na si Kuya Alfred at humahabol na sa likod.

Nagawa naming makarating ni Bobby at Alec sa van ng ligtas. Natagpuan naming ginagamot ni Ate Vanessa ang ibang sugat ni Kuya Marvin. Hirap pa kumilos si Kuya Marvin kaya't nagboluntaryo na akong magdrive ng van. Inalalayan ko si Alec papasok ng van sa tabi ng driver's seat. Sumakay na ako't binuhay ang makina ng sasakyan.

Nilingon ko sa labas ng sasakyan si Bobby at nakipagkamay. "Pare, thanks sa lahat ng effort ng pagtulong. Promise, I'm gonna pay you back someday."

"Tungak! Wala 'yun. Para saan pa't naging magbabarkada tayo?" wika nito.

"Bahala na. Ang gusto kong gawin niyo ngayon ni Brent ay tumakas na. Baka kayo ang balikan ni Kuya Alfred." habilin ko.

Tumango siya't tumakbo na sa ibang direksyon. Pinaandar ko na ang sasakyan at pinaharurot palayo sa lugar na iyon. Ano nang susunod kong gagawin nito?

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon