I

19.9K 391 20
                                    

ALEC

Maigi akong naghintay para sa kakainin kong almusal na luto ni Ate Vanessa. Makukuha pa atang matunaw ng kutsara at tinidor ko bago ako makakain. Kanina pa lumilikha ng kakaibang tunog ang aking tiyan dahil sa gutom.

"Pang-ilang reklamo na ng tiyan mo 'yan, Alec? Ang lakas, grabe. Minamadali ko na 'to. Konting tiis na lang." sabi ni Ate Vanessa habang nagluluto.

Napakamot ako sa hiya. "Sorry, Ate..." paghingi ko ng paumanhin.

Lumingon ako sa direksyon ng sala. Tutok na tutok si Kuya Alfred sa video ko na kaka-upload lang kagabi. Mukhang binabantayan niya kung ilan na ang nanood at nakakita ng video ko. Doon kasi kami kumikita at nabubuhay.

"Iba ka talaga bunso!" bati niya sa akin. "Biruin mo, 12 hours pa lang ang nakakalipas, umabot ka na ng 700, 000 views? Kung di lang kita kapatid, tinira na din kita sa sobrang tuwa ko sa 'yo!"

Natawa na lang ako sa mga sinabi niya. Kung minsan, di ko na rin alam kung pinagnanasaan na ba talaga ako ng kuya kong 'yan.

"Kadiri ah, Kuya Alfred!" bukambibig ni Ate Vanessa, sabay patong ng apat na mapuputing plato sa magkakaibang dulo ng mesa pagkatapos ihapag ang ulam at kanin. "Tama na muna 'yan at kumain ka na din dito. Luto na ang pagkain."

Nagmadaling pumunta sa kainan si Kuya at lumugar na sa puwesto niya. Nauna na siyang kumuha ng pagkain sa amin.

"Ang ibig ko lang naman sabihin Vanessa, biyaya sa atin si Alec. Tignan mo na lang, kung di niya pinagbubutihan, di tayo makakakain ng ganito karaming pagkain. Salamat ha, Alec? Tuwing bakasyon lang naman 'yang ginagawa mo. Si Vanessa na kapag simula na ng pasukan." biro niya ulit at nagsimula nang sumubo.

Umupo sa kanan ko si Ate Vanessa at pinuno ng pagkain ang plato ko. "Kuya naman oh... Nasa harap ng pagkain, wag muna natin pag-usapan ang mga ganyang bagay."

"Salamat." sabi ko kay Ate Vanessa. Unang dahilan na ang paglalagay niya ng pagkain ko. Ikalawa, dahil napahinto niya si Kuya Alfred sa pagkukwento tungkol sa trabaho namin. Sobrang nakakailang pala kapag iba na ang nag-uusap o nagsasalita ng ganoon tungkol sa 'yo.

Maya-maya ay bumukas na din ang pinto sa sala at pumasok si Kuya Marvin. "Ang daya naman! Ba't di niyo ako hinintay dumating bago kayo kumain?" reklamo niya.

"Nakuha mo na ba?" tanong ni Kuya Alfred.

Inilabas ni Kuya Marvin ang isang puting sobre mula sa likurang bulsa ng pantalon niya. Sinubukan niya itong iabot kay Kuya Alfred pero agad iyong hinablot ni Ate Vanessa at isiniksik sa loob ng damit niya.

"Mamaya na ang pagbibilang ng pera! Kumain muna tayo, okay?" pagbabawal ni Ate.

"Sabi mo po boss eh." sagot ni Kuya Marvin, at umupo. "Uy, bunso! Galing mo pala ah? Taas ng views mo!" bati ni Kuya nang makita niya ako.

Napangiti nalang ako.

Heto nanaman, nakakailang na...

Itinuloy ko nalang ang pagkain at walang ibang inintindi kundi ang gutom. Hinayaan ko na lamang mag-usap ang mga mas nakakatanda sa akin at tinoon na lang ang pansin sa almusal ko.

"Alec..." pagtawag ni Kuya Alfred sa pansin ko.

"Hmm?" imik ko nang makatingin na sa kanya. Nginuya kong mabuti ang laman ng bibig ko.

Ininom niya ang baso ng kape sa tabi ng plato niya at kinausap muli ako. "Yung bahagi mo sa kita natin, tinaasan ko ha? Buwena mano ko na sa 'yo 'yun. Bumili ka ng pansarili mong gamit. Vanessa, samahan mo siya." utos ni Kuya.

Tumango kami ni Ate Vanessa.

Ganito ako palagi. Sa tuwing may pinag-uusapan silang tatlo o kung sino man sa kanila, di ko gusto nagsasalita o kaya naman, nakikisali sa usapan. Ayaw ko magmukhang bastos at nahihiya ako... Siguro, paraan ko na lang ito para ipakita na ginagalang ko sila. Malaki naman kasi talaga ang utang na loob ko sa kanilang lahat.

Dumadating naman yung mga oras na papabilhan nila ako ng kahit anong gusto kong bilhin para sa akin. Pagbibigyan nila ako sa mga gusto ko. Madalas... Kaya kahit anong mangyari, di ko sila kayang labagin.

Pamilya ko sila eh... Pamilya kami...

Naupo lang ako sa kama at pinanonood si Ate Vanessa. Siya palagi ang may gusto na mamili ng isusuot ko.

"Ate, ako nalang kaya mamili ng isusuot ko? Kahit ngayon lang please?" tanong ko.

Kinuha niya ang isang gray na t-shirt at iniabot sa akin. "Suot mo dali. I-partner mo sa black na jagger. Saka ayaw ko Alec. Gusto ko naaalagaan kong mabuti ang baby boy namin."

Di na ako umangal at ginawa na lang ang inuutos niya at naghanda na din siya ng sarili.

Parang si Ate Vanessa na talaga ang tumayong nanay sa aming magkakapatid. Walang problema sa kanya kung pagsilbihan niya kami ng mga kuya ko at kahit mapagod pa siya sa lahat ng gawain. Di ko kakayanin kung mahihiwalay siguro siya sa amin, na sana wag naman mangyari kahit kailan pa...

Matapos mag-ayos, inihatid kami ni Kuya Marvin sa mall at lumakad na papuntang Department Store.

"Tatlong libo ang share mo sa kita natin Alec. Mamili ka lang kahit ano tapos tulad ng dating gawi, ipapakita muna sa akin bago natin bibilhin ha?" paalala niya sa akin. Tumango ako. "Oh sige. Pumunta ka na sa may damit panlalaki at hahanap muna ako ng mga bagong thongs."

Nagsimula na akong maghanap ng magugustuhang damit.

Noong maliit pa ako, ninais kong makabili ng mamahaling damit o kung ano man pero hangga tingin, di ko man magawa sa sobrang hirap namin. Buti at sa ngayon, nagagawa na namin mabili lahat ng gusto namin. Sulit naman lahat ng pagod na pinagdaraanan namin – ko.

Nakahanap ako ng magandang t-shirt at dumiretso patungong fitting room.

Tahimik at wala pang nag-assist sa akin. Hinayaan ko na lang. Parang wala namang tao sa bawat cubicle. Pinuntahan ko ang pinakadulong stall at mabilis pumasok. Di ko inaasahan ang makikita ko sa pagtalikod ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Ilang beses kong ibinukas-sara na sana imahinasyon ko lang ito. Pero hindi.

Hawak ang isang napakagandang unit ng cellphone na sa palagay ko Iphone ang brand, nakataas ang suot na pang itaas hangga sa dibdib, litaw ang nagpuputukang muscles sa makinis na katawan, mga abs na nakapang-iinit ng laman at naka-lip bite – partida, nakahubo pa ang pants at boxers lang ang pang-ibaba, patuloy pa rin ang pagkuha ng selfie sa salamin ng isang lalaki.

Nakatulala lang ako, parang nasimento lang sa kinatatayuan. Gusto kong umalis, di ko magawa. Gusto kong magsalita, natuyo bigla ang lalamunan ko at walang boses na lumalabas.

Nang matapos ang lalaki sa pagkuha ng litrato, liningon niya ako at nginitian. Napatingin ako sa katawan niya pabalik sa ulo at sa ano niya... Alam niyo na kung ano ang tinutukoy ko! Wag na magtanong!

Nag-init ang mga pisngi ko at tumingin sa ibang direksyon. "Uhh..." Ayaw talaga lumabas ng mga salita sa bibig ko. Nanginginig ako, oo. Itinuro ko ang pagkalalaki niya na gising na gising at tila ano mang oras ay tutuklawin ako.

Napatingin siya sa itinuturo ko. Nahiya siguro kaya nagmadaling tanggalin ang pagkakataas ng tshirt niya.

Ihinarap ko muli sa kanya ang mukha ko at mas nag-init sa naka-print sa suot niya.

BIG COCK HERE ang sabi at may arrow na nakaturo sa ibaba. Jusko, ano po ba ito?! Pero walang halong biro, malaki nga. Grabe!

Nagsisimula na rin humigpit ang pang-ibaba ko.

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon