ALEC
Hinaplos haplos ni Luke ang likod ko. "Satisfied ka?"
"Mmm-hmmm..." Itinuloy ko pakikinig sa puso niya. Nabibigatan kaya siya sa akin ngayong nakapatong ako sa itaas niya?
"Napatawad mo na ba ako?"
Nilapit ko ang mga labi ko sa kanya at humalik ng mabilis. "Matagal na... Hindi ko kayang mawala ka sa akin eh..."
Sinundan ko sa aking daliri ang korte ng mga kilay niya, ilong, at mga mapupulang malalambot na mga labi. Kailan kaya ako magsasawang halikan ang mga ito? Baka hindi na...
Pagkatapos ng lahat lahat, parang naging konektado nanaman kaming dalawa. Ubos na ang galit ko sa kanya.
"Alec?" bigkas niya. Nagkasalubong kami ng mga tingin.
"Oh?"
"Tayo na ba?" Siryoso siyang nakatitig sa akin.
Nawindang ako bigla sa katanungan niya. Saan naman niya galing ang tanong niyang iyon...
"Ha?" lang ang nagawa kong isagot.
"M.U. tayo di ba? Don't you think, sapat na ang oras na magkasama tayo para sagutin mo na ako?" paliwanag niya. "Madami dami na rin naman tayong napagdaanan eh..."
Nanuyot ang lalamunan ko. Sinisink in ko pa sa isip ko lahat lahat ng binigkas niya. Ayaw ma-register eh! Nakaramdam ako ng bahagyang pressure at nailang...
Maaga para sa ganung bagay. Konting tiis na lang Luke, sasagutin din kita. Wag lang sa panahon ngayong nagkakagulo sa amin...
"Medyo nagmamadali tayo kung ganon, Luke... Pasensya na, pwede mo ba akong bigyan pa ng mahaba haba pang panahon para mag-isip?" Saka ko na ipapaalam sa kanya ang lahat. Ayaw kong madamay pa siya sa kinakaharap ko ngayon.
Nagkamot ng ulo si Luke. "Am I going to fast ba? Sorry ha? Sige sige. Nauunawaan naman kita... I'm really sorry sa pagkakamali ko, Alec. Yun na ang kahuli hulihan..." Hinalikan niya ako sa leeg pagkatapos.
Nginitian ko na lang siya. Napagod ako sa ginawa namin sa totoo lang... Ubos ang lakas ko.
"Ligo na tayo. Mag-uumaga na lang ako uuwi..." sabi ko.
Sabay kaming pumasok sa banyo. Dumiretso kaagad ako sa shower at nagbanlaw. Minamata ni Luke ang buong katawan ko.
"Alec? Bakit madami kang pasa sa katawan?"
May iilang nangingitim na bugbog sa buo kong katawan. Alec, bilis. Umisip ka ng palusot. Baka lumala lahat kapag nalaman niya...
"Ah... Ano kasi... Naglalaro kaming basketball ng mga kuya ko, di naman maiwasang masiko ako at masaktan kapag naglalaro... Hayaan mo na. Dito na, samahan mo ako..." aking alibay. Hindi nanaman ako titigilan ni Luke nito hangga't hindi ko inaamin ang katotohanan.
Nagsabon na lamang ako ng katawan para matakpan ng mga bula ang mga pasa. Mapagaan lang sana nito ang sitwasyon...
Alam kong nag-aalala siya para sa akin. Hindi nga lang ito ang tamang oras para madawit siya. Labas siya sa gulong pinasok ko.
Mahal na mahal kita, Luke. Nagsisinungaling ako para protektahan ka... Sana maintindihan mo...
Wala pa akong maayos na tulog. Hindi ako tinantanan ng mga katanungan ni Luke. Pilit niya akong hinuhuli. 4 AM ng madaling araw, umalis ako sa bahay niya. Pagkauwi ko ay nagpahinga muli. Lantang lanta ako sa ginawa namin kagabi...
BINABASA MO ANG
Bait Bus
Ficção Adolescente[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...
