XXVII

7.1K 185 15
                                    

ALEC

Nasa may kusina ako at nakapatong ang noo sa mesa habang hinihintay ang bisitang tutulong daw sa career ko.

Permanente nang pinahinto ni Kuya Alfred ang pag-iikot ng Bait Bus. Tama na daw ang ganoong set-up. Sawa na ang mga viewers. Gusto daw nila ng bago. Something na mas matindi at mas nakakasabik.

Inisip ko na lahat lahat ng pwedeng maging gimik namin, walang pumapasok sa isip ko. Panay mukha ni Luke! Nakakalungkot lang.

May tunog ng truck na huminto sa katabi naming bahay. Similip ako sa bintana. Nagbababa ang mga lalaki ng kahon kahong gamit at mga kasangkapan.

"May bagong lipat tayong kapit bahay..." Nasa likod ko pala si Ate Vanessa at nakikisilip din. "Delikado pa ata..."

"Delikado?" pag-ulit ko. Anong ibig sabihin niya roon?

Agad niyang pinuntahan si Kuya Alfred na nasa may sala at nakadungaw rin sa bintana.

"Kuya..." Naupo si Ate Vanessa sa tabi niya. Nasa itsura ang pag-aalala.

Isinarado ni Kuya Alfred ang mga kurtina. "Alam ko, Vanessa. Tuloy pa rin ang plano ko. Walang masyadong maglalalabas ng bahay, sabihan mo si Marvin." Lumingon si Kuya sa direksyon ko. "Narinig mo ako, Alec. Walang. Maglalalabas. Lalo na kung hindi mahalaga."

Tumango na lang ako at bumalik sa lugar ko sa kusina. Matiyaga nalang kaming naghintay sa bisita.

Pumasok sa kusina si Kuya Marvin na bagong gising lang at nakatayo pa ang buhok dulot ng natirang wax. Nagmumog siya at kumuha na ng pinggan at mga kubyertos.

Tumabi siya sa akin at nilagyan ng pagkain ang pinggan. "Kain tayo, Alec." aya niya.

"Kumain na po ako..." sabi nang nakahilig ang ulo sa lamesa.

"Okay ka lang ba?" pansin niya. Iyan ang mga salitang gusto kong matanong sa akin ng mga tao sa paligid ko.

Isang tanong kung saan ramdam ko ang kalayaan kong hindi ko natatamasa nang dahil sa kalungkutan.

Oh, Alec! Magdadrama ka nanaman!

"Di pa rin Kuya eh..." sambit ko. "Kumikirot pa rin. Hirap makalimot. Sobra. Di man ako nakatulog ng maayos kagabi."

Nagpatong siya ng chocolate sa tabi ng ulo ko. Nakakapagtaka na, saan kaya siya nakakakuha nito???

"Salamat Kuya." Nilantakan ko na ang matamis hangga sa maubos ito. Pang-aliw ko para makalimot kahit pansamantala lang. Basta makalimot!

Pinagmasdan ako ni Kuya Marvin. "Alec? Naaalala mo pa sinabi namin ni Ate mo kay Luke bago kayo umalis?"

Ni-replay ko sa isip ko lahat ng nangyari nung araw na iyon. Sana tama nga ang pagkakatanda ko...

Tinignan ko siya ng may kaba. "Kuya, wag mong gagawin 'yun..."

"Hangga ngayon kaya, apektado ka pa rin ng mga ginawa niya. Saka kapag sinabi ko, ginagawa ko talaga..." Sumubo siya ng tuloy tuloy.

"Ako? Affected, Kuya?" Ngumiti ako ng ubod ng laki. "Itong ganitong kasayang mukha? Apektado. Hindi kaya... Kaya, wag mo na itutuloy ang kung ano mang tumatakbo sa isip mo, please?"

Bumaba ako sa lapag at lumuhod. "Parang awa mo na..." pakiusap ko.

Kahit na sinaktan niya ako, mahal ko pa rin siya. Sa sobrang pagmamahal ko, ayaw kong masaktan siya...

"Oo na, oo na, Alec. tumayo ka na diyan. Iba ang naiisip ko kapag nakaluhod ka eh!" Tumayo siya at hinila ako pabalik sa upuan ko.

Kumawala ako't yumakap sa kanya. "Salamat Kuya Marvin!"

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon