XXXVI

6.2K 172 4
                                    

Kahit papaanong pilit ni Alec na idaan sa tulog ang lahat lahat ay hindi niya magawa. Punong puno ng takot ang puso niya. Sa bawat paglipas ng mga segundo, pabawas na ng pabawas ang pag-asa niyang nailigtas ang kanyang Ate Vanessa at Kuya Marvin sa kapahamakan.

Nakaupo siya sa isang upuan sa gilid ng kama nilang dalawa ni Luke, pinanonood matulog ang binatang kasintahan. Inaalala niya ang mga salitang binitawan nila sa isa't isa. Mga salitang nagpatibay sa ugnayan nila sa sandaling oras.

Bumuntong hininga si Alec sabay gulo sa sariling buhok. Masakit sa loob niya ang desisyong pipiliin subalit natatakot siyang mamatayan ng minamahal nang dahil sa sariling kaligayahan.

Humanap siya ng papel at pansulat. Paulit ulit niyang tinanong ang kanyang sarili kung handa na nga ba siyang iwan si Luke.

Isusuko na nga ba niya ang sarili sa kanyang Kuya Alfred?

Kahit na ang pagmamahalan nila ni luke ang pinaka maaapektuhan?

Palapit na ng palapit ang bukang liwayway. Tapos na rin mag-empake si Alec. Inipit niya sa ilalim ng unan ni Luke ang mensaheng sinulat at hinalikan siya sa labi sa kahulihulihang beses – sa inaakala niya.

Itinali niya ang mga kamay at paa ni Luke sa bawat dulo ng kama. Umiiwas siyang mahabol at pigilan pa siya ng binata kung magising man.

Dahan dahang lumakad palabas si Alec ng naiiyak pa. Maingat niyang isinara ang pinto, umiiwas sa kahit anong ingay na maaring malikha.

Tinungo na ni Alec ang elevator at bumaba sa ground floor hila hila ang maleta at lumuluha. Sana'y walang nakakita sa kanyang umiiyak na umalis ng hotel at iniwan si Luke na nakagapos sa loob ng kwarto.

Sa hindi niya nalalaman, may dalawang matang nakamasid sa kanya't pinagtatakahan ang kilos habang papalayo.

Sakay ng taxi, dalawa't kalahating oras mahigit ang ginugol ng biyahe ni Alec pabalik sa kanilang bahay. Wala namang pagbabago sa itsura. Maliban nalang sa mga lantang halaman sa paligid ng bahay at mga pesteng damong nagsitubuan na hindi naaasikaso.

Mukhang wala na rin ang mga bagong lipat na kapit bahay nila at nagsialisan na.

Buong loob na tinahak ni Alec ang direksyon papunta sa pinto ng kanilang bahay. Pinihit niya ang hawakan at pinasok ang madilim na bahay at tanging ilaw lamang sa kusina ang nakasindi.

Nakarinig siya ng tuloy tuloy na paghikbi ng isang babae mula sa isang kwarto sa di kalayuan. Lumakad siya patungo sa sarili niyang kwarto at tulad ng inaasahan niya, natagpuan niya roon ang kanyang Ate Vanessa na parang basahang itinapon sa sahig. Punong puno ng bugbog at sugat sa katawan. Namantsahan na rin ng dugo ang damit nito na huling isinuot nang sinubukang tumakas kasama siya.

Niyakap siya ng mahigpit ni Alec bago niya makita ang isang walang malay na Kuya Marvin sa kama. Pinanatili nila ang katahimikan upang hindi malaman ng Kuya Alfred nilang nakabalik na si Alec.

Pero huli na ang lahat dahil mula nang iapak muli ni Alec ang paa niya sa loob ng bahay, nakamatyag na ang kanyang Kuya Alfred.

"Alec..." bigkas nito, hawak ang isang matalim na kutsilyong nabahiran ng pulang likido ang dulo. Hinaklit ni Alfred ang braso ni Alec. "Sumunod ka sa akin." mungkahi nito.

Kinaladkad niya ang kanyang kapatid hangga sa kwarto ng dati nilang bodega. Di na nagawang magpumiglas pa ng binata nang dahil sa kutsilyong maaaring isaksak sa kanya ng kanyang Kuya.

Itinulak ni Alfred sa loob ng silid ang binata, kung saan naghihintay sa kanya ang tatlong bruskong lalaki na may naglalakihang katawan. Matatalim ang mga tingin nila kay Alec nang dahil sa kanya kanyang pagpapasakit na binabalak ipadanas sa kanya.

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon