ALEC
Pinipilit akong kumain ng chocolate ni Kuya Marvin buong biyahe para tumahan lang sa pag-iyak. Tinanggihan ko lang siya. Buong biyahe nasa may tabi ako ng driver seat, nakadungaw sa bintana, lumuluha.
Tahimik lang din sina Ate Vanessa at Kuya Alfred. Sabi ni Kuya Marvin, nakipagtalastasan pa ata daw sila doon kay Mario. Nagsalita lang sila ulit nang makauwi na kami.
Nagpahinga sa may sofa ang mga Kuya ko. Habang si Ate Vanessa naman, nagluto na ng hapunan.
"Kuya, sorry..." pagpapaumanhin ko ng walang kadahilanan.
"Satisfied ka na Alec?" panimula ni Kuya Alfred sa pagsesermon. Humugot siya sa bulsa niya ng mga resibo. "Sige. Tignan mo isa isa yan..."
Kinuha ko isa isa ang mga papel at pinaka obserbahan. Isang may 17, 000 php. Confinement sa hospital. May 21, 000 – pagpapaopera. 46, 000 para naman sa pagpapa-therapy. Binalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Ano? Ang lalaki ng mga halagang nawaldas natin sa pagpapaka bayani mo noh?" sabi niya. "Hindi lang yan... Doble effort pa kaming kausapin siya tungkol sa pagiging sikreto natin sa publiko."
Inabutan siya ni Ate Vanessa ng isang basong tubig.
"Magkano ibinayad natin sa gagong yun para manahimik siya, Vanessa?" tanong ni Kuya.
"100, 000 po Kuya..." Nakayukong sumagot si Ate bago bumalik sa kusina.
"Hindi ka ba nang hihinayang sa pera??! Jusko, ipon din namin nila Vanessa yun, Alec! Napa-withdraw kami ng hindi oras dahil sa pagpapaka dakila mo." singhal niya. "Umalis ka na nga sa harapan ko! Buysit."
Tumakbo ako papasok sa kwarto ko at doon ibunuhos lahat ng hinanakit ko.
Nagkaroon ng mabilis na pagbukas sara ng pinto at isang mabigat na katawan ang tumabi sa akin sa kama. Pumalupot ang dalawang matipunong braso sa akin.
"Alec... Wag mo damdamin yung mga sinabi ni Kuya Alfred sayo ah?" sabi ni Kuya Marvin. "Kahit anong mangyari, mahal ka namin... Lalo na ako..."
Bumaliktad ako ng harap at idiniin ang mukha sa dibdib. Ngayon lang naggalit ng ganun katindi sa akin ang isa sa kanilang tatlo. Si Ate Vanessa, kadalasan kapag di ko gusto yung ayos na ginagawa niya sa akin, napagsasabihan ako. Hindi nga lang kasing sakit na katulad ng kay Kuya Alfred.
At napag-usapan na lang din, sumilip si Ate sa loob para paaalalahanan kaming handa na ang makakain.
"Ayos lang ba kayo diyan? Kain na..." sabi niya.
Hinalikan ako sa noo ni Kuya Marvin bago siya umalis. Si Ate naman ang lumugar sa tabi ko at pumunas ng mga luha ko sa pisngi.
"Bunso... Tahan na. Napagsasabihan ka dahil may nagawa kang mali di ba?" Parang nanay talaga si Ate kung mangaral.
"Kailan pa ba naging kasalanan ang pagtulong???" Ayaw ko lang naman kasing may buhay na mawala nang dahil sa gawain namin.
Natawa siya at inalis ang buhok na nakaharang sa mukha ko. "Never naging kasalanan yun... Malaki lang talaga ang panghihinayang ni Kuya Alfred sa perang nawala sa atin..."
"Mas mahalaga ba ang pera kaysa sa buhay ng iba?"
Umiling siya. "Mayroon lang sigurong paglalaanan si Kuya doon kaya ganun ang reaksyon niya. Ewan. Tahan na, Alec... Mugto na mga mata mo..."
Ano bang dapat maging ekspresyon ko sa mga oras na ito? Pipilitin ko na lang bang matawa? Kaso may sarili atang pag-iisip ang mukha ko at kahit anong pilit ko, kitang dismayado pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Bait Bus
Jugendliteratur[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...
