Nagbabangayan nanaman sa gilid ang tropa. Kulitan. Harutan. Asaran. Kung hindi dahil sa kanila, hindi namin nagawang lagpasan lahat ng mga pinagdaanan namin noon.
May isang linggo na rin ang lumipas mula sa pangyayaring iyon. Mahirap kalimutan nung una. Kalaunan ay nagawa na din namin mamuhay ng normal at makahinga ng maluwag sa araw araw.
Nagbagong buhay na rin ako – kami. Itinigil na namin ang pagtatrabaho para sa pornography at nagdesisyong humanap na lang ng mas disenteng trabaho.
Magsisimula kami muli ng panibagong buhay. Buhay na hindi na magagaya sa nakaraang kay pait.
Binasa ko ang mga salitang nakasulat sa tuktok ng dyaryo. Malalaking mga letrang binubuo ang isang pangungusap na nagpapahiwatig ng tuluyang pagkakulong ni Kuya Alfred.
Nalaman sa investigation kung saan tumulong sina Cath at Vinyl na gumagamit pala ng pinagbabawal na gamot si Kuya Alfred. Sumabay ang epekto nito sa kanyang depression kaya ganun ang naging kilos niya.
Gumapang ang isang ngiti sa mukha ko. Hindi na niya kami magagawang saktan pa. Mabuti naman.
Pumasok sa lugar si Ate Vanessa na tulak tulak si Kuya Marvin. Lumapit sila sa kinauupuan ko at nginitian ako. Pare-parehas kami ng iniisip.
"Mabubulok na sa kulungan si Kuya Alfred. Cased close na." ani Kuya Marvin sabay tapik sa braso ko. Nakuha pa rin niyang tumawa sa likod ng pagkapilay ng mga paa niya.
"Giginhawa na din ang buhay natin, Luke." sabi ni Ate Vanessa. Nakahinga kami ng malalim sa balitang 'yon.
Lumingon ako kay Alec. "Narinig mo 'yun? Ito na ang bagong simula nating lahat." Nginitian ko siya ng kay tamis.
Niyakap ako sa likod ni Ate Vanessa. "Tama na, Luke..." bulong niya.
"Tignan niyo Ate, Kuya. Ang ganda ng ngiti ni Alec noh?" pansin ko. Pinagmasdan ko siyang maigi. Naiipon na sa mga mata ko ang luha.
Humawak si Kuya Marvin sa balikat ko. "Luke, tanggapin na tin. Wala na si Alec. Hindi na siya babalik pa."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at naibalik sa katinuan. Idinaan ko nanaman sa hagulgol ang lahat ng sakit.
Bakit kasi ganito pa?! Kung kailan tapos na ang pagpapahirap, saka niya ako tuluyang iniwan?! Di ko kakayanin ang sakit...
Ikaw at ikaw lamang ang mamahalin ko, Alec...
BINABASA MO ANG
Bait Bus
Novela Juvenil[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...
