ALEC
Diring diri na ako sa pagkatao ko. Kung tao pa nga ba ako at hindi pa baboy...
Ilang beses na akong naligo at nagsabon ng buong katawan – kahit mga labi ko halos matanggal na kakascrub ko, pero parang nakadikit pa rin sa akin yung amoy ng mga walang awang kalalakihang iyon.
Yung mga pagpapahirap nila... Pagpaso sa akin sigarilyo, candila, kahit hiwa-hiwain pa ako sa iba't ibang bahagi ng katawan na gusto nila. Marahas... Yun ang tipo nila kapag nakikipagtalik.
Idinadaan ko na lang sa iyak ang lahat kahit alam kong walang magagawa. Maliban nalang ang pagbawas ng sama ng loob at sakit sa loob ko.
Hindi na ako sigurado kung gusto ko pang mabuhay. Unti unti, nawawalan na ako ng pakiramdam sa katawan. Panay pagkapata na lang at pagmamanhid. Ikababaliw ko lahat ng ito di kalaunan...
Kailangang kailangan ko si Luke. Ang taong kahit anong sakit pang dinarama ko, napapawala niya sa mga haplos lang niya... Kaso ipit ako sa sitwasyon saka na rin siya. Posibleng saktan rin siya ni Kuya Alfred kapag nagkataon.
Mabuti nang layuan ko na siya kaysa parehas lang kaming masaktan... Masakit pero kailangan.
Pinababayaan ko na lang na dumaloy ang tubig palabas ng mga mata ko. May luha pa nga ba akong natitira? Mula umaga hangga pagtulog, lumuluha ako...
Sa gitna ng kadiliman ng kwarto ko, umilaw ang cellphone sa aking tabi. Nagvibrate ng tuloy tuloy.
Pinunas ko naman sa kumot ang mga luha ko at agad kinuha ang phone. Pangalan kaagad ni Luke ang nakita ko sa screen. Tumatawag siya. Sasagutin ko ba o hindi?
Nung isang araw, nagkaayos pa lang kami tapos heto, zero connection ulit. Tama pa bang ipaglaban ko siya? May patutunguhan nga ba ang lahat sa dulo?
Kung itutuloy ko pa itong ugnayan namin, mahihirapan lang kami. Parehas lang din kapag tinapos na ang lahat lahat, mayroon pa ring pusong madudurog. Kaya sa ngayon, yung tagal na lang ng paghihirap ang pagbabasehan ko.
Tatagal ang pagdurusa namin kung magtitiis kaming parehas sa nangyayari sa akin. Hangga't buhay ako't may inirereto sa akin si Kuya Alfred, magpapatuloy ang pagsasakripisyo ng bawat isa.
Sa pagputol ko naman ng connection sa amin dalawa, masusugatan ko siya. Masakit din sa akin. Pero pansamantala lang iyon at lilipas din ang panahon na makakahanap siya ng ipapalit sa akin.
Nasa sa akin ang desisyon para sa ikabubuti ng lahat... Wais dapat ako sa ganitong mga pagkakataon.
At sa ngayon, may desisyon na ako...
Sinagot ko ang tawag at dahan dahang inilapit ang phone sa tenga ko. "Hello?"
"Finally. Nakahinga na ako ng maluwag. At least, I'm still confident na humihinga ka pa..." sabi ni Luke na hinihingal hingal pa sa kabilang linya.
"Luke, may kailangan akong sabihin." Napapangiti ako sa boses lang niya.
"Ako din, meron. Buksan mo ang bintana mo dali. Malamig dito sa labas."
Ano raw?! Naupo ako at lumapit sa bintana. Naghihintay siya sa labas na may dalang mga bag. Pinatay ko na ang call at binuksan ang bintana. "Anong ginagawa mo rito? 1 AM ng umaga?! Nasisiraan ka na ba?"
Sumampa na siya papasok sa bintana at pumwesto sa tabi ko sa kama. "Mas masisiraan ako kung hahayaan ko lang ang ginagawa ni Kuya Alfred sayo..."
"Alam mo na?!" gulat ko.
Tumango siya. Mabagal niyang inilapit ang mukha niya sa akin at muli kong natikman ang matatamis niyang mga labi. Nabuhayan ako ng loob. Nandito na ang kaligayahan ko eh...

BINABASA MO ANG
Bait Bus
Novela Juvenil[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...