ALEC
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko kay Luke.
Magkasama kaming pumasok sa kagubatan. Napalayo layo na ata kami at natatakot na ako sa kung ano mang pwedeng mangyari sa amin.
"Konting lakad na lang. Almost there..." sagot niya.
Nakarinig na ako ng ingay mula sa bumabagsak na tubig at ang pag-agos nito bilang isang ilog. Wala kami sa ibaba kundi ay naroroon mismo kung saan ang bibig ng talon. Napakalinis ng tubig at sariwa ang hangin sa paligid.
Nalula ako sa taas ng tinutuntungan namin. Nakakamatay sa taas.
"Alec?" pagbigkas ni Luke sa pangalan ko habang mabagal na inaalis ang kapit sa kamay ko.
Umikot ako para harapin siya. Dahan dahan siyang lumalapit sa akin. Walang emosyon sa mukha at diretso lang sa akin ang tingin.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko.
Nasilitawan ang mahahabang mga bitak sa lupang inaapakan ko. Isang maling galaw at mahuhulog ako. Mahuhulog ako sa nagtutulisang mga batong naghihintay sa ibaba ng talon.
Iniwasan ko mang gumawa ng kahit anong kilos, biglaan naman akong itunulak ng buong lakas ni Luke.
Kasabay kong nahulog sa kawalan ang nagbitak na bahagi ng lupang kinatatayuan ko, mga dahon na nilipad din ng hangin paibang direksyon at ang katotohanang nagawa niya akong ipahamak na di ko mapaniwalaan.
Basa na ang mga binti ko nang dahil sa talon. Pinanonood lang ako sa ere ni Luke. Sumigaw ako ng tulong pero walang nakarinig. Ang kadiliman lang ang naroon at siyang sumagip sa akin sa kapahamakan.
"Alec? Uy... Alec..." Inalog alog ni Luke ang balikat ko. "Wake up... Binabangungot ka..."
Nagmulat ako at lumingon lingon. Nasa bus pa rin kami. Pinunasan niya ako na pawis na pawis. Di na gumagalaw ang sasakyan at wala nang tao sa kabilang mga upuan.
"Hala! Kanina pa ba tayo nakadating? Tayo na lang ba ang hindi bumababa? Tara na!" Nagmamadali akong tumayo sa kinalulugaran ko.
Hinila niya ako paupo. "Chillax... No. Yes. And, no." sagot niya. "Wala pa tayo sa destinasyon natin. Oo, tayo lang ang mga pasahero na nasa bus ngayon. May 24 minutes pa tayo before umarangkada ulit ang bus..."
"Eh nasan yung iba?" Nasa upuan niya ang driver, nagkakape. Inuubos naman ng kunduktor ang hotdog sandwich niya.
Uminom sa water jug si Luke bago sumagot. "Pit stop kasi. Pinayagan muna magmiryenda at banyo yung iba. May kailangan ka ba?"
Maliwanag sa labas, maaliwalas ang panahon. Sari saring food stalls ang meron at kanya kanyang bili ang mga tao. Nagpapata na ang puwit ko sa tagal kong nakaupo.
"Baba muna tayo..." aya ko.
"Gising na po pala syota niyo, ser." pansin ng kunduktor sa amin.
Natigilan ako sa sinabi niya. Magkaibigan lang kami! Ano nanaman bang pinagsasabi nitong mokong?!
"Ay opo. Na-witness niyo kanina Manong kung paano ko siya kamahal ha? Kahit parehas kaming lalaki, mahal na mahal namin ang isa't isa." napahaba niyang satsat.
Naaaliw kaming pinagtitingin ng driver at kunduktor. Pula pa sa kamatis ang mukha ko sa kahihiyan. Napag-iwanan na si Luke dahil nagmamadali na akong bumaba. Dirediretso lang ng lakad kahit di ko alam saan ako pupunta. Humabol siya at hinila ang dulo ng damit ko.
"Anyare? Bakit mo ko iniwan doon?" tanong niya.
"Di ba nakikipagkwentuhan ka pa doon sa lalaki? Nakakahiya naman kasi sa inyo..." irap ko.
BINABASA MO ANG
Bait Bus
Ficção Adolescente[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...
