XXXII

6.7K 173 3
                                        


LUKE

"Try mo muna kayang tantanan yang phone mo at ubusin muna ang sundae. Natutunaw na oh..." sabi ni Cathleen habang pinupunasan ang counter.

Ni-dial ko muli ang number ni Alec. Nagfifreak out nanaman ato dito oh! "Ilang araw na lumipas since that night na nagkaayos kami. After nun, kaumaga, ni isang text or call galing sa kanya, wala man. Wala ding sumasagot sa mga calls ko. May nagawa nanaman kaya akong mali?" Sinimulan ko nang ubusin ang sundae.

"Dude, baka naman ayaw niya muna magpaistorbo or baka busy lang..." opinion ni Bobby at inihanda na ang mga basong ipapagamit sa mga costumers.

"Busy? Saan naman kaya?" Wala pa ring reply or missed calls galing kay Alec.

Nagkibit balikat ang dalawa at ipinagpatuloy na lang ang pag-aayos.

Magbubukas pa lang ang BobCath. Nakasalubong ko ang dalawa kanina sa daan nung nagjajogging ako kaya sinamahan ko na. Nakalibre pa ako ng sundae!

Pero hindi yun yung usapan! Ang usapan dito, what is Alec up to for these past few days at kahit anino lang niya, tinataguan ata ako?!

Kanina pa may nagfaflash na ilaw sa gilid ko. Mga kutong lupa! Itong magsyotang dalawang mga ito, pinagtulungan pa ako kunan ng litrato! Sabay pang pinagtawanan yung picture ko?!

"Nasaan na yan!" Bumaba ako sa high chair. Binuksan ko ang pinto papasok sa loob ng counter. Humanda sila kapag nakuha ko ang camerang iyon!

"Oops." Tumigil kakatawa si Cath at nagpamewang. Pinanood niya akong pumasok sa counter. "Hindi ka talaga marunong magbasa ng mga signs noh?" Itinuro niya ang sign na nasa may pinto.

AUTHORIZED PERSONNEL ONLY. Tss...

Bumalik na lang ako sa inuupuan ko at bumusangot. Makakaganti din ako sa dalawang ito, hintayin nila.

Itinabi na ni Bobby yung camera sa loob ng bag niya. Si Cath naman, abala sa paglalagay nung mga litrato sa photo album. Ang lalawak ng mga ngiti. Di ko masukat!

"Alam mo, pre..." Umiiwas siya ng tingin sa akin, natatawa siya eh. "Instead na nagmumuktong ka diyan, bakit di nalang ikaw yung pumunta kanila Alec?" suggest niya.

"Bobby's right. Last time I check, mga prinsipe ang sumundo sa prinsesa nila." singit ni Cathleen. "Why not go to Alec's place and see what he's doing yourself?"

"That's a no-no..." mabilis kong sambit.

"And why?" Tinaasan ako ng isang kilay ni Cath. "That's what we girls call effort. Plus points kaya yun sa guy kapag siya ang kumilos para sa babae..."

I sighed. "First of all, Alec is not a girl. Second is maaari akong patayin ng ate at mga kuya niya kapag iniapak ko ang mga paa ko sa teritoryo nila. Kagagaling lang namin ni Alec sa problem, remember?"

"Eh anong gagawin mo ngayon? Maghihintay ka diyan para sa isang taong walang kasiguraduhang darating?" sita ni Bobby.

Ano pa bang magagawa ko? Tama sila. Kailangan kong ipakita sa kilos kong mahal ko talaga si Alec.

Inubos ko na ang tunaw kong sundae at lumakad papunta sa pinto. Pinagbuksan na ako ng guard at nakaakmang lalabas.

"Where are you going?" napalakas na sabi ni Cath mula sa counter.

"Kanila Alec!" sagot ko at tumakbo nang palayo. No more time to waste!

Tumatagaktak na ang pawis ko kakamadali habang tinatahak ang ruta ng bahat nila Alec. Na-eexcite ako! Sa iilang araw na wala kayong kahit anong connection ng taong mahal mo, di pa ba sapat yun para mamiss mo siya? Unless tina-timer mo siya, right?

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon