XXIV

7.3K 213 4
                                    

ALEC

Ayaw papigil ng mga luha ko. Tuloy tuloy pa rin ang pag-agos. Inabot na ako ng madaling araw sa biyahe, sa wakas ay naka-uwi na rin.

Napakatahimik sa buong paligid. Wala nang katao tao. Patay na ang mga ilaw ng mga bahay. Liwanag na lang sa mga poste ang mayroon.

Nasa tapat na ako ng bahay namin. Nag-aalangan ako. Humupa na ba ngayon ang galit ni Kuya Alfred sa akin?

Kumatok ako sa pinto ng bahay. Tulog sila malamang kaya walang nagbubukas ng pinto. Kumatok ako ulit. Maya maya'y nakarinig na ako ng mga paang naglalakad. Bumukas ang ilaw ng sala. Tinanggal ang lock ng pinto at binuksan ito.

Si Kuya Alfred ang unang sumalubong sa akin. Itinapon ko ang sarili ko sa kanya at yumakap kasabay ng pag-iyak ko.

"Kuya, sorry po... Hindi na ako uulit... Sising sisi na po ako sa ginawa ko... Namimiss ko na kayo... Patawarin mo na ako, please?" pagmamakaawa ko.

Dumampi ang mga kamay niya sa katawan ko sa kanyang pagbalik ng yakap. "Napatawad na kita bunso... Tahan na... Bakit kasi ngayon ka lang umuwi eh?"

"Talaga Kuya?" Tinignan ko siya.

Tinanggal niya ang mga luha sa aking mata. "Oo. Wag ka na umiyak. Pumasok ka na nga dito sa loob." Tumuloy na kaming dalawa.

"Sino ba yang kausap mo Kuya?" Lumabas sa kwarto niya si Ate Vanessa. Nagulat siya ng makita ako at tumakbo papunta sa akin. Halos di na rin ako makahinga sa higpit ng pagkaikot sa akin ng mga braso niya. "Dapat sinabihan mo kaming uuwi ka ngayon. Alas dos na ng umaga oh!"

"Nandito na pala si bunso..." pansin ng Kuya Marvin. Nilapitan ko siya at binigyan din ng yakap. "Namiss kita, Alec..."

"Namiss din kita Kuya..." balik ko.

"Oh bukas na ang family reunion. Vanessa. Isama mo na sa kwarto niya si Alec. Pagpahingahin mo na. Marvin, ikaw na magpasok sa gamit ng bata. Babalik na ako sa pagtulog." utos niya. Nasa tapat na ng kwarto niya si Kuya Alfred nang may idagdag. "Nga pala. Dahil matagal ka ring nawala Alec. Kailangan mong bumawi sa akin ha?"

Tumango na lang ako at ngumiti.

Dumami ang mga gamit sa loob. Natatandaan ko pa ang ibaba. Itinago na iyon sa bodega dati. Bakit nilabas nanaman ngayon?

Tinungo ko na ang sarili kong kwarto kasunod ni Ate Vanessa. Sumunod din si Kuya Marvin, dala ang mga gamit ko.

Nakapagitna ako sa kanila at tabi tabi kaming talo nahiga sa kama. Lahat nakatitig sa kisame. Nakakabinging katahimikan ang sumunod. Ano kayang tumatakbo sa isipan nilang dalawa? Binasag ni Ate ang katahimikan ng mag tanong siya.

"Siguro masaya yung bakasyon mo kaya hindi ka sumasagot sa mga tawag at texts ko noh?"

Uminiling ako. "50-50, Ate. Minsan natitiyempong nagkakatuwaan kami kaya ganun. Minsan naman kumakain o kaya tulog ako."

"Sumaya ka naman ba doon?" tanong ni Kuya Marvin.

"Pansamantalang kaligayahan lang po ang nakita ko. Ngayon tumatawa ka, mapapikit ka lang, umiiyak ka nanaman." sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Lumingon sa akin si Ate Vanessa. "May nangyari ba?"

Magsisinungaling sana ako na ayos lang ang lahat. Kaso hindi na kinakaya pa ng mga mata ko ang bigat ng mga luha. Maganda kung ilalahad ko na ang katotohanan.

"Nakipaghalikan si Luke sa isa sa mga naging kaibigan namin sa baryo na pinuntahan." halos bulong kong sagot.

Napaupo silang dalawa. Nalilito, gulat, nagagalit. Mahirap tukuyin ang ekspresyon nilang dalawa. Habang ako... Tuloy lang sa paglalabas ng sama ng loob sa pag-iyak.

Pinaputok ni Kuya Marvin ang mga kamao niya. "Gagong 'yun. Humanda siya sa akin kapag naki—"

"Shhh. Sandali muna!" pagputol ni Ate Vanessa sa sinasabi niya. "Bakit nagkaganun naman? Akala ko bang may pagtingin sa iyo si Luke?"

"Sinabi ko ba sa inyong may pagtingin siya sa akin? Naku. Nag-aassume nanaman ako..." Natawa ako sa ibinulalas ko. Ambisyoso. Ts.

"Baka naman hindi niya inaasahan na hahalikan siya..." isip ni Ate.

Ngumiti ako. "Eh kung hindi niya nga inaasahan, bakit idiniin niya pa ang nguso niya sa higad na iyon? Di ko inaasahang nilipat na pala ang Makati sa Barrio Puswan..."

Inalis ni Kuya Marvin ang luhang tutulo sana sa gilid ng mata ko. "Bunso, umamin ka nga... Kayo na ba ni Luke?"

Pinanlakihan ko siya ng mata sa gulat at umiling. Napasobra ata, mukha akong defensive.

Itinupi ni Kuya ang mga braso niya sa may dibdib at inayos ang upo, indian seat. "Pero mahal mo siya?"

Mahal ko ba siya kung napako na sa isip ko ang mukha niya? Mahal ko ba siya kung naaamoy ko siya saan man ako pumunta? Mahal ko ba siya kung nagiging kumpleto lang ang araw ko sa tuwing makakasama ko siya?

"Oo, Kuya... Kahit na wala kaming official relationship status. Kahit na sinaktan niya ako. Kahit na nagpakatanga ako sa kanya. Mahal ko siya... Kahit napaka sakit na..." Iilan lang ang mga iyon sa mga salitang nais kong ipagkalandakan kay Luke. Nagdadalawang isip ako kung dapat pa ba...

"First heart ache. Unang beses na makatikim ka ng totoong sakit sa damdamin." ani Ate Vanessa. "Nag-usap na ba kayo? Pinag-usapan niyo na ba?"

"Di pa po..." tipid kong sagot.

"Kailangan niyong linawin ang lahat sa isa't isa. Wag kayo basta basta magdedesisyon ng walang paglilinaw." payo ni Ate Vanessa. "Paano kung kayo na pala ang meant-to-be pero nasira ang lahat nang dahil lang sa isang maliit lang na pagkakamali na hindi agad inayos? Kung hahayaan mong ganun ang maging endig ng story niyo, mawawalan din ng saysay ang fairytale mo..."

"Alec... Sa pag-ibig, dalawa kayong nagtutulungan. Dalawa kayong nagpapakahirap para mapatagal ang relasyon niyo. Magkasama kayo sa lahat ng bagay mapa-maganda o pangit na kaganapan pa ang mayroon. Sa pagbagsak ng isa, sasagip ang kapareha para itayo siya muli. Give and take din 'yan. Kung anong effort ng isa ay siya ding pagod ng kasama niya..." Ibang Kuya Marvin ang nagbibigay payo sa akin ngayon. Nawala pansamantala ang matapang at matigas na siya.

"Yung apo ng pagmamahalan niyo – kung meron man, huwag niyo hayaang mamatay at manlamig kayong parehas." dagdag ni Ate. "May hangin man na pilit umiihip at pumapatay doon, humanap kayo ng gasolinang magpapalakas at bubuhay sa apoy niyo ng tuloy tuloy."

"Wag lang darating sa puntong mawawalan na ng direksyon ang apoy niyo. Maaari kayong makasira at makasakit ng iba... Lahat ng bagay may hangganan. Hangganan na boundaries at hangganan na katapusan. Kapag palagay mo, di mo na kaya o kaya ayaw mo na... Libre lang naman magpahinga sandali..." tuloy ni Kuya Marvin.

Kinuha ni Ate Vanessa ang kamay ko. "Tumutulong kami ngayon kasi gusto naming sumaya ka. Sana naman gawin mo lahat ng makakaya mo para hindi masayang at maging worth it ang tulong namin sa 'y, Alec... Mag-usap kayong dalawa..."

"Kakausapin ko siya..." sambit ko. "Sa ibang araw at oras nga lang. Kapag wala na akong sakit na iniinda pa..."

----------

A/N: Hirap magdrama, pwe. Hahaha! Busit na wifi! May problema sa connection. Di tuloy ako makapag-update ng maayos! :( Nvrmnd. Pa-vote ha? More updates every Saturday or Sunday or kung kailan man ako available. Mwa, mwa! xoxo~

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon