Chapter 3: The Ice Wizard

6.1K 176 5
                                    

Prince Konor's POV

7 hours before...

Nakaalis na yung masungit na babae na hinarang ko kanina. Aw! Ang tanga ko! May tutulong na nga dapat sakin pinakawalan ko pa! Saka nagulat din ako, yung lenggwahe kasi namin ganun din sa dito.

No choice! Ayokong maggala sa mundong 'to. Hindi ko alam kung anung pwedeng mangyare saken so better be safe. Siguro naman dadaan pa ulit 'yung masunget na yun, papasok daw siya ng school eh so dito dapat ang daan niya pauwi. Ok , iintayin ko nalang.

Luminga linga ako sa paligid. May isang puno ng Neembark tree na sobrang laki ng mga sanga ang tumutubo sa loob ng isang fence sa gilid ng daan. Nakahiwalay ito sa daan pero naka-patagilid yung puno kaya parang wala ring silbi yung fence dahil mababa yung mga sanga at kayang kaya pang akyatin ng isang batang maliit.

Lumapit ako sa fence at tumingkayad para sumilip sa loob ng fence. Parang isa itong park. May fountain at may mga benches, may mga swing at parang tents na may bintana sa harap na may mga nakasabit na makukulay na package. Pero ang tao lang ay isang lalaki na mas gwapo pa ako at isang babae na may hawak na balloons. Nag de-date pa eh ang init init na nga. Sa tantsya ko mga 36 degrees ang temperature. Oha? Nakalunok kasi ako ng Mercury nung bata ako. Hehe. Joke. Masyadong sensitive yung balat ko sa init kaya alam ko ang temperatura base sa pakiramdam ko.

Ha'ay. Hindi ko naman siguro maiistorbo yung nagde-date na yon. Okay gotta to this!

Sumampa ako sa fence at inabot yung mababang sanga ng Neembark tree. Okay, bwelo--- Hinatak ko yung sanga at umakyat sa fence ng tuluyan. Hindi ko alam pero nahagip ng paningin ko yung dalawang nagde-date na nakanganga at nakawala yung lobo sa kamay ng babae ng makita ako… Paalala po: wag niyo pong gagayahin ang ginagawa ko, tanging mga eksperto lamang este gwapo lamang ang nakakagawa nito. Haha.

Kumapit ulit ako sa medyo mataas na sanga ng puno. Oops! Magaganda at malalaki yung sanga , pwedeng humiga. Pumwesto ako sa parteng kita yung mga dadaan. Just in case bumalik yung hinarang ko kanina. I'll wait here.

~~~

Pitong oras na! Wala pa rin! Pero ano pa bang pamimilian 'ko? Mag intay lang. Kaya kahit na nabulok na ko dito, kaylangan kong habaan ang pasensya. Inip na talaga ko, pumitas ako ng dahon at nagpunit punit ng iba ibang shape, binilang ko kung ilang ibok ang dadaan sa loob ng isang minuto, sinubukan ko rin silang kausapin. Hindi ako baliw. Epekto lang ng panahon to.

Haay, nasan na b---

Hiyess! Andito na siya! Naglalakad mag-isa! Okay this is it. Inayos ko muna yung famous snow-colored na buhok, extra credit din 'to. Huminga ako ng malalim at---

Booogsh! Ganun yung tunog matapos akong lumundag pababa ng puno at mala ninja ang pagbagsak sa harap niya. 

Halatang nagulat pa siya dahil may gwapong lumitaw sa harap niya. Akala niya siguro nahulog ako mula sa langit. Aist! Buhay talaga.

''Ikaw nanaman!'' Halatang naaasar na parang kinakabahan na sabi niya. Mukha ba kong masamang nilalang? Aw! Makapagsalita naman 'to oh. Pero hayaan na, may kaylangan ako.

''Anu ba kasing kaylangan mo ha?'' Medyo pasigaw na sabi niya. Ayun, buti naitanong niya.

''I need help.'' Mahinang sabi ko habang pinapagpag yung maganda kong costume.

Nilagpasan lang niya ko at hindi ako pinansin. Tss! Dedma. Hinabol ko siya syempre.

''Oy saglet!'' Naabutan ko siya pero binilisan pa niya ang paglalakad.

''Sa iba ka manghingi ng tulong!''

''Pero ikaw pa lang kilala ko.''
Kasabay ko na siyang maglakad at naglalakad ako ng patagilid, sa kanya ako nakaharap.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon