Chapter 15: Inside the Palace

2.1K 59 0
                                    

Pumasok na kami sa double doors na kusang bumukas.

Isang napakalawak na hall ang bumungad sakin.

Carpeted.
High ceiling with incredible chandeliers.
Golden walls.
Tall stained-glass windows with curtains made of expensive fabric.

Hindi ito ang ine-expect ko. Sa gilid ng mga walls ay mga mahahabang upuan na may mga napakagagandang tela. Sa harapan ng hall, sa pinakadulo ay isang elevated platform na may mga upuan na mas magaganda pa kesa sa mga nasa gilid ng dingding.

Maliwanag ang hall dahil sa napakatataas na bintana, at dahil na rin sa fact na nasa sky itong palasyo.

Kaunti lang ang mga estudyante. Sa gilid ng platform, sa dingding, may dalawang malaking pintuan. Yun lang ang nakikita kong pintuan na pwede pang pasukan para maggala sa palasyo.

''Tara na. Sa ngayon mag be-breakfast muna sila sa cafeteria. We take the left door.''

At hinatak na niya ko papunta sa door. Nakaka-shame namang tapakan itong carpet. I almost tiptoed.

''Stop that. Dirt-proof yan.'' Sabi ni
Henry.

Halos matagal din naming ni-cross yung napakalawak na hall. Ang tahimik lang, maliban sa mga ibon sa mga itaas ng bintana na nakakarelax yung pagtweet-tweet.

Pagkabukas ng pinto, isang malaking malaking room nanaman at may apat na staircase ang nakita ko papunta sa parang third floor at may mga pintuan sa first floor.

Hinatak ako ni Henry sa may isang staircase na papunta sa kanan.

Halos mangawit ako sa kakaakyat dun. Pagkaakyat namin, nakita ko ang isang malaking sign sa pinto na may mga guhit na kulot kulot at kulay blue. May nakasulat sa baba. ''Chamber of the Morphians.''

''Henry, anu yung Morphians?'' Tanong ko sa kanya.

''Mga wizards at sorcerers na tubig ang main element.'' Paliwanag niya.

''Eh, dito ka ba?'' Tanung ko.

''Oo. Dati dito ako.'' Sagot naman niya.

''Eh diba ice ka? Di ka naman water?''

Natigil siya saglit.

''Considered na din yun.'' saka siya pumasok.

Isang malaking room nanaman ang bumungad samin. This time parang may apat na floor ang parte na to at kita sa taas ang sunlight na nagmumula sa transparent na bubong.

Sa isang floor ay may railings na may nakasulat na 'pre-school'. Sa pangalawa ay 'elementary' tapos 'high' and then 'college'

Inakyat namin ni Henry ang fourth floor. At pumasok sa may isang pinto. Isa iyong corridor. Wala na bang katapusan to?

Sa masikip na corridor ay may mga pinto sa gilid at sa dulo ay bintana lang. Yeah may katapusan na rin.

Nagpunta kami sa pinakadulong pinto. May binulong si Henry sa doorknob at bumukas iyon.

Isang kwarto! Pang isahan lang pero may malaking kama!

Agad akong tumakbo don. At--

''Weee!'' Lumundag ako sa kama at naramdaman ko ang pag bounce nito.

''Mag ligo ka muna. Yun yung banyo.'' sabay turo niya sa may maliit na pinto dun sa dulo ng kwarto.

Inamoy ko ang manggas ko. Amoy halo-halong dumi na. Akk!

Agad naman akong natanggal ng sapatos at nilapag ko sa kama ang slingbag ko na nakasurvive sa paglalakbay namin.

Nagpunta na ko sa c.r. gawa sa marble ang sahig at amoy na amoy ang mga gamit panghugas. Amoy floral.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon