''Ha?'' Nagulat ako. Seryoso? Pero panu?
''I'll explain.''
''Pero, seryoso ka ba?'' Hindi pa rin ako makapaniwala.
Hindi siya nagsilata. Nakatingin lang siya sakin. And then, bet ang tanga ko? Kelan pa nga ba kasi nagbiro si Adriel?
''Uhm, go ahead.'' Sabi ko. Ay ang tanga ko talaga kaasar.
''Stepbrother. Sa ama.'' Sabi niya ng seryoso.
Nagulat nanaman ako.
''So, Prinsipe ka rin?!''
''No, my mother is a warrior. Si Henry, siya ang prinsipe, reyna ang mama niya.''
Hinayaan ko munang magloading yung mga sinabi niya. Ganun ba kasama si King Herion? Para maghanap ng asawa tapos iiwan niya ang mga anak?
''Sikreto ang ginawa nila, at ng magka-anak sila, ako, iniwan ni Herion si Mama, dahil natatakot siyang malaman ng buong kaharian na nagkaanak siya sa isang ordinaryong babae.''
Parehas pala sila ni Henry, parehas na tinalikuran ng ama nila.
''Tapos, nag-asawa agad ang tang*nang Herion na yon. Si Queen Aerielle, at nag ka anak sila, si Henry.'' Pagpapatuloy niya.
''Nang lumaki ako, nalaman ko ang tungkol sa kanya, at nalaman ko din na pinaalis siya sa palasyo. Hinanap ko siya dito, for 3 years, wala akong nakitang trace ng kahit anung yelo dito, that's why I came to Earth. At dun, nakilala ko kayo. Napagdesisyunan ko na don nalang tumira. Halos siyam na taon, at ngayon nalaman kong si Henry ang kapatid ko, but he wouldn't listen to me. Kahit anung pilit ko, at ngayon galit siya sakin. Kaya sinabi kong hindi ko siya pinagkakatiwalaan, dahil na se-sense ko ang kapangyarihan niya--at yung ang nararamdaman kong may kakaiba sa kanya.''
Nakinig lang ako, nang huminto siya ay saka ako nagsalita.
''Are you giving up?''
Tumingin muna siya sakin, at saka siya tumango.
''Why? Adriel, 9 years kang naghanap, nakita mo na siya, malapit na, bakit ka pa susuko?'' Hinawakan ko siya sa balikat.
''He wouldn't listen to me.'' Bulong niya.
''Patience. Siyempre sa una hindi din siya maniniwala, pero---''
''Favor.''
Napatigil ako.
''What?''
''Will you tell it to him? For me?''
Nag-isip ako saglet. Hindi pwedeng masayang lang ang pinaghirapan niya. Bakit ba ako na lang lagi nadadamay? Pero kaylangan gawin to.
''Okay, I'll explain it to him, at hindi ako titigil hanggat hindi siya naniniwala.'' Pag-aassure ko.
''Thanks.'' Nagulat ako ng yakapin niya ko. At mas lalo akong nagulat ng bumukas ang pinto.
''Jess?'' si Henry!
''I think I should go.'' Sabi ni Adriel, humiwalay na siya at naglakad palabas.
Masama ang tingin sakin ni Henry. Nang sumara ang pinto ay saka siya lumapit sakin.
''I'm sorry.'' Sabi niya.
''For what?''
''Hindi kita naipagtanggol, Jess.'' Nakayuko siya ng bahagya at seryoso.
''Hey, hindi ka dapat mag sorry, tinulungan naman ako ni Adriel----''
''Okay. Lalabas lang ako saglet.'' Tumayo siya at lumabas. Problema nun?
Maya maya ay dumating na ang nurse. May dala dala siya parang potion sa may maliit na flask. Kulay green yung potion na parang may red.
''Hibiscus extract, drink this at gagaling na ang sprain mo.'' Sabay abot niya ng flask sakin.
Tinignan ko muna iyon, at saka ko ininom.
''Makakaramdam ka ng antok a few minutes after drinking this, magpahinga ka muna.'' At kinuha niya yung flask sakin at umalis.
At sure enough, nakaramdam ako ng antok. Nahiga ako at natulog.
----
Nakabalik na ko kanina pa, at nandito na ko sa kwarto at nakahiga habang nag-iisip.Si Adriel at si Henry ay magkapatid. Bakit napaka-opposite nila? Isang makulit, inosente, isip-bata at maingay na si Henry, at isang tahimik,seryoso, matalino at mature na mature na si Adriel. What's more, si Adriel ay mahilig sa black at red, si Henry naman sa blue and white. At ang pinaka opposite sa kanila, si Adriel ay fire, at si Henry naman ay ice. Bakit ganun? Pero di bale, mukhang mas maganda pa ang combi nilang dalawa, dahil ang wala sa isa ay nasa isa. Si Henry ay meron na wala si Ad, at si Ad naman ay meron na wala naman si Henry. Oh di maganda, para pag pinagsama sila kumpleto.
Pero ayaw makinig ni Henry. Pabebe eh. Joke. Nauuna kasi sa kanya yung galit niya kay Ad.
Pero kaylangan talaga niyang malaman. Para din naman sa kanila toh eh.
Kaylangan kong i-explain lahat ng sinabi ni Ad dahil alam ko naman na kahit ilang ulit niya subukan ay walang mangyayari kung ayaw talagang makinig ni
Henry.And speaking of Henry, kanina ko pa siya hindi nakikita. Simula nung umalis siya sa clinic.
Haay...
---
Third Person.
(Speaking in their language)''Master Toar, naguguluhan ako, bakit---parang may koneksiyon ang Scorcher sa Ice master.''
''What is it? Baldar?''
''Master, parang---hmmm. Hindi ko maintindihan.''
''Bakit hindi ka tumawag ng Elven Elder? Hindi ba't mga oracle sila?''
''Master, ang pinakamatanda at pinakamatalino ay pinadala niyo para hanapin ang ice master hindi ba?''
''Isa lang ang paraan Baldar.''
''Yes master, susundan ko ang mga Elders.''
---
Jess' POVBakit may kakaiba kong nararamdaman? Danger?
Weird. May naramdaman akong matigas na bagay sa likuran ko.
Bumangon ako at tiningnan iyon. Libro. Eh kanina pa ko nakahiga ngayon ko lang naramdaman. Pinulot ko iyon at pinagpag ang cover.
Gawa sa brown leather at may gold lining. Parang ancient.
Tiningnan ko ang title.
''The Powers of the Mystics.''
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...