Jess' POV
''Stay away from him...Henry.''
Nag pe-play iyong sinabi ni Adriel sa utak ko habang nakatingin ako sa white ceiling ng kwarto ko. Katabi ko si Kaye na natutulog na. Nasa lapag sina Gen at Karen na naglatag ng ilang layer ng comforter at natutulog sa sleeping bags nila.
Hindi ako inaantok sa slumber party na 'to. Nasa kabilang kwarto ang mga boys, sa kwarto ni Kurt. Si Kurt sa kwarto ni Papa natulog. Almost 2 am na, at kakatulog lang nila kaninang 1 am.
Wala si Henry. Nasa work niya. Pero ang alam ko hanggang 12 midnight lang siya. Uuwi din daw agad siya para makasali sa slumber party pero wala pa rin.
Nawe-weirduhan talaga ako kay Adriel. Bakit naman niya ko pinapalayo kay Henry?
Pero si Ad, napaka misteryoso dahil tahimik siya, hindi mo malaman kung anong iniisip. Lahat din ng sinasabi niya dumadaan muna sa utak niya. Lahat may sense, kaya medyo nataranta ko nung sinabi niya 'yon.Pero I'm certain, matapos niya kong titigan pagkasabi niya 'non, isa lang ang nakita ko sa mga mata niya: HURT
Ayokong mag-assume, pero sigurado ako roon. Pinapalayo niya ba ako kay Henry dahil---dahil nasasaktan siya? Close kami ni Henry, at isa ba 'yon sa mga dahilan?
Hay, inaamin kong attracted din ako kay Ad. Natuwa ako ng ipagtanggol niya ko kay Xander, nang makitang concern siya sakin. Pero ayoko talagang mag assume, na nagseselos siya kay Henry...
Napahawak ako sa noo ko. Nakaramdam ako ng uhaw at nagdesisyong pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom.
Pababa na ako ng stairs ng may mapansin ako sa kusina. I stopped of course. May nakatayo don, nakatanaw sa bukas na bintana. At first I thought it was Ad. Pero nong lumapit ako, si Henry iyon.
''Oh? Andito ka na pala. Sa backdoor ka nagdaan? Di ko narinig.'' Sunod sunod na sabi ko. Tahimik lang siya.
Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig sa pitchel. Sumandal ako sa pader at ininom ang tubig sa baso.
Nice talking. Di namansin eh. Nilapag ko na yung baso at nagsimulang maglakad pabalik ng kwarto.
''Jess.'' Mahinang sabi ni Henry. Nakatalikod pa rin siya. Napahinto naman ako at lumingon sa kanya.
''Jess.''
''Oh?'' Tanong ko na medyo nairita. Bakit ba ang weird ng kinikilos niya?
''Gano katagal mong kilala si Adriel?'' Tanong niya, nakatalikod pa rin.
''Matagal na, bakit?'' tanong ko. Anu bang meron sa kanilang dalawa?
''Sumasama ka ba sa kanya?'' Tanong ulit niya.
''Ou naman. Bakit ba?''
Hindi muna siya umimik. Naramdaman kong nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya oh hindi.
Finally nagsalita din siya.''May gusto ka ba sa kanya?''
Natameme ako sa sinabi ni Henry at naplunok ako. Anu bang klaseng tanong yan? Bakit ba ganito siya ngayon?
''B-bakit?'' Tanong ko. Tumingin siya sakin. Ilang minuto ang nakalipas, at nilagpasan niya ko at dumiretso sa hagdanan.
----
''Uh yun ba? Forget that.'' sagot ni Henry.Tinanong ko siya about dun sa sinabi niya sakin kagabi. Parang wala lang sa kanya. Napaka-weird na mukhang ewan.
''Bakit nga? Sabihin mo na nga.'' Pilit ko sa kanya. Sukat ba namang itanong sakin yun. Di pa ko maka-move on siyempre.
''Ala nga.''
''Henry! Uupakan na kita.'' Asar na sabi ko. Hindi niya 'ko pinansin. Nakaupo lang siya sa sofa dito sa sala namin at nakaharap sa TV.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...