Asan na si Henry? Huhuhu! T.T
Baka mamaya may lumabas na halimaw dito! Hindi manlang kasi nagpapaalam na aalis! Nakakaasar talaga yung lalakeng yon!
Naglakad lakad ako, pero napagdesisyanan ko na bumalik na lang sa dati kong pwesto dahil baka bumalik din agad si Henry.
Naupo ako sa damuhan at pinagmasdan ang sunset.
''Hoy! Pwede bang mag-ingat ka sa susunod! Muntik na kong madurog sayo!'' Isang maliit na boses ang nagsabi non.
Nagulat ako at luminga linga sa paligid. Bigla akong kinilabutan.
''Ay nako naman. Dito sa baba mo! Kaya pala hindi mo ko makita eh!'' Ang maliit at matinis na boses ulit.
Tumingin ako sa baba. Napatakip ako sa bibig ko.
Isang Gnome! Isang kulay green na Gnome! Hindi ako nakakibo agad.
''Pwede mag-iingat ka na sa susunod? Muntik mo na kong mapatay!'' Galit na sabi niya.
''Mapatay.''
''Mapatay.''
''Mapatay!''
Napaatras ako ng konti. Biglang nagsisulputan ang napakaraming gnome! At pag nag pop ang isa, magsasabi ito ng 'mapatay'.
''Ang dami niyo!'' Gulat na sabi ko.
''Dami niyo!''
''Dami niyo!''
''Dami niyo.''
Ginaya nila ko at pati ang expression ko. Ang cu-cute nila! Nakapila pila sila at nakaharap sakin!
Feeling ko tuloy, isa akong reyna na namumuno sa kanila.
''Okay, a green gnome's gotta do what a green gnome's gotta do!'' Sigaw nung gnome na muntik ko na daw mapatay. Siya ata ang leader. At may motto pa talaga siya?
Humarap sila ng sabay-sabay sa papalubog na araw.
Nakataas ang mga kamay nila at may hawak silang mga pouch na bilog na bilog. Nakabukas ang pouch at nakatutok ang opening ng pouch sa araw na kalahati nalang.
Parang may gusto silang makuha sa araw at pumasok sa butas ng mga pouch na dala nila.
''10, 9, 2, 4.'' Nagsimulang mag countdown ang leader. Countdown? Mali eh.
''5, 6, 7, 8, 1!! Catch the sunset!'' Sabay sabay nilang isinara ang pouch nila at sinara iyon sabay ng pagkalubog ng araw.
Nagliwanag yung mga pouch nila.
Bigla nalang may lumipad na mga fairies mula sa mga damuhan. Lumipad sila papunta sa mga gnomes. Dusts were falling from their wings.
The gnomes opened their pouch wide and catched the dusts from the fairies.
Nagulat ako ng biglang may unti unting lumutang papalabas ng mga pouch nila. Mga malalaking glowing white Orbs!
Unti unting lumutang ang mga orbs at napalibutan ako ng mga iyon.
Napuno ng mga circle na spots ang buong paligid dahil sa liwanag ng orbs.
''Whoa!'' Yun nalang ang nasabi ko habang pinagmamasdan ang mga orbs.
''Okay, G double O, D-J-O-B Good job gnomes!'' Nag salute ng mga gnomes sa leader nila at bigla nalang silang nawala.
''Jess!''
Lumingon ako at nakita kong papalapit sakin si Henry.
''Sunlight Orbs, paputukin mo sila.'' Sabi niya ng nasa gilid ko na siya.
''Huh?''
Ngumiti lang siya.
I stretched my hand and touched an orb. It bursted into smaller pieces of orbs! This time may kulay na sila! Ang ganda!
Nagpaputok din si Henry ng isa.
''They're Twilight orbs. Hinuhuli ng mga gnomes ang sinag ng araw kapag twilight at kinukulong nila sa mga orbs na ginagawa nila. Para to sa mga hayop na nakakagawa ng bioluminescence. Pagkain nila to.'' Paliwanag ni Henry habang pinapaputok ang mga orbs.
''Also, nagiging iba ibang kulay sila pag pinapaputok dahil maraming portions ang white light. Anu nga ulit yun? ROYGBIV?'' Pagpapatuloy nila.
''Oo. Matalino ka naman pala eh.''
''Hindi nga. Related kasi toh sa mga machines na ginagawa ko. Kaya alam ko.'' Paliwanag niya.
Nahiga na siya sa damuhan at ini-unan niya yung mga kamay niya.
Naupo nalang ako sa tabi niya habang pinagmamasdan pa rin ang mga orbs.
May mga insekto na lumalapit sa orbs at parang kinakain nila ito, at bigla na lang silang mag go-glow at mare-realize kong alitaptap pala sila.
Nakita ko rin na papaangat na yung buwan sa east. Full moon. At kumpara sa buwan sa Earth, parang mas malaki at mas malapit ang buwan dito. Mga 10 times bigger. At pag nasa pinaka taas na ang buwan ay kulay silver ito. Pag papalubog, kulay gold at pagpapataas ay kulay white. Minsan yellow.
''Ah ou nga pala.'' May dinukot si Henry sa bulsa ng vest niya. Isang gold apple at ibinigay niya yun sakin.
Kinuha ko iyon at-
CRrrrUNcH!
Ang sarap at juicy pa! ^_^.
''Hindi naman siguro tayo magkakati sa damo?'' Tanung ko kay Henry.
Umupo siya at tinanggal niya yung cape niya saka iyon ni-spread sa damuhan.
Tinaas niya yung kamay niya at bigla nalang nagkaroon ng shield sa paligid namin. Para kaming nasa loob ng isang upturned bowl.
''We're safe here. Matulog na tayo.''
Nahiga na siya sa cape niya at pumikit. Inubos ko muna yung apple bago humiga sa gilid niya.
Malambot yung damo sa ilalim na nagka-crunch sa bawat galaw ko. Pumikit na ko at natulog.
-----
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...