''Ayoko!''
Pinipilit ako ni Henry na lumapit sa isang panget na dragon at sumakay daw ako dun.
Nagising ang mga natutulog na dragon at inalog ang mga katawan nila at ni-test ang mga pakpak nila.
Nakakatakot sila. Ganun sila sa mga nakikita ko sa t.v. Rough,scaly skin with several thorns.
Huge, cat-like eyes, wide nostrils and huge mouth with fangs and sharp teeth.
Malaki ang mga bat-like wings nila at mala crocodile na mga binti. Except that they were longer.
May mga buntot sila na may mga palikpik na parang pamaypay sa dulo.
''Jess, sige gusto mong maglakad mas marami tayong halimaw na makikita.'' Asar na asar na si Henry.
''Eh, ayoko nga!''
Binawi niya yung kapa niya at sinuot niya iyon saka lumapit sa isang nakahigang dragon may blue na pattern.
''Sasakay ka o magpapaiwan ka?'' Asar na asar na siya at sumampa na siya sa dragon. Bumangon na ang dragon at nagstretch ng pakpak.
Sobrang natatakot na talaga ako at naaasar na si Henry sakin. Tumingin lang ako sa mga dragon. Masayado silang nakakatakot.
Naramdaman ko nalang na may tumutulong luha sa mata ko. Takte! Anu ba yan napakaarte ko! Nakakaasar!
Pero kahit na! Hindi ko talaga kayang sumakay sa dragon na yan at hindi naman pwedeng mag stay si Henry. No choice.
''Huy, ba't ka umiiyak?'' Parang nataranta siya at bumaba siya sa likuran ng dragon at lumapit sakin.
''Ayokong sumakay. Nakakatakot.'' Sabi ko habang nagpapahid ng luha.
''Fruit-eaters yan. Saka once na sumakay ka, gagawin lang niya yung gusto mo.'' Paliwanag niya habang nakahawak sa balikat ko.
Takte! Bat ba ko umiyak! Tsk! Pakaarte mo Jess!
''Pero-- baka anung mangyari.''
''Ako kasi bahala sayo.'' Sabi ni Henry sa comforting na boses.
''Okay.''
Lumapit na si Henry sa dragon na sinakyan niya kanina. Sinundan ko siya.
''Pili ka ng iba. Hindi pwedeng dalawa ang sasakay sa isang dragon. They're Neurodragons, at kokontrolin mo sila gamit ang utak mo. Pag dalawa ang sumakay sa isang dragon mawawalan siya ng kontrol. You get it?''
Tumango nalang ako at dahan dahang lumapit sa isang dragon na nakahiga. May mga green pattern siya sa katawan.
Tinitigan ko muna ito at huminga ng malalim.
Naramdaman ko si Henry sa likuran ko.
''Sa tagiliran ka niya sumampa.'' Payo niya.
Lumapit ako sa dragon at hinawakan ko ang malamig niyang balat. Wala lang reaksyon.
Sumampa ako sa likuran ng dragon. Whoa! Yuck! Ang lamig ng burog burog niyang likuran!
Sumakay na si Henry sa blue na dragon.
''Basta, isipin mo lang ang gusto mong gawin niya. Kunwari, isipin mong 'Lipad' sus-- WHoa whoa!''
Biglang lumipad yung dragon ni
Henry at muntik na siyang ma out-of-balance.Natawa ako ng bahagya. Haha. Bumaba ulit yung dragon niya.
''See that?''
Tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...