Jess POV
''Dalian mo. Magsisimula na.'' Pagmamadali sakin ni Henry.
''Sigurado ka ba dito?'' Parang ganito din yung tanung niya sakin nung inenroll ko siya sa University namin noh?
'Eto na eto na.'' Sabi ko habang binubutones ang robe. Kumuha ko ng pental pen sa bag at initiman yung pangalan sa robe. Binulsa ko na yung wand ko.
Mukha akong mangkukulam sa pointed hat ko.
Tinignan muna ni Henry ang hitsura ko bago lumabas. Sumunod ako of course. Naglakad kami sa corridor na marami na ring nagigisingan na mga studyante.
Halos mapuno na ang corridors.
Lahat ng madadaanan namin ay nagba-bow kay Henry. Wala lang naman sa kanya. Nakakahiya nga dahil nakabuntot ako sa kanya eh tapos nag ba-bow sila.
Dumaan kami sa may malaking malaking hall na may apat na staircase. Dito ata yung center ng Chambers ng apat na section. Ang Morphian (water), Fladran (fire), Ephipyres (air) at Terrestians (Nature).
Halos punong-puno ng mga estudyante ang hall na to. Lumabas pa kami ni Henry at nagpunta sa may Main Hall. Marami ng estudyante ang nag o-occupy ng mga upuan.
Hinatak ako ni Henry sa mga upuan na yon, yung mga nasa gilid ng walls. May lumapit samin na isang matandang wizard. teacher siguro.
''Mahal na prinsipe, since nakabalik naman na po kayo, maaari niyo na pong i-occupy ang Royal chair sa harap---''
''Ayoko!'' Sagot ni Henry.
Nag-bow ang matanda at umalis.
Sinamaan ko ulit ng tingin si Henry.''Bakit ganun ka sumagot?''
''Ka-plastikan lang yang paggalang na ipinapakita nila. At isa pa hindi ako prinsipe dahil----''
Hinihintay ko yung itutuloy niya.
''--dahil hindi ko ama ang walang kwentang Herion na yon.''
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi niya ginagalang yung hari nila.
''Upo ka na. Morning prayer.'' Sabi pa niya at tabi kaming umupo.
Pansin ko na natatakot yung isang babae kabilang side niya. Nakita ko yung name niya sa sleeve. Cranier Dhellrow.
Tiningnan ko siya at nginitian ko siya.
''Wag kang matakot dito, di naman siya nangangain.'' Sabi ko dun sa Cranier at tinuro ko pa si Henry.
Tiningnan lang ako ni Henry at tumingin siya dun sa babae.
''Nangangain ako! Ng mga kagaya mo!''
Biglang umusog ng kaunti ang babae at parang takot na takot na.
''Tss. Naniwala naman. Eh anu kayang lasa nun. Hm.'' Asar na asar si Henry.
Tumango lang yung babae at nag-iwas ng tingin.
''Monster ka siguro.'' Sabi ko kay Henry.
Napatigil siya at mukhang nagulat.
''Joke lang.''
Nagsimula ng tumayo ang mga estudyante. Tumayo na din ako. At nagsimula ng mag-pray yung nasa harapan habang tahimik lahat.
Nagtanong ako kay Henry ng matapos ang 'Amen'.
''Sino ang Diyos niyo?''
''Parehas lang din tayo ng Diyos. Sa Earth at dito.''
''Ah...''
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...