Adriel's POV
I patted the dragon's scaly head.
Nandito kami sa itaas ng isang bundok. Nagpapahinga matapos ang ride.
I decided to go to Twilight Grove Academy. Naisip ko kasing baka doon pumunta si Henry para kumuha ng Oakwood Dust para ma-transport sila ni Jess pabalik ng Earth. Yun lang ang naiiisip ko.
Mystic School is still far from here. Kaylangan ko munang malagpasan ang apat na forest.
Ang Linneius, Iregrew, Ninianne at Glacier.
Nalagpasan ko na ang Linneius at dun ko nakuha ang red na dragon na kasama ko ngayon.
Nalagpasan ko na rin ang Iregrew na sa pagkakaalam ko ay tirahan ng mga leprechauns,gremlins at kung anu anong maliliit na nilalang.
Natatanaw ko na ang Ninianne Mountais. At sa harap nito, ang pangatlo, the Ninianne Forest.
Tumingin muna ako saglit sa kabuuan ng tila walang hanggan na forest.
Tinignan ko ang dragon sa gilid ko. Kagaya ng fire wizard costume ko ang mga pattern sa katawan niya. I decided to name him Fuego.
A red and black thornback Neurodragon.
Sumakay na ko sa likod niya. The dragon sighed and flames came out from his wide nostrils.
Lumundag siya sa bangin at nagdive pababa bago ibuka ang pakpak at bumalanse sa ere...
Jess' POV
''Jess, we're near! Nalagpagsan na natin ang Glacier! Malapit na tayo!'' Masayang sabi ni Henry habang nakasakay kami sa isang pegasus at nakakapit ako sa kanya.
Kahapon kami nagpunta ng Iregrew kung saan naroon ang Tinydom at Fairytale Forest. Nag camp kami sa Ninianne Mountais nung gabi. At eto kami, hindi pa sumisikat ang araw eh lumilipad na naman kami papuntang DK. Dandelion Kingdom.
Nakakapit ako sa kanya at nakasubsob sa kapa niya dahil sa lamig ng hangin.
Tumingin ako. Makapal pa ang hamog and it seemed like we were flying above the clouds.
Hindi masyadong kita ang mga puno sa ibaba dahil sa hamog.
Inaantok pa ko at sumubsob ulit ako sa likuran ni Henry.
''Wow! Tingnan mo!'' Epal naman. Kapipikit ko pa lang eh.
Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa paligid. Puro hamog pa din----
Wahh! May mga kasabay kaming ibon! Mga kulay golden na napakagandang mga ibon! Umiilaw sila at parang punong puno ng glitters sa katawan!
May mga nalalaglag na glitters sa balahibo nila at napapalibutan kami nun! Whoa! Bakit ang daming magandang nangyayari dito? First yung falls, then yung jellyfish na umiilaw, then yung sunlight orbs...
Ang ganda talaga.
''Mga Dixiecels.''
Paliwanag ni Henry. Ang ma-mild ng pagkampay nila sa hangin at malalaki sila! Almost ka size ng Garuda! Pero kampante si Henry kaya alam ko harmless sila!
Ilang saglit ko pang pinagmasdan ang mga Dixies. Ang haba pag Dixiecels.
Nagdive na sila pababa at dumukdok na ulit ako--
Hindi ko tinuloy ang pagdukdok ko dahil---
Whoa! Sa isang plataeu o talampas, may isang napakalaking kastilyo! Tama kayo! Isa talagang kastilyo!
Parang sa mga fairytales! Uwah!
May lake sa gilid ng talampas at medyo nababalutan ng hamog ang kastilyo. Making it look as if it was standing above the clouds! Ang ganda ng effect! May village din sa paanan ng talampas.
''Dito muna tayo.''
Naglanding ang kabayo sa may gilid ng forest na nago-overlook sa kabuuan ng palasyo.
So parang ganito, gilid kami ng forest, tas sa harap namin ay bangin, tapos mga isang kilometro mag ra-rise yung bangin at nandun yung plateau at nandun yung castle. So in other words, naka overlook kami sa buong kingdom.
At Wow! As in big wow! Ang ganda talaga ang effect nung fog!
''Bakit tinawag na Dandelion Kingdom?'' Tanung ko, this time wide awake.
Ngumiti lang si Henry at tumingin sakin. Ang cute pala niya. Ngayon ko lang napansin masyado dahil yung buhok at mata lang naman napapansin ko sa kanya eh. Ou na sinabi ko na yun! Cute si Henry!
''Yan talaga yung sagot?'' Tanung ko. Nakangiti pa rin siya.
''Mamaya ko na sasagutin.'' Sabi niya at naupo sa lupa ng nakataas ang kanang tuhod. Nakapatong dun yung kanan siko niya.
''Wow? Kaylangan patagalin? Sayang oras. Sagutin mo na kasi.'' Pilit ko sa kanya.
''Maupo ka.''
''Bakit?''
''Sasagutin ko yung tanung mo.''
''Eh?''
Ngumiti nanaman siya. Kung hindi lang cute yung ngiti niya kanina ko pa siya nasapok.
Naupo ako at nagulat nalang ako ng pumunta siya sa likod ko at tinakpan ang mata ko.
''Huy anu ba? Tigilan---''
''Sssh! May ipapakita ko sayo.'' Bulong niya.
Ilang minuto pa kaming ganun. Hindi naman mahigpit yung pagkakatakip niya. Actually hindi nga sumasaling sa eyelids ko eh.
''Eto na. ''
Marahan niyang binuksan ang pagkakatakip niya sa mata ko.
I blinked twice, thrice, to clear my vision---
''Whoa!''
The sun was peaking at the top of the eastern mountains, flooding the whole kingdom with vivid, golden-yellow light! Just like the color of a dandelion flower!
Medyo nahawi ng konti ang fog pero parang nakatayo pa rin ang castle sa mga ulap. At idagdag mo pa ang sinag ng araw at ang araw mismo! The effect was breathtaking! Ngayon alam ko na!
Nagsimulang kumislap-kislap ang lake. Grabe! Para akong nasa mga movie!
''Nagustuhan mo ba?'' Tanong ni Henry.
''Mukhang wala ng mas gaganda pa dito!'' Nasabi ko nalang.
Tumawa ng mahina si Henry.
Nakita kong may mga lumilipad na pegasus sa harap ng kastilyo at parang nagising na ang buong kingdom.
''Pero may hindi tayo alam..'' sabi ni Henry.
''Anu yun?''
''Ang balak ko lang kasi ay tingnan kung nasakop nga ba ng mga Elves ang palasyo. Oh baka naman natalo nila. Pero---''
''Pero?''
''May kutob akong hindi pa nila natatalo.''
----
Third Person(Speaking in their ewan na language na buti na lang ay ti-nranslate)
''Master Toar. Nandito sila.''
''Sino?''
''Nagbalik ang ice wizard, may kasama siya. Tatlo sila. Mukhang malayo pa ang isa.''
''Anu sa tingin mo?''
''M-master. Mas malakas na ang ice wizard, at may kutob akong nararamdaman ko ang kapangyarihan ng Scorcher Phoenix. Ang isa, ewan ko Master, babae siya at malapit lang sila.''
''You know what to do, Elven Elder.''
''Yes master. Magpapadala na ko ng troops...''
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...