Nakita niya si Jessica na nakatayo sa malayo.
Nagpunta si Jessica sa Great Plain dahil alam niyang matatapos na ang labanan. And she can't wait to see him again.
Pero eto ang nakita niya, si Henry, sugatan, puro dugo, at hinang hina na.
Huminto si Henry sa paglalakad ng makita siya. Nakahawak siya sa kanang balikat niya at umaagos ang dugo niya mula don. Puro dugo din ang noo niya at halos pumutok na ang gilid ng labi niya.
May mga dugong umaagos sa kaliwang dibdib niya na may sugat. At halos hindi na siya makatayo ng tuwid.
Tuluyang napaluha si Jess ng makita niya na hirap na hirap na si Henry at agad siyang tumakbo palapit.
Niyakap niya si Henry ng bahagya. Hindi naman ito tumanggi, pumikit lang siya.
He longed for someone to hug and comfort him kapag nahihirapan na siya. At kahit pa alam niyang ayaw naman talaga ni Jess sa kanya ay hindi pa rin siya tumanggi ng yakapin siya ni Jess, lalo na ngayong ilang minuto na lang ang itatagal niya.''Henry.'' Narinig niyang sabi ni Jess at naramdaman niyang umiiyak ito.
''Bakit?'' sagot niya ng halos pabulong. Hindi niya makayanang kalimutan si Jess.
''Sorry Henry, sorry.'' Narinig niyang sabi ni Jess habang umiiyak.
''It's ok. I know. No one ever liked me. Masyado ko lang sigurong ginusto na magkaroon ng kasama, kaya akala ko ginusto mo ko Jess. Hindi mo kaylangang mag-sorry.''
''Henry, makinig ka muna sakin. Please.''
Humiwalay siya kay Henry para tingnan ito sa mga mata, pero napaluhod si Henry at saka bumagsak sa snow.
The poison is killing him slowly. Kapag kumalat ito sa utak niya ay tuluyan na siyang mamatay. Nanlalabo na ang paningin niya.
''Henry, please. Lumaban ka, may gusto pa kong sabihin sayo.'' Ikinandong ni Jess ang ulo ni Henry at walang siyang tigil sa pagluha.
Alam niya na mamamatay na si Henry dahil sa lason na kumakalat sa katawan niya.
''Henry, naririnig mo ba ko?'' Sabi niya sa pagitan ng paghikbi.
''Oo Jess, naririnig kita.'' Bulong ni Henry at umubo siya at umagos ang dugo sa bibig niya. Tuluyan na siyang nabulag.
''Henry, yung sinabi ko sayo kahapon, hindi totoo iyon. Ginawa ko lang yon para hindi ako maging pabigat sayo dahil alam kong may misyon ka. Please Henry, nagsasabi ako ng totoo.'' Umiiyak pa rin siya.
''Wag mo na kong alalahanin. Bumalik ka na sa Earth, nag-aantay sila para sayo. Ang Papa mo, si Kurt, ang mga kaibigan mo, iwanan mo na ko Jess.'' Bulong ni Henry. Napakagat siya ng maramdaman niya ang pagsakit ng sugat niya sa likuran na dulot ng shield na inihambalos sa kanya ni Toar.
''No, please Henry. Pakinggan mo ko, totoo ang sinasabi ko...''
''Sshh. Naririnig mo ba Jess?'' Ngumiti si Henry.
''Ang alin?'' Pinunasan ni Jess ang luha niya.
''Sila. They're calling me. Hindi mo ba naririnig?''
''Sinong sila?'' Nagtataka si Jess.
''The angels! Sabi nila oras ko na.'' Nakangiti pa rin si Henry.
Unti unting pumatak ang mga luha ni Jess sa narinig niya. The way he smiled reminded her of his innocence. Ang inosenteng si Henry.
Si Henry na laging nakangiti. He had managed to be happy, kahit na napaka sakit ng nakaraan niya. Ang gusto lang niya ay magustuhan siya ng iba. Pero hinusgahan lang siya at tinalikuran.
Hinahayaan lang niya ang iba kahit na nasasaktan na siya. Hindi manlang siya umiimik.
At ang lahat ng masasakit na salitang sinabi ni Jess kay Henry, he just took those words and let them hurt him silently.
''Jess, they say I need to give up at sumama sa kanila.''
Umiyak lang si Jess, and then slowly, he closed his eyes. Naramdaman ni Jess.
He gave up.
He was dead already.
He slowly turned to wisps.
And he was gone...
Forever...
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...