Chapter 19: The Dragon Sorceress

2K 65 0
                                    

Jess' POV

''Sige na nga.'' Sabi ko kay Henry at umalis na siya.

May pupuntahan pa daw kasi siya at hindi na daw niya ko maihahatid. Si Ad naman agad na umalis pagkadismiss ni sir.

Tinanaw ko muna si Henry hanggang makalayo na siya at saka ako naglakad papuntang next class na magsisimula na within 50 minutes.

The corridor is still full of students. Chatting, walking, laughing with each other.

I walked, my eyes fixed on my feet.

''Ow! Tingnan mo nga naman.''

I bumped someone. Nag angat ako ng tingin para mag apologize.

Teka, eto yung Frein Corxle ah? She had company, two bitches!

Sa unang tingin pa lang, alam mo ng mga bully sila.

''Sorry.'' Sabi ko at lalagpasan ko na sana sila, but they blocked my way.

''Who told you na pwede ka ng umalis? Bitch! Anung karapatan mong agawin ang mamahaling robe ko ha?''

Nagtitinginan na ang mga students.

Si Henry naman kasi eh! Sukat ba namang pag suotin ako ng robe na inagaw lang niya.

''I'll return it to you.'' Akmang tatanggalin ko na ang robe ng pigilan niya ko.

''What? Eh isinuot mo na eh! Look, nalagyan na yan nh germs mo oh! Baka masira lang ang kutis ko! Dumb girl!'' She looked at me with disgust.

Eh tengene ka palang hinayupak na babaita ka eh. Forget about manners muna! Na a out of control na ko!

''Ah talaga,'' hinarap ko siya ,'' may germs ba? Hello? Mas bagay pa nga sayo ang germs eh, mukha ka kasing tapeworm! Yan ba ang pinagmamalaking mung kutis? Haha anu yan? Siguro ang gamit mong pang hilod eh steel wool! Gagawa ka ng skandalo eh robe lang? Ang cheap mo! Oh eto oh, isaksak mo sa large intestine mo!'' Hinubad ko yung robe at ibinilot saka ko ibinato sa kanya.

Nag-uusok na yung tenga niya sa galit.

''Ang kapal ng mukha mong babae ka! Anung karatapatan mong lumaban sa prinsesa dito ha?'' She's shouting at the top of her lungs.

''Makapal naman talaga yung mukha ko eh, may layers pa yan, may epidermis, dermis, hypodermis pero ang totoo niyan taba talaga yon. At saka ikaw, prinsesa? My ghad! Buti sana kung contest ng Ms. Ugly2016 maniniwala akong prinsesa ka.''

Parang takure na yung ulo niya na umuusok at nag we-wee sound pa. Overload overload... patay ako . Anu bang ginawa ko? My gad! Bakit ko ba siya pinatulan? Henry Henry help me!T.T

''Girls, alam niyo na.'' Frein commanded her back-ups.

Nagulat ako, they withdrew their wands, and pointed them at me!

''Spithre Metamorphose!'' They said in unison.

White wisps shot out from the tip of their wands and flew straight my direction. I closed my eyes, I don't know what to do.

''Aegis Warde!'' May narinig akong sumigaw sa likuran ko.

Unti unti kong dinilat ang mata ko. May shield na pumrotekta sakin. Hinanap ko ang gumawa ng shield.

''Cedwyn!''

''Jess, mag-ingat ka sa tatlong impakta na to. Sorceress ang isa sa kanila. Ang spell na ginamit nila ay pampa Spider form. Buti nalang hindi ka naging gagamba.''

''Thanks!'' Sabi ko.

''Aba, Cedwyn Arabble. Tingnan natin ang laban mo, youre just an ordinary Ephiphyran laban sa isang Fladran Sorceress.'' Pagmamayabang ni Frein.

Nagalit si Cedwyn.

''Ang ayoko sa lahat ay yung minamaliit ang mga wind controllers.'' Binulsa ni Cedwyn ang wand niya.

And the she pointed her hands on Frein. Biglang humangin ng malakas, at lumutang sa ere si Frein.

Nakita kong nag ready ang mga back ups niya.

''No, I want to teach this stupid girl her lesson, by myself!''

Nag-tumbling siya sa ere at mabilis na tumapak sa sahig, nag ki-create ng apoy ang bawat pag kiskis ng suot niyang sapatos sa matigas na sahig.

Lumayo ako ng kaunti. Nag iba ang suot ni Frein, kusang nag-tirintas ang mahaba niyang buhok. Nawala ang robe niya, napalitan iyong clothing na hanggang pusod lang at may mga nakapaikot na parang metal sa lining nito, may palda rin siya na hanggang tuhod, at sa tuhod niya pababa ay boots na parang may kaliskis ng dragon. May armband siya sa kanan, at ganun din, parang dragon scales din.

A staff appeared in her hand. The staff is made of wood with a huge orb on its upper tip. May maliit na dragon ang nakapaikot sa orb.

Hinangin ang robe ni Cedwyn, at nag-iba din ang suot niya.

Alam mo si Amihan ng Encantadia? Ganun na ganun! Except may pakpak siya! White Feathers! Hello naman Cedwyn, makakalipad ka nga dito hane?

May lumabas na mga apoy sa orb ni Frein, and the flames flew all around, circling her .

Tumakbo agad papunta sa kanya si Cedwyn, at nag slide siya sa sahig at umikot siya.

Nag-woosh ang mga pakpak niya, at nahiwa ng pinakadulong feather ng dalawang pakpak niya ang naka expose na part ng tuhod ni Frein.

Napa slide pabackwards si Frein, as in slide. Parang nag i-iskating ng patalikod, at umaapoy ang mga boots niya dahil sa friction ng boots at sahig.

Inikot niya ang staff niya sa taas ng ulo niya, at saka niya iyon ini-slash sa hangin.

May lumabas na apoy sa staff niya at tinamaan si Cedwyn sa dibdib.

Ni-flap ni Cedwyn ang pakpak niya. Several feathers got loose ang sailed in the air around her.

She waved her hand towards Frein, and, as if taking it as a command, the loose feathers flew rapidly toward Frein's direction like throwing knives.

Inikot ni Frein ang staff niya, majorette siguro to pag fiesta.

Tumakbo siya at sinugod ang mga feathers, swinging her staff and hitting them accurately. She hitted them so fast that her staff seems only a blur flash in the air.

''Fladranium Firanna!'' Sigaw ni Frein, pointing her staff at Cedwyn's direction.

A dragon's head made of burning red flame came from the orb. Papunta ang apoy na dragon kay Cedwyn na nakaluhod pa rin sa sahig at nakahawak sa dibdib niya.

Nakita kong may kumakalat na yelo sa sahig, at bago pa tumama kay Cedwyn ang apoy, umangat ang yelo sa harapan niya, forming a protective ice wall and blocking the dragon flame.

Tumama ang dragon sa ice wall at nasira ito. Lahat ay napatingin sa pinagmulan ng yelo.

Nandun si Henry. And his eyes were smoking white...

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon