Jess' POV
''Tawagin mo ko pag kaylangan mo ko. Nasa corridor 3 lang ako. Fladran Chamber.'' Pagpapaalam sakin ni Ad. Hinatid niya ko hanggang pintuan ng isang classroom.
''Sige.''
Umalis na siya at pumasok na ko sa room.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa pinakadulo.
''Hai, bago ka ba dito?'' Tanong ng katabi kong babae. Maikli ang buhok niya, hanggang balikat. Brown ang mga mata at makapal na makapal ang pilik mata. Jessie J ang peg? Your my flashlight! Getting me getting me through the night!
Ngumiti ako sa kanya,''Oo eh.'' Nahihiya pako ng lagay na yun.
''Uhm. By the way, I'm Cedwyn Arabble. And you are?''
''Jessica-'' anu ba magandang apilido? Yung weird.
''Jessica---?'' Nag aantay siya ng kasunod.
''Jessica Airlines.'' Yun nalang ang naisip ko at nakipag shake hands.
Ngumiti siya?
''Airlines, Wind wizard ka siguro?'' Tanung niya.
''Yeah, Ephiphyran.'' sagot ko. Kapani-paniwala ba?
Ba't ba yun ang naisip kong aplido? Mukha tuloy akong airport. Yung parang kanta sa commercial-
The heart of the Filipino shining through...
Jessica Airlines Shining through...
Ay Philippine Airlines pala yun.
''Nice meeting you.'' Sabi pa niya. Infairness ang bait niya.
Maya maya ay may pumasok na isang matanang babae na may pointed hat din. Mukha siyang strikto dahil sa salamin niyang patusok at ang maliit niyang labi na may lipstick. May dala dala siyang isang libro at wand.
Natahimik lahat at humarap samin ang matanda.
''Good morning class 2C.''
(Di pa ginawang C2?)
''Good morning Professor Floral.'' Tumayo ang mga estudyante. Pati ako pero di ako bumati.
''Sit down. Today we will have to study about the benefits of Warty mushrooms. Kung anu ang medicines na nakukuha sa kanya at marami pang iba...''
''Siya ang teacher natin sa Botany.'' Bulong sakin ni Cedwyn.
''Botany?''
''Oo. Tungkol sa mga plants. Ang pangalan niya ay Mrs. Floral M. Panty.''
''Huwwhhat!?''
Napatingin lahat ng nasa room sa direksyon ko. Pati si Ma'am.
''What's the matter Ms.---''
''Ms. Airlines. Wala po ma'am.'' Pag aapologize ko, nakakahiya.
''Okay, tumayo na kayo. Pupunta tayo sa garden.''
Tumayo na lahat ng estudyante at ako at kinuha na nila yung mga libro nila at wand.
Lumabas si Ma'am at sinundan namin siya.
''Bakit ganun yung reaksyon mo?'' Tanong sakin ni Cedwyn habang naglalakad kami.
''Bakit Panty ang aplido niya?'' bulong ko kay Cedwyn.
''Ewan. Matagal na siya dito.''
Nagkibit balikat nalang ako habang nag-iisip.
Hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko at bigla nalang akong natisod!
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...