Jess' POV
''Ano nanaman?'' Bungad sakin ni Henry pagkapasok na pagkapasok ko palang sa apartment.
''Maligo't magbihis. May pupuntahan tayo.'' Sabi ko na ikina-pout naman niya.
''S'an?''
''Basta.'' Pagbabaliwala ko sa tanong niya.
''Pwede bang mamaya nalang? 'Di pa tapos yung Dibbo.''
Napabuntong hininga ako nang makita sa T.V yung palabas na Dibbo the Gift Dragon ng Disney Junior. Nakaupo siya sa couch at nakaharap sa T.V. Haay nako...
''Mamaya may replay---''
''Wala. High five susunod diyan tapos isang oras na Finding Nemo at pagtapos 'non Sophia the First tapos uulitin...''
Napakunot nalang yung noo ko at nakangiwing tiningnan siya. Kabisado niya yung schedule ng channel? My gad this boy!
''Bahala ka nga. Pupunta pa naman tayo sa magugustuhan mong lugar.'' Sabi ko sa kanya at napa-iling. Mukha namang napaisip siya sa sinabi ko.
''Sa'n ba kase?''
''Surprise ko nga sana sayo eh. Ayaw mo naman.'' Nagtagumpay naman ako sa disappoint-ako-kunwari effect dahil binalingan niya yung T.V. tapos ako, mukhang nagdadalawang isip.
''Eh yung episode ng Dibbo...''
''Hay makabalik nalang sa bahay.'' Tumalikod na ko pero hindi ako humakbang, inintay ko kung pipigilan niya ko. After 3 seconds wala siyang reaction, humakbang ako---
''Eto na nga.''
Narinig ko yung pag-switch ng T.V at hinarap ko siya ng nakangiti. See? Kabisado kita eh...
Mga 30 minutos akong nakaupo sa sofa ng marinig ko sa likuran ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Napalingon ako, sa wakas tapos na siy---
''Jess, alin ba dito yung harap?''
Napatunganga ako at literal na napanganga ng makita ko si Henry. Hawak hawak niya ang isang dark blue na sweater at---TOPLESS! Waaah! Naramdaman ko ang paglamig ng buong katawan ko.
''Huy? Alin kako dito yung har---''
''Waaah!'' Hindi ko alam kung san ako nakakuha ng throw pillow na naibato ko sa kanya. Tumalikod ako at nagtakip ng mata.
Walangya! Wala ba siyang utak? Bakit bigla bigla na lang siyang lalabas ng walang damit tapos sakin pa magtatanong?! Waah! Nakakaasar! Hindi mawala sa isip ko yung malapad na chest niya, yung 6-packs---ay walangya anu ba naman Jess!
''Tss, ang arte naman nito! Kasalanan ba kasing makakita ng---''
''Oo! Magbihis ka na nga!''
Nanatili akong nakatakip ng mata hanggang sa narinig ko yung mahina niyang pag ''Tss.''
''Oh eto na, nakabihis na.'' Narinig kong sabi niya at nakahinga ako ng maluwag. Nilingon ko siya. Poker face siya at---baligtad yung suot na damit. Antanga naman.
''Baligtad, pa inside-out.'' Nakangiwing sabi ko.
''Tinatanong ko kasi yung harapan sayo eh.'' Pagtatanggol pa niya sa sarili. Psh, di ba yun obvious?
Nilagay niya yung kamay sa likod at aktong magtatanggal naman ng damit.
''Hoy! Bastos ka bang talaga?'' Inis na sabi ko sa kanya. Aba nakita na ngang nakaharap pa ko---
''Pwede naman sanang tumalikod?''
Napangiwi nalang ako at naramdaman kong nag-init yung mukha ko. Tumalikod naman ako. Peste talagang lalaki yan. Hirap talaga kapag walang common sense yung kausap.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...