Jess' POV
I woke up, nasa ilalim ako ng puno ng neem tree sa park. Nakabalik na ko sa Earth!
May umiilaw sa slingbag ko. Binuksan ko iyon. Yung libro! Yung libro na binili sakin ni Henry sa Gritcore!
Kinuha ko iyon at pinagmasdan. ''The Secret Land: EnchantedAcre.''
I muttered the title.Unti-unti itong naging alikabok at hinangin palayo. Pero may naiwan sa kamay ko na sa mas maliit na libro.
''The Journey to the Land of EnchantedAcre.'' Yun ang bagong title.
Binuksan ko ang libro, blank pages. Napangiti ako. Maybe ako ang dapat magsulat sa mga pages at ang paglalakbay namin ni Henry.
Umilaw ulit ang libro. Nagkaroon ng mapa ang first page. The light faded, that was the last of EnchantedAcre's magic.
---
That's it. My life became normal again. Yung buhay na tahimik bago ko makilala si Henry. Yung buhay na si Kurt lang ang nang-aasar sakin.I miss him, bawat araw naaalala ko siya. Sinabi ko nalang sa mga kaibigan namin na umalis si Henry at hindi nag-iwan ng contact number.
Nalungkot silang lahat. Lalo na si Christopher, nag-drama. Sabi ko rin na nag-abroad na si Adriel, at lalo silang natamlay, feeling nga namin hindi na kumpleto ang barkada.
Napapanaginipan ko din si Henry. Lagi. At minsan kahit alam kong imposible, tinitingnan ko yung gate ng apartment niya, hoping na lalabas siya ng apartment niya ng nakangiti at susunduin ako para sabay kaming maglakad papasok.
Alam kong hindi na siya babalik. 8 hours lang akong nawala at almost 1 week na yun kila Henry, and its been almost 3 days since makabalik ako dito, that would be almost 2 months kila Henry. And I decided to move on.
-----
''Ate ate, guess what? May bisita tayo! Yung taong hindi mo ine-expect na dadating!''Nagulat ako at bumangon kahit puro muta pa ko at tiningnan si Kurt na nakangiti at nakatayo sa may pintuan.
Ang unang pumasok sa utak ko? Si Henry!
''Ok maghugas lang ako saglit.!''
Nagmadali agad akong naghugas. Bumalik si Henry! Alam kong siya yun!
Dali dali akong bumaba sa sala. And there, nakaupo sa sofa--
''Jess!''
''PAPA!'' Tumakbo agad ako at niyakap ko siya.
''Anak, 3 months ako mag-i-stay.'' Masayang sabi niya.
''Talaga Papa! That's enough para makapag-bakasyon tayo ng BONGGA! San mo gusto Pa? Sa beach? Island? Historical sights? Sa probinsya?''
Natawa nalang si Papa at ginulo ang buhok ko.
''Gusto mo sa lahat? Go ako jan.'' Sabay tawa ni Papa.
''Weh Papa ulitin niyo nga ire-record ko.'' Sabi ni Kurt at nilabas yung phone niya.
''No need. Pagkayari ng graduation mo Kurt. Oh ga-graduate ka ba? Baka naman puro kabulastugan ginawa mo?''
''Hindi kaya Papa. 85 yung average ko.'' Pagmamalaki niya.
''Tuwa ka na sa 85? Ay ou nga pala may pasalubong ako sa inyong dalawa.'' Masayang sabi ni Papa.
''Anu po yon Papa?'' Tanung ko at nauna na si Kurt sa mga bagaheng dala ni Papa.
''Whoa! Astig!'' Tinaas ni Kurt ang isang ripped jeans tapos may kinuha pa siyang damit na ang cool ng design, isang pares ng pam-pormang sapatos saka necklace na pam-porma.
''Papa kita mo mas gugustuhin pa ni Kurt maging gangster.'' Sabi ko kay Papa.
''Edi shing ate.'' Sabat ni Kurt.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...