Nakita ko si Henry. Umuusok ang mga mata niya.
Nagkakaroon ng yelo ang sahig kung saan siya tatapak.
Mabagal lang ang paglakad niya. At nakakatakot siya. Feeling ko hindi siya si Henry.
Tahimik na tahimik ang lahat at nakatingin sa kanya.
''Henry.'' Tawag ko sa kanya. Napahinto siya at nawala ang usok sa mga mata niya. Tumingin siya sakin at ibinalik niya ang tingin niya kay Frein.
''Frein Corxle, Headmistress' Office.'' Sabi niya dun sa Frein.
''At kayong tatlo,'' turo niya kay Cedwyn at dun sa mga backups ni Frein, ''sa advisers niyo.''
''Pero---'' magrereklamo pa sana si Frein.
''NOW!''
Tumayo silang lahat at dali daling umalis.
''At ikaw! Ako magpaparusa sayo. Sunod!'' Sabi niya sakin.
Nagulat ako. At sumunod nalang sa kanya. Nakatingin pa rin ang mga chismosa students.
Nagtungo kami sa kwarto. At pagkapasok ko ay sinara ni Henry ang pinto.
Anu kayang parusa niya.
''A-anung p-parusa ba?'' natatakot na tanung ko.
Nagulat ako ng ngumiti siya bigla.
''Nothing, takot ka naman? hahaha.''
Nakahinga ako ng maluwag.
''Kasi ikaw eh, ninenok mo pa tong robe kay Frein. Ayan tuloy.'' Sabi ko at naupo na ko sa gilid ng kama.
Tumabi siya sakin at tinignan ako sa mata.
''Sorry.'' bulong niya. Nagulat ako ng yakapin niya ko ng mahigpit.
''Magaling sa spells si Frein, you know, she could have---killed you.'' Bulong niya.
Nagulat naman ako. Di ibig sabihin, muntik na kong mamatay kanina? Tapos baka---
Nakaramdam ako ng takot at hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Henry. What if napatay niya ko, panu na si Kurt? At sila Gen?
''Haay, hindi kasi kita dapat iniwan. Don't worry, sasamahan na kita buong araw.'' Bulong pa niya.
''Okay.''
Humiwalay na ko.
''Next subject ay, Magical Creatures. Sa Gubat tayo sa gilid ng school, tara na?''
''Lets.'' Tumayo na ko. Naka t-shirt nalang ako.
----
''Meron tayong isang example dito. I want you to be careful, they're carnivores. Follow me.'' Sabi ng teacher namin na si Professor Fawn. Isa daw siyang Earth wizard, Under the power of Fauna or animals, at teacher siya sa subject na 'magical creatures'. Dito ay pinaiintindi nila sa mga students ang mga creatures sa Mysticland, kung panu sila mamuhay, kung panu sila madedepensahan sakaling manakit sila, kung anu ang mga kahalagahan nila at marami pang ka chorvahan.Sinundan na namin si Sir ng pumasok siya sa may maliit na gubat sa gilid ng palace. Naglakad kami habang nag-uusap ang mga ibang estudyante at rinig na rinig ang pag 'crunch' ng mga dry leaves na naaapakan namin. Kasama ko si Henry, at nakita ko rin si Adriel sa may likuran.
Huminto si Sir. Nasa isang clearing kami. There was a metal post standing at the very middle of the clearing. A large rope was tied on it. Sinundan ko ng tingin kung san papunta ang rope.
Nakatali ito sa isang malaking leg! A birds leg!
Pinigilan ko ang paghinga ko at tiningala ang may-ari ng napakalaking paa ng ibon.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...