Jess' POV
Hindi ko na inisip yung sinabi sakin ni Henry sa park kagabi. Naging ganun pa rin yung pakikitungo ko sa kanya. Ganun pa rin naman siya. Parang wala lang din nagbago, although parang naging mas maingat na ko sa mga sinasabi at ikinikilos ko sa kanya.
At eto kami sa bahay nila Karen ngayon, para sa isang group study...este kainan pala. Naghanda na si Karen para sa paglusob namin sa refrigerator nila. Magpapabili nalang daw siya ng snacks, baka daw maubusan sila ng li'l sister niya ng pagkain dahil wala pang padala yung mga magulang niya sa work. So no choice.
Medyo sumasakit ang ulo ko. Nahiga ako sa sofa habang nag iingay sila...
---
Henry's POVNakikipagbidahan ako kay Chris sa sala nila Karen. Nagkukwento siya tungkol sa nililigawan niyang chicks niya daw, tapos ewan ko pero nilalakasan niya yung boses niya pag lumalapit si Karen. May automatic na amplifier kaya sa katawan niya? At yung chicks niya, akala ko kiti. Babae pala. Malay ko ba?
''Yeah. Minsan nga pinuntahan ko siya sa bahay niya. Tapos nagsaya kami dun.'' Sabi pa niya.
Napansin kong nakakunot yung noo ni Karen. Anu kayang iniisip niya?
''Nagsaya.'' Sabi ko at tumango nalang.
''Hmm. May kukunin lang ako. Saglet lang pre.'' At umalis na siya. Lumapit naman sakin si Karen.
''Henry. Bili ka nga ng snacks natin. Diyan oh sa malapit may malaking grocery.'' Utos niya sabay abot ng 200 pesos. Alam kong 200 pesos yun dahil yun yung nakasulat sa papel na green.
Tiningnan ko yung pera. Bakit ganito ang mga tao? Bakit papel ang pera nila? May value ba 'to? May gold oh silver kayang content 'to? Oh, pag kaya naghirap sila pwede silang magpinta ng pera sa papel?
Uh-oh, bago ko pa nga pala problemahin yun, hindi nga pala ako marunong bumili! Pero nakakahiya namang tumanggi. Argh! What to do? Pasama ako kay Chris? Eh may kinuha ata eh. Kay Gen? May ginagawa silang lahat! Si Jess? Ayun tama.
''Ah sige anung snacks ba?'' Tanong ko matapos magdesisyon na magpasama kay Jess.
''Kahit ano. Chichirya.'' Pagkasabi no'n ay umalis na siya.
Okay. Chichirya daw. Hinanap ko si Jess at--- hayun siya sa sofa. Nilapitan ko siya---NATUTULOG!? Hala!? Panu 'to?
Lumapit ako sa kanya at niyugyog ko siya ng bahagya. Gumising ka naman oh? Emergency 'to!
''Jess?'' Bulong ko. Baka malaman pa nilang magpapasama pa ko eh, makwestiyon pa 'ko.
''Uhm?'' Umingit siya at hinawi yung kamay ko, pero hindi siya dumilat.
''Samahan mo ko bumili...'' bulong ko. Tumagilid siya, nakapikit pa rin.
''Ikaw...na...lang...'' Mahinang bulong niya. Tsk! Anu ng gagawin ko? Nako po! Patay ako nito!
''Jess...uy...Jess.'' tinapik tapik ko siya sa balikat. Tulog na. Tsk! Wala ng choice. Bibili na nga ako. Bahala na. Sasabihin lang naman yung bibilin at ibibigay yung bayad, ganun yun diba?
Tumayo na ako at lumabas ng bahay papuntang gate. Pagkalabas ko ng gate nakita ko yung shop sa kaliwang kalye at dumiretsyo doon.
Huminto ako sa harap, sarado ba 'to? Bakit walang pinto? Malaking screen na bintanang puno ng mga nakasabit na mga pakete, tapos may maliit na butas lang na square ang nasa harap. Tingin ba nila kakasiya yung mga bibili sa butas na yun? Bakit ganun?
Pero teka, panu ba ko tatawag ng tindera? Panu yung sasabihin? 'Hello po?' 'Tindera asan ka?' 'Costumer here?' Ano kaya?
Huminga muna ko ng malalim at magsasalita na sana ko ng biglang may nagsalita.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasiSeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...