Chapter 4: The Shadowless

2.4K 64 0
                                    

Adriel's POV

The dinosaur lay dead. It's head was burned.

I killed it.

Hindi ko matandaan kung pano ko siya napatay. Nawala ako sa sarili ko nung kalabanin ko siya.

Naramdaman ko ang pag-init ng balikat ko. Tinanggal ko ng bahagya ang jacket ko at tinignan ang marka ng Phoenix.

Umiilaw ito ng bahagya. A good sign, kumakalma na ang fire magic ko.

Binalik ko na ulit ang jacket ko at tumayo na. Mabuti nalang at nag-iba ang suot ko ng kagatin ako ng dino at buo pa rin ang paborito kong jacket.

I felt the piercing pain in my back where the dino's teeth had bitten.

Alam kong manghihina ako dahil sa kagat niya.

Fuck! I will surely be dead!

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

I heard someone scream.
Napahinto ako at tinukoy kung saan nanggaling ang tili.

It's a woman's scream.

Agad akong tumakbo papunta sa direksyon ng pinagmulan ng sigaw.

Hinawi ko ang mga sanga at vines na nakaharang at mabilis na tumakbo.

I found myself in a clearing surrounded by oak trees.

A girl was there, and she was facing a Forest troll. Nakasaldak ang babae sa lupa at papalapit ng papalapit sa kanya ang troll.

''Hey!'' I tried to interrupt the troll.

Napalingon sila parehas sakin.
Nagalit ang troll at nagpunta ito sa direksyon ko.

Umilag ang babae ng muntik na siyang matapakan ng troll.

''GRAWWWRR!!!!!!'' Galit na ungol ng pangit na halimaw.

I gathered my remaining energy and my hands burned with reddish flames.

Mahina na ang red. Ubos na ang lakas ko sa kakalakad at sa paglaban sa dino, pero kaylangan kong ipagtanggol ang babaeng to.

pinagdikit ko ang kamay ko at lalong lumakas ang apoy nito.

Umikot ako at saka ko ihinagis sa troll ang apoy ko.

He shielded his face using his moss-covered arm. Napahiyaw ang troll sa sakit ng masunog ang braso niya.

I attacked him again and again. He swung his hands and tried to catch me.

Nagpagulong ako sa lupa at inilagan ko ang kamay niya.

Bumangon ako agad at pinatamaan ko ng apoy ang troll sa mata.

Tinamaan siya at napahiyaw sa sakit.

He hugged his knees and turned into a giant boulder and rolled away into the forest, upsetting trees.

Nawala na ang apoy ko at tumingin ako sa babae.

Damn this girl! Napaka tunganga!

Nagulat ako ng lumapit siya sakin.

''Salamat.'' Nahihiyang sabi niya.

Sa tingin ko isa siyang estudyante. Mga 15 years old. Nakasuot siya ng robe na may logo sa left chest.

Wala naman akong pake.

Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad.

''Sandali.''

Huminto naman ako pero hindi ko siya nilingon.

''Anung pangalan mo?'' Tanong niya.

''What is it to you?''

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon