Third Person
''Wala naman eh.'' Sabi ni Jess na sumisilip sa likuran ni Henry. Wala siyang nakita, but somehow nakaramdam siya ng kaba.
''Meron.'' Sagot ni Henry. His eyes turned into a lighter shade of blue. That was the sign of danger.
Tinaas ni Henry ang kanang kamay niya.
''Tinatakot mo ba ko?'' Kinakabahang sabi ni Jess.
''Hawakan mo. Kung gusto mong makita.'' He said in a serious tone.
Unti unting inangat ni Jess ang kamay niya para abutin ang kamay ni Henry. Nadadalawang isip pa siya. She didn't know what kind of creature she was about to see. Pero curious siya.
Nagkadikit ng bahagya ang mga kamay nila. Tumingin ulit siya sa likod ni Henry. She gasped. May dalawang goblin ang nakasunod sa kanila!
Binitawan ni Henry ang kamay ni Jess.
''Freeze!'' He shouted. May kung anung pwersa ang lumabas mula sa kanya. Nabalot ng yelo ang buong paligid, ang sahig, ang ceiling, pati ang mga namimili. Maliban kay Jess.
''Wag kang gagalaw.'' Sigaw ni Henry sa kanya.
Nakita ni Jess na may namumuong purple na usok sa kinaroroonan ng dalawang goblin.
Nakikita iyon ni Henry. Nag iipon na sila ng lason.
One of the goblins threw his poison straight at him. He skated on the ice-covered floor and dodged the goblin's attack.
The goblin attacked him again and again.
Habang iniilagan niya ang mga atake nito, papalapit siya ng papalapit sa goblin.
Henry jumped and somersaulted in the air. He landed on the floor with a loud thud and ice spikes formed on the place where the two goblins stood.
Natusok ng spikes ang isang goblin ngunit nakailag ang isa.
Lumundag ang isang goblin at tumuntong sa deck ng mga paninda. Inatake niya ulit si Henry ng mga purple liquid. Lumalabas iyon sa kamay ng goblin.
He created a sphere made of invincible ice to protect himself from the goblin's attacks.
Bumaba ulit ang goblin. Hinawakan niya ang sahig gamit ang dalawang kamay na may tagtatatlong mahahabang daliri.
Nagkaroon ng kulay violet na patch ang sahig na hinawakan ng goblin. Kumakalat iyon papunta sa direksyon ni Henry.Henry jumped back and attacked the goblin. May lumabas na streaks ng yelo sa kamay niya papunta sa kinaroroonan ng goblin.
Mabilis ang goblin at nailagan niya ang mga atake ni Henry. Instead, sa sahig tumama ang mga atake niya na kinatatayuan ng goblin bago ga siya umilag. Nagkaroon ng thick,white smoke doon dahilan ng pagtama ng mga ice streaks.
The goblin smiled as if he had tricked them. Kumuha siya ng powder mula sa pouch niya at itinapon iyon sa may paanan niya.
Mabilis na umatake si Henry. Pinatamaan niya ulit ang goblin ng ice streak.
Nabalot ng usok ang goblin,at bago pa siya tamaan ng atake ni Henry, he was gone instantly.
Nakatakas siya.
Jess' POV
Pinanood ko lang ang buong pangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako nilalamig kahit na nabalot ang buong store ng yelo.
''Unfreeze.'' Mahinang sabi ni Henry habang nakatukod ang dalawang kamay niya sa tuhod niya at humihinga ng sobrang bigat dahil sa pagod.
Bumalik sa dating anyo ang store. Nawala ang yelo at tila ba inabsorb ito ng mga paa ni Henry.
Lumapit siya sakin at nagulat nalang ako ng bigla siyang natumba at nagpasapo sakin.
Naramdaman ko ang mabigat niyang paghinga.
''oy. ang bigat mo.'' Reklamo ko habang pilit ko siyang tinutulak palayo pero mukhang binagsak niya lahat ng weight niya sakin.
Nakayuko siya at nasa balikat ko ang ulo niya. Dama ko ang mainit niyang paghinga sa leeg ko. O_O
''Uy Henry. 1000 pounds ka ata.'' Sabi ko habang pilit ko siyang tinutulak. Naipit na yung kamay ko sa pagitan namin. Tsk!
''Wait. Napapagod ako.'' Bulong niya sa tenga ko.
Hinayaan ko nalang muna siya. Kahit na bigat na bigat na ko.
Bumalik na sa normal lahat. Although pinagtitinginan kami ng ibang namimili na napapadaan. Normal naman sila. I guess hindi nila nakita yung buong pangyayari dahil na freeze sila. Bakit kaya nakahinga pa sila sa loob ng yelo?
Ilang minuto pa kaming ganun ang posisyon.
''Okay na? Maawa ka naman uy, ang bigat mo.'' Sabi ko kay Henry.
Humiwalay naman siya at ngumiti.
''Ang bango mo pala.'' Nakangiting sabi niya. O_O
''HAH????''
''Ah, wala. Uwi na tayo?''
''Mabuti pa nga.''
----
Nakauwi na kami at maggagabi na. Nandito sa bahay si Henry.''Wala bang nakakita ng nangyari?'' Tanong ko sa kanya habang magkaharap kami at nakaupo sa sofa.
''Wala. Nawalan sila ng malay dahil binalot ko sila ng yelo.'' paliwanag niya.
''Bakit buhay pa rin sila kung nabalot ng ice?''
''Ako ang kokontrol ng yelo, di ko sila papatayin sa lamig.''
''Huh? Di ko gets.'' Naguguluhang sabi ko.
''Ganito. Parang ako ang mag uutos sa yelo kung anu ang gagawin nila. so kung ayaw kitang i freeze, kahit na mahiga ka pa sa yelo di ka mamamatay.'' Paliwanag ulit niya.
''Aaahh! eh bakit may mga goblin? Kagaya din ba sila ng mga worker fairies?''
''No. Yung mga fairies, dito sila nakatira sa Earth. Yung mga goblins--''
''Galing sa mundo niyo.'' Pagtatapos ko ng sasabihin niya.
''I'm afraid your right.''
''Ha? Anu ibig mo sabihin?''
''Jess... sinusundan nila ako...''
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...