Chapter 30: Into the Battle

1.7K 62 0
                                    

''Lulusubin po ba natin ang mga Elves, Prince Konor?'' Magalang na tanong ng isang estudyante.

''No, we will tell them, na ihanda ang mga army nila at kalabanin tayo sa Great Plain. Hindi pwedeng lumusob tayo sa Kingdom, madadamay ang mga villager.''

''Pero Prince Konor, panu nila malala--''

Tinaas ni Konor ang kamao niya, telling the student to stop speaking.

''You really didn't think na hindi ko 'to pinaghandaan? What? Sa tingin mo ba---''

''Bro, kalma.'' Bulong ni Ad. Nagsimula naman siyang kumalma at natakot ang mga estudyante.

''Pupunta tayo sa battlefield! Pagkatapos ng tanghali! We will send a message to them, malalaman iyon ng mga Elven Elders. Go tell them! Mga Flora, send them the message gamit ang mga halaman niyo.''

Agad na kumilos ang mga Flora.
----
(Elfin Language.)

''Master Toar, may nararamdaman akong panganib.'' an Elder said, kneeling in front of his Master.

''What is it Elder?''

''A great battle. Ang may pakana nito ay ang mga sorcerers at wizards, pati ang Ice master.''

Napatayo si Toar.

''Lulusob sila?'' Nagsimula siyang tumawa ng mala demonyo , ''mga walang isip! The really think that their elements can beat our poisons!''

''Master Toar, they told us na kalabanin sila sa Great Plain. Pagkatapos ng tanghali.''

''Hmm. You know what to do, prepare for the battle! Ihanda ang mga lason! Make sure walang papalpak! We're going to kill all of them! NG WALANG TRACE NG KANILANG EXISTENCE SA MUNDONG ITO!''
---
Great Plain...

May dalawang malaking burol na magkatapat. Sa pagitan ng dalawang burol na yon ay malawak na damuhan. May mga kalapit na iilang puno sa gilid ng damuhan. A perfect battlefield.

Nakahanda na ang dalawang army.

Ang army ni Konor, nakahanda na at nakahilera sa isang burol. Two dozens of giant forest trolls were on the first line. Sumunod ang mga centaurs, fully equipped with armours and weapons-- some with their swords and shield, and some with their bows and arrows ready.

Sumunod ang mga wizards, mga Terrestians at Fladrans na nakasakay sa mga unicorns na nakahilera. Sumunod naman ang mga ilang wizards na nakasakay sa mga Neurodragons, at ilang mga nakasakay sa mga Griffins.

Nagkalat sa ibaba ang mga wild cats at iba pang mga hayop.

Nasa itaas na ang ibang mga wizards na nakasakay sa mga broomsticks.

At nasa pinakaunahan ng army ang dalawang magkapatid na si Adriel at Konor na nakasakay kay Fuego at sa kulay blue na dragon ni Konor.

Sa kabilang hill naman ang army ng mga Elves. Sa unahan ang mga daan daang Elfin warriors, with their armors, swords and stout metal shields. Maayos na nakahilera, at nakasakay sa mga malalaking demonic bears. Sumunod naman ang daan daan din na Elfin Rangers, on foot. Nakataas at nakahanda na ang mga pana nila. Several goblins were lined on the back of the Rangers, holding huge clubs. Elven Elders lined in the sky above the Elves. Row upon row of Elves lined the hill, at si Toar ang nasa pinaka likod, nakasakay sa isang demon bear na mahigit tatlong beses ang laki sa normal at kulay violet ang mga nanlilisik na mata.

There was silence, only the wailing of the wind is heard, as if it knew that a tragedy will soon to happen.

They waited for nothing. The wind whipped the white manes of the unicorns and the shaggy furs of the demon bears.

Wild cats were ready, they showed their sharp teeth.

No one moved. When all of sudden, Konor shouted:

''FIIREE!!''

The centaurs fired their arrows. So did the Elfin rangers, and a huge black cloud of flying arrows soared up from both hills and into the sky.

''DON'T MOVE!'' Gumawa siya ng napakalaking ice sphere para maprotektahan niya ang army niya. Ganun din ang ginawa ng mga Elders, they created a magical barrier to ward off the falling arrows.

Arrows fell everywhere, like raindrops.

Ilang saglit pang umulan ng arrows, when at last the last arrow fell.

Tinanggal ni Konor ang shield. Nagsimulang tumakbo pababa ng burol ang mga linya ng mga elves. Para silang tubig na umaapos pababa, shouting bloody murder.

''KONOR!'' tawag ni Ad.

''YOU KNEW!'' Galit na galit na pinalipad nilang dalawa ang dragon, hudyat na lusubin na nila ang mga Elves.

Giant forest trolls turned into huge boulders and roll downhill, welcoming the Elfin warriors, crushing and destroying everything along their paths.

Mabilis na tumakbo ang mga unicorns kasabay ng mga wild cats.

The dragons and Griffins took flight, and also the wizards riding their broomsticks.

Lumipad ang mga Elders pasugod sa mga lumilipad na dragon, Griffins at wizards, at nagpalitan na sila ng mga spells.

Down on the field, there were shouts, cries, and the sound of metals colliding.

The battle has begun...

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon