Chapter 20: Scared to Mumu

2.4K 76 0
                                    

Jess' POV

Iniiwasan kong madaanan namin ni Henry yung horror house. Alam na, halos lahat ng makita niya ay gusto niyang masubukan at wala na kong nagagawa kundi magpahatak sa kanya. Yun naman talaga ang purpose kaya ko siya pinasyal dito, kaso 'wag naman ng sa horror house!

Bigla akong nauhaw at luminga linga para maghanap ng tindahan ng drinks, nandito kasi kami ni Henry sa harap ng Basketball Game.

May nai-spot-an naman akong stand ng shake sa di kalayuan--kaso dadaanan pa namin yung tapat ng horror house para makarating dun! Argh! Iikot pa kami? Eh? Ang layo! bibilisan ko nalang ang paglalakad.

''Henry, bili tayong drinks!'' Sabi ko sa kanya at inalis niya yung tingin niya sa mag-shotang nag shu-shoot ng bola para tumingin sakin.

''Tara.'' Nakangiting sang-ayon niya at hinatak ko na siya at naglakad na kami.

Heto na... Nasa tapat na kami ng Horror House. Pinagpapawisan na ko, wag kang lilingon! Wag kang LILINGON!

''Uy Jess, tara dun oh! Mukhang nakakatakot dun!'' Sabay turo niya sa Horror house at muntik na kong mapa-padyak! Waaah! Nakita niya!

''Bibili muna ko.'' Binilisan ko pa ang lakad. Argh! What to do? Panu ko siya mapapalusutan?! Eeeh.

''Sige dun tayo pagkatapos.'' Sabi pa niya. Argh! Nakakaasar naman oh?

Bumili ako ng shake na pandan flavor. Dalawa dahil mabait ako. Saka 25 lang naman isa eh.

Nang tumunog yung blender ay napatingin ako kay Henry na nakakunot yung noo na nakatingin sa blender.

May sinabi siya na hindi ko narinig dahil sa ingay nung blender. Makalipas ang ilang minuto ay binigay na samin yung dalawang shake at inabot ko kay Henry yung isa at saka yung straw.

Binaligtad baligtad niya yung straw at sinilip yung loob. Tapos tiningnan niya yung hawak niyang shake, tapos sa straw ulit. Tapos mukhang nakita naman niya yung bilog sa takip at tinusok niya dun yung straw. Nakahinga ako ng maluwag.

'Slurp' 'Slurp' 'Slurp' 'Slurrrrppppp'

Tiningnan ko si Henry at nginiwian ko siya. Manners naman oh? Pero parang wala rin namang nakakapansin sa mga dumadaan na tao. Kitang-kita ko talaga yung pagkonti ng laman ng shake niya dahil ini-straight na niya yung paghigop. Napailing nalang ako at saka humigop sa shake ko.

Makalipas ang ilang minuto ng matunog na sipsipan...

Tinapon na namin yung lalagyan sa katabing trash can. Nagpunas ako ng bibig gamit ang panyo at balak balak ko nang maglakad palayo sa---

''Tara na dali.'' Sabi niya sabay hatak sakin.

''Ay, diyan ba?'' Pa-inosenteng tanong ko ng makarating kami sa tapat ng Horror House. ''Di pwede diyan, sa halloween lang yan nagbubukas. Pag araw ng mga spiritong namayapa.''

Nang sa tingin ko ay gumana ang palusot ko dahil sumimangot siya ay---

''Weh? Bet may nakalagay na Open?''

Oops! Ehhh! Naman oh! Nakakaasar yung nakalagay na sign sa entrance ng pilahan. Pahamak ka!

''B-baka nakalimutang tanggalin, pero sa halloween lang nagbubukas yan.'' Pagpupumilit ko sa kanya.

''PST! OY!'' Napatunganga ako ng tawagin ni Henry ang operator ng isang ride na nasa bandang likuran namin. Tumingin naman ito.

''PWEDE BANG PUMASOK SA LOOB NITO?''

Tinuro ni Henry yung thumb niya sa Horror House at nanlamig naman yung katawan ko ng tumango yung operator. Naka-attract din siya ng atensyon ng mga nagdadaang tao.

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon