Jess' POV
''Henry, kaylangan mo na siyang kausapin. Hindi ka pa rin ba naniniwala?''
Hindi siya sumagot, nakayuko lang siya. Inexplain ko na lahat ng sinabi ni Ad sakin. Walang reaction manlang si Henry.
''Ewan.'' Sagot niya bigla.
''Henry, si Ad, hindi magbibiro yun. At saka, 9 years siyang naghanap, please naman. Para sa inyong dalawa din naman.''
''Hindi ko alam Jess.''
''Bakit?'' Lumapit ako sa kanya.
''A-alam ko ang tungkol sa kanya. P-pero, hindi ko tinuring na ama si Herion, at Jess, kung sa side ng Herion na yun si Ad, hindi ko alam kung kaya ko siyang ituring na kapatid.'' Parang nagagalit na siya.
''Pero Henry, naglakas loob siyang hanapin ka sa Earth. Hindi ba alam mo naman na kung ganu kahirap ang manirahan sa ibang mundo? Pero ginawa niya, para sayo.''
Parang napa-isip siya sa sinabi ko at natahimik siya saglet.
''You know, gusto ng sumuko ni Ad, dahil alam niyang galit ka sa kanya. At hindi ka makikinig sa kanya.''
''Okay. Pag-iisipan ko. I'll apologize to him, kapag nagkita nalang ulit kami.''
Natuwa naman ako sa sinabi niya.
''Ang buong akala ko hindi ka rin makikinig sakin.'' At nginitian ko siya.
----
''San ba tayo pupunta?'' Tanong ko. Naka blindfold pa ko, at feeling ko lang bundok tong inaakyat namin. Kanina pa kami at patisod tisod pa ko habang nakaalalay naman sa likod ko si Henry. May ipapakita daw siya.''Lapit na. Dito hinto ka na.''
Huminto naman ako.
''Tatanggalin ko na ha?'' Sabi niya at naramdaman ko na ina-untie na niya yung panyo na nakatakip sa mata ko.
Unti-unti niyang tinanggal yung panyo.
Dumilat ako--- CLOUDS!
Nasa pinakatuktok kami ng isang bundok (ambilis ko atang nakaakyat?) At dahil sa bumaba ang temperature ng lugar na to, at dahil na rin sa taas ng altitude, halos ilang metro ng mountain top ang lagpas sa mga ulap!
Naging parang punso nalang na maliit ang tinatapakan namin ni Henry. And all around us were just a sea of endless, fluffy clouds.
''Tingnan mo yung sunset.'' Sabi pa niya.
Tiningnan ko ang araw na kalahati nalang. The colors of the sun's rays blended with the clouds, making it look pinkish-red. At ang rumehistro sa utak ko ay dagat ng mga COTTON CANDY!
''Whoa! Ang galing!'' I exclaimed in delight.
''There's more.'' Sabi ni Henry, nilagay niya ang dalawang daliri niya sa bibig at nag whistle.
All of a sudden, several Dixies soared up from the clouds and flew in a circle---and we're at the very center.
I watched them flying while their feathers gleamed bright-gold in the sun.
And then they dived down, and they're gone, leaving us in a shower of glittering, golden-dusts.
Binuka ko ang mga kamay ko at sinubukang saluhin ang mga dusts.
''Do you like it?'' Tanung ni Henry.
''Yeah.''
Biglang may nagdaang mga pegasus. Mga tatlo.
''Gusto mo ng ride?'' Tanong niya ng nakangiti?
''Lets!''
----
Nakaupo ako sa kwarto at nag-iisip. Nakakatamad naman pala dito pag free day, well siguro para sakin dahil sabi ni Henry wag daw ako lalabas.Pero siyempre ayoko din naman noh? Mamaya andiyan si Frein na dragon eh. Gusto ko ng kausap, si Cedwyn kaya? Hmm. Eh bawal naman nga eh. Haay!
Hinalungkat ko nalang ang mga closet, baka may sikreto si Henry eh, hehehe. XD
Puro naman damit, at may malaking notebook.
Kinuha ko iyon at bumalik sa kama at binuklat. May mga nakasulat.
Anu toh? Mga numbers, symbols at parang mga operations. Formula ba to?
At si Henry ang gumawa? Ganun ba siya ka-genius sa mga machines? Pero bakit pag mga simpleng bagay kaylangan pa ng explanations para sa kanya?
Sabagay, ang sabi niya ay nung mag-isa siyang namuhay, nagpapalipas siya ng oras kakagawa ng kung anu ano. Eh ikaw ba naman ang araw araw na gumawa ng ganyan eh hindi ka maging bihasa.
Hm. May nakita ako na parang--- game plan?
May square tapos may mga bilog na nakadrawing. Tapos may mga lines sa gilid ng square papunta sa kabilang dulo. At yung mga lines ay parang pumasok sa isang malaking bilog. Anu yun?
Tapos may mga operations na nakasulat.
Nilipat ko ulit ang page.
May mga drawing naman. Parang mga parts, at may mga operation ulit. Siguro may magic yung utak niya at binigyan siya ng talent sa mga ka-chorvahan. Hello, kahit nga ako na I.T ay hindi ko maintindihan at ako nga daw ang pinaka magaling saming tatlo nila Gen at Chris na I.T. rin.
May narinig akong nag woosh. Tapos parang may tumama sa pader, nakabukas ang pinto.
Tiningnan ko ang pader sa gilid ko na katapat ng pinto. May kutsilyo na nakatusok don, at may nakapakat na papel.
Kinuha ko iyon at binasa.
'Meet. Watch Tower. 8:00'
-ADRIEL
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasySeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...