Jess' POV
Oh yeah! Apat na araw na sunod sunod na walang pasok! Magdiwang! Wohoo!
Kinuha ko yung cellphone ko at nag online sa facebook. Tutal wala naman ng mga linisin at urungin. Nayari ko na kanina. At eto nalang ako, nakaupo sa sofa dito sa sala at nagre-relax nalang.
Nagi-scroll ako sa newsfeed ko ng biglang may kumatok sa pinto.
Tss! Si Henry nanaman 'to for sure. At alam ko na dahilan niya, nakakainip sa apartment. Kabisado ko na yung mokong na yun. Inis na tumayo ako at nagpunta sa pintuan. Binuksan ko yung pinto.''Oh ba't ka nandito?'' Bungad ko.
''Dalawin ko lang sana si Kurt ate Jess.'' Oops! Si Kevin pala. Sorre naman. Bigla naman akong kinain ng hiya. Kasi naman akala ko si Henry eh!
''Ah, pasensya sa greeting, kala ko ikaw si Henry eh hehehe---''
''Uy, miss mo ko? Haha.''
Bigla nalang sumulpot si Henry at nginitian ako. Hindi ako agad nakapag-react at pumasok siya sa sala. Feel at home eh. Napairap nalang ako at 'di ko siya pinansin.
''Pasok ka Kevin, puntahan mo nalang si Kurt sa taas.'' Sabi ko kay Kevin at nag gave way na ko para makapasok siya.
''ATE NANDIYAN NA BA SI KEV?'' Sigaw ni Kurt sa taas.
''OO PARE PAAKYAT NA KO!'' Sigaw naman ni Kevin.
''WOW PARE BILIS MO NAMAN? KAKATEXT MO LANG AH?'' sigaw ulit ni Kurt.
''AY NAKO PAG TAYO NABATO NG KAPITBAHAY. HALA SIGE SIGAW PA.'' Sigaw ko naman sa kanilang dalawa.
''Hihi. Sorpo ate Jess.'' Nahihiyang sabi ni Kevin at nag-peace sign pa.
''Oh ikaw? Inip ka nanaman sa apartment?'' Baling ko kay Henry at nilagay ang mga kamay sa baywang.
''Oo.'' Walang ganang sagot niya sabay higa sa sofa at taas ng paa. Yung totoo, kaninong bahay to?
''Problema kayong tatlo sa tahimik kong buhay.'' Inis na nasabi ko at umupo, pinagpatuloy ko yung pagfe-facebook.
''Hey, kuya Henry, wan'na join us?'' Tanong ni Kurt na nakasilip mula sa taas.
''Sure.'' Bumangon si Henry at nagpunta na siya sa taas. Tss, anu kayang ginagawa nila dun? Nagkakasundo ang mga bugok na yun. Ha'ay nevermind.
Nakita kong online si Cedric, Karen at Gen.
Chinat ko silang lahat at tinanong kung ano'ng plano nila.
Nagreply naman silang lahat at sinabing punta daw kami sa kila Genevieve.Nagreply ako ng pamatay na 'k'. Pilipino nga naman, four letter word na 'Okay' na nga lang eh, ginawa pang two letter na 'Ok' at pinaikli pa sa 'k'. Ay, people nowadays...
---
Nakarating kami sa bahay nila Gen after lunch. Kasama ko si Henry pumunta. Andito na silang lahat, umalis daw yung mama ni Gen saka yung mga kapatid niya.Hindi gaanong mayaman sila Gen pero maginhawa naman ang pamumuhay nila. Sundalo papa niya at teacher naman mama niya. Apat sila magkakapatid, graduate na yung dalawa sa college. Siya yung pangatlo at graduating sa high school yung bunso nilang babae. Classmate ni Kurt.
Nandito kaming lahat sa sala ng bahay nila. Malaki yung sala, may apat na white na sofa at yung floor rug na white ay yung parang may furs. Maayos na nakalapat sa dingding na kulay cream ang isang divider na may magagandang stuff toys. Malalaki yung bintana na gawa sa blue na salamin at may mga pink na velvet curtain. Oh diba, sosyalin! Haha.
''Oh, 'nu gagawin natin?'' Bungad ko sa kanila.
''Kung ano maisipan.'' Sagot ni Gen na inaayos yung mga stuff toys.
BINABASA MO ANG
The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)
FantasíaSeason 1 and 2 (Taglish): The first war between elves and wizards has ended. The second battle will soon to come, and with it were destruction and chaos far more bloodier than the last... Elves won in their first attempt, after using an incurable p...