Chapter 7: Friends!

3.8K 120 0
                                    

Third Person's POV

Nakatambay sila Genevieve, Karen, Kaye, Christopher, Cedric, at Adriel sa bench na madalas nilang puntahan, yung nasa ilalim ng neem tree sa park ng campus.

''Na contact mo na si Jess?'' Tanong ni Karen kay Kaye, kakatapos lang nilang mag enroll para sa last sem nila at iniintay nalang nila si Jessica.

''Si Jess? Eh nawala yung cellphone non hindi niyo ma co-contact.'' Sabi naman ni Gen.

''Ganon? Eh hindi mo agad sinabi na lowbat tuloy.'' Sabi ni Kaye at may pinindot-pindot sa screen ng cellphone niya.

''Napaasa ka pa tuloy Kaye, yung tipong pinag hirapan mo, tapos mauuwi lang pala sa wala.'' Nagda drama nanaman si ever-hyper slash baliw slash makulit na si Christopher.

''Tigilan mo nga yang kaka hugot lines mo! Ka-irritate.'' Asar na sabi ni Karen kay Chris.

''Pabayaan mo nalang, ganyan talaga pag broken hearted! Palibhasa kasi binusted ng nililigawan. Ahahaha!'' Pang aasar ng Ced kay Chris. Tumawa din sina Karen, Kaye , at Gen. Si Adriel, tahimik lang, ever serious.

Biglang may lumapit na babae sa kanila pero walang nakapansin sa kanya. May dalang chocolate yung girl na nakabalot sa pulang ribbon.

''Hai.'' Mahinang bati nung girl sa kanila ng makalapit na ito. Napahinto naman silang lahat at tumingin sa babae.

''Hai miss! Anung kaylangan mo?'' Magalang na tanong ni Ced na may kasamang ngiti.

''Ah- uhm, anu kasi, gusto ko lang sanang ibigay to kay, Adriel.'' Nahihiya pa niyang inabot kay Adriel yung box.

''Thanks for this, pero next time, wag mo na kong bibigyan ng chocolate.'' Sabi ni Adriel at kinuha na niya yung box.

Namula naman 'yong pisngi nung girl, nag ok lang siya at dali daling umalis.

''Ad, mali naman ata yung ginawa mo, sinaktan mo yung feelings niya oh.'' Sermon ni Chris ng malayo na yung girl.

''Ayoko ng chocolate.''  Tipid na sabi ni Adriel.

''Ha?'' Biglang ginanahan si Chris.

''Ayoko ng chocolate.'' Pag uulit ni Adriel.

''Sure ka?'' Paninigurado ni Chris.

''Ang kulit mo, oh, alam ko namang hihingiin mo lang eh, sayo na, matahimik ka lang.'' Inabot ni Adriel kay Chris yung box ng chocolate. Natuwa naman si Chris at binuksan yung box.

''Penge!'' Sabay sabay na sabi nila Gen, Karen, Kaye at Ced. Dinumog nila si Chris na naka-pout lang habang tinitingnan yung kumonting laman nung box.

''Guys! I'm here!'' Masayang bati ni Jess sa kanila na bigla nalang sumulpot, kasama niya si Henry. Nag enroll sila pareho.

''Oh? B'et ngayun ka lang?'' Sermon ni Gen.

''Ah, pina-enroll ko kasi---oy 'lika dito,'' tinawag ni Jess si Henry na tahimik lang na nakatayo sa gilid niya. ''Uhm, guys, si Henry nga pala, magiging classmate natin siya Gen at Chris, IT rin ang kinuha niya.''

''Nice to meet you!'' Sabay sabay na bati nila.

''Si Gen, Karen, Kaye, Cedric, Chris,at si Adriel.'' Isa isang turo ni Jess sa kanya.

''Nice to meet you too!'' Ngumiti lang si Henry.
~~~~
Jessica's POV

So ayun, ginala namin si Henry sa campus habang ini-interview siya. Hindi ako kasali sa interview, nakikinig lang ako.

Sa totoo lang, wala lang kaming magawa kaya ni-tour namin siya sa campus. Malaki nga ang school namin pero hindi ka naman mawawala ih. Ops hindi ko na sasabihin ang pangalan ng school, baka puntahan niyo pa kami. Chos!

Yun nga palang pag-uusap namin kahapon, nag decide ako na maniwala nalang at tanggapin na totoo lahat ng sinabi niya. Kapag hinayaan kong i-reject ng i-reject ng utak ko yung fact na wizard nga si Henry, tingin ko mababaliw lang ako. So better tanggapin nalang.

Matapos namin siyang i-tour, naghiwa-hiwalay na kami at, dahil hindi na 'ko nag-abala pang magtext kay Kurt para magpasundo, nag-decide akong maglakad nalang papauwi kasama si Henry.

''Okay lang naman sa'yong maglakad 'no?'' Tanong ko kay Henry ng makalabas na kami ng gate at tinahak yung sidewalk.

''Uhm.'' Sagot niya at tumango lang.

Tahimik lang kaming naglakad ni Henry. Wala nanamang katao-tao yung sidewalk na may hile-hilerang acacia tree sa gilid. Wala ring nagdadaan na mga sasakyan...

''Satyr!''

Nagulat ako at tiningnan si Henry. Sukat ba namang sumigaw ng kung anung word ba yun. Nakahinto siya at nakatingala sa isang puno ng acacia. Anung nangyayare sa lalaking 'to?

''Ano?'' Takang tanong ko sa kanya. Huminto 'rin ako at tiningala yung puno. Puno parin. Anu bang meron diyan?

''May satyr! Ayun oh?'' May tinuro si Henry sa itaas.

Tiningnan ko siya. Shete, kinikilabutan ako sa ikinikilos niya ah? Anung satyr daw? Sa taas ng puno? Baliw ba siya?

''Wala naman eh.'' Sabi ko pero hindi niya 'ko pinansin. Nakatingala lang siya.

''Di mo nakikita?'' Takang tanong naman niya sakin. Tiningnan niya ko at kinunutan ng noo.

''Hindi. Wala naman eh.'' Sabi ko nalang sabay iling. Tumingin siya sakin, tapos sa itaas, tapos sakin ulit. Tapos parang naliwanagan siya bigla.

''Ahh. . .Invisibility-Magic. I should've known. Tara dito.''

Hinatak niya ko papalapit sa kanya at iniharap ako dun sa anggulo ng kita yung kung anu mang tinitingnan---WHAT THE!?

Napatulala ako ng makita ang isang nilalang na nakaupo sa sanga ng acacia tree! Hindi ko malaman kung anu ba siya pero mukhang nasa pagitan ng tao at kambing yung hitsura niya.

''A-a-anu  anu y-yan?''

''Isa yang satyr. At diyan siya nakatira sa puno.''

Hindi ko alam kung ganu ako katagal nakatulala sa mukhang taong kambing na nasa itaas ng puno na 'yon. Ang alam ko lang, nawala ito matapos magsalita si Henry sa lenggwaheng hindi ko maintindihan.

''A-anu yung sinabi mo?'' Tanong ko at tiningnan ko si Henry.

''Ang sabi ko, hindi ka na niya kaylangan tanggalan ng memorya. Tara na.''

Naglakad na si Henry, at ilang segundo pa bago nag sink-in sa'kin yung sinabi niya ay saka palang ako sumunod sa kanya. Tumakbo ako ng konti para maabutan siya.

''Anung tanggalan ng memorya?'' Tanong 'ko. Bakit kaylangan tanggalan ako ng memorya?

''Kasi,'' humarap siya sakin, ''hindi dapat malaman ng mga tao ang existence ng mga nilalang na 'to sa mundo niyo.''

''Hindi 'ko gets.''

Napaisip ako. Hindi ko maintindihan yung sinasabi ni Henry. At, existence ng mga nilalang na ganito sa Earth? Ang gulo.

''Gan'to. Yang mga nilalang na 'yan, nag e-exist sila dito sa mundo niyo pero invisible sila. Pero kapag aksidenteng nakita ng isang tao ang mga nilalang na 'to, buburahin ng mga salamangkero dito sa paligid yung kapirasong memorya mo para makalimutan mo sila. You know, baka mahigit 20 times ka nang nakakita ng dragon, pero wala kang maaalala dahil binubura ng mga salamangkero yung memorya mo.''

Nganga lang ako sa sinabi niya. Ako? Ako nakakita na ng mga magical beings? Pero---binubura ang kapirasong memorya ng mga tao para makalimutan natin ang mga ganitong bagay?

''At, one more thing, kahit na mabura ang ala-ala natin, may naiiwan pa rin syempre. At 'yon ang dahilan kung bakit kayo nakakaranas ng Deja Vu. We're here. Ba-bye.''

Gusto ko pa sanang magtanong ng magtanong, pero hindi ko namalayang nakauwi na pala kami...
---
Tweet me '@JhaydeeQuitua
p.s marami din'g changes dito kesa sa previous copy ng chapter... ☺☺

The Wizard Of Ice (Completed. Editing.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon